celester02
You wake up in a world that looks exactly like yours. Pero kulay abo ang langit. Tahimik ang mga kalsada. At ang mga patay ay bumubulong ng kanilang huling salita bago sila manghuli. Nang mag-collapse si Rey Marasigan dahil sa sobrang pagod, hindi niya alam na dadalhin siya sa Near - isang mundong nasa pagitan ng buhay at kamatayan. Dito, ang mga sumusuko ay nagiging halimaw. Ang mga lumalaban ay may pagkakataong makabalik. Kasama si Wency, isang gymnast na matagal nang na-trap sa Near, matutuklasan ni Rey ang mas malalim na katotohanan:
Ang Near ay hindi impyerno. Isa itong waiting room. At may isang tao roong gustong gawing kaharian ang lugar na iyon. Sa pagitan ng buhay at kamatayan... may naghahari.