pinedarenz09
"Isang bagay na natutunan ko sa buhay ko. Tatlong bagay sa mundong ito na hindi mawawala at patuloy na mananatili dito sa paglipas ng panahon. Tatlong bagay na hindi nakikita pero nararamdaman, at ito ang PAGMAMAHAL, PANANAMPALATAYA at PAG-ASA. Dalawang tao na hindi nawalan ng pag-asa. Patuloy na nagmahal. Patuloy na nanampalataya. Patuloy na umasa. At sa bandang huli, TADHANA na ang gumawa ng paraan para pagtagpuin ang dalawang pusong naghahanap ng kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa kanilang isipan."