wendy caayao
19 stories
Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards Category by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 727,546
  • WpVote
    Votes 16,301
  • WpPart
    Parts 20
"Judging from your reaction, I could guess you still remember me," sabi ni Evan nang magkita sila sa opisina ng matchmaking agency na pinagtatrabahuhan ni Miles. Paano ba niya makakalimutan si Evan de Ocampo? Ang ubod ng guwapo pero bully na schoolmate niya noong elementary na madalas mang-asar at magpaiyak sa kanya. Ang lalaking hinihinala niyang nagpalabas sa school theater nila ng kahiya-hiyang video niya noong gabing malasing siya sa isang birthday party. At ang kaisa-isang lalaking minahal niya at patuloy na minamahal sa kabila ng katotohanang sinaktan at ipinahiya siya nito eight years ago... ***Unedited
Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 128,239
  • WpVote
    Votes 1,966
  • WpPart
    Parts 25
Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale By Bridgette Marie "Be with me... kahit saglit lang... Puwede naman tayong maging makasarili kahit ngayon lang, 'di ba?" Walang himala! Iyon ang itinatak ni Emie sa sarili mula nang biguin siya ng Langit nang mga panahong kailangang-kailangan niya ng himala. Hindi kasi nailigtas sa kamatayan ang kanyang pamilya nang masangkot ang mga ito sa isang trahedya. Bitter na kung bitter, wala siyang pakialam. At wala rin siyang pakialam kung siya na lang ang hindi apektado sa charm ng bagong doktor sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Weh? Hindi nga? Dahil ang totoo, dead-ma kuno si Emie kay Cassiel-dahil tuwing ngingiti naman ang doktor, ang puso niyang puno ng bitterness ay napapalitan ng sweetness. At mukhang sinusuwerte siya dahil panay naman ang lapit ni Cassiel sa kanya. Feeling ni Emie, sa wakas ay mukhang magiging masaya na siya. Pero ano itong nalaman niyang hindi raw maaaring manatili sa mundo ng mga tao si Cassiel? Ano raw?!
How To Be Yours, Forever by RainieBleu
RainieBleu
  • WpView
    Reads 90,438
  • WpVote
    Votes 1,408
  • WpPart
    Parts 11
"May espasyo ka na rito. Ang kailangan mo-nating-gawin ay palakihin ang espasyo mo sa puso ko. I want you to have the biggest space in my heart." Naunang minahal ni Suzanne ang best friend niyang si Ranzelle, pero ang ate niya ang natutuhang mahalin ng binata. Ngunit hindi rin nagtagal ang relasyon ng dalawa sapagkat umalis ang ate niya para sumama sa ibang lalaki at naiwan si Ranzelle na sugatan ang puso. Ginawa ni Suzanne ang lahat ng makakaya niya para muling pasayahin si Ranzelle at ipa-realize dito na sila ang para sa isa't isa. Nagbunga naman ang pagsisikap niya dahil natutuhan na rin siyang mahalin ng binata. Pero kung kailan malapit nang mag-propose ang binata sa kanya ay saka naman nagbalik ang ate niya. Kailangan na bang isuko ni Suzanne ang pag-ibig niya para kay Ranzelle, lalo't tila apektado pa rin ito ng presensiya ng ate niya?
The Missing Wife (COMPLETED) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 636,761
  • WpVote
    Votes 12,516
  • WpPart
    Parts 27
Mga bata pa lang, ipinagkasundo na sina Rafe at Liv. Naikasal sila ayon sa plano. Bumuo sila ng pamilya at nagkaroon ng isang anak-si Scarlett. Maayos naman ang lahat hanggang sa isang araw, umalis na lang si Liv nang walang paalam. Bumalik si Liv pagkalipas ng tatlong taon. Ayaw talaga ni Rafael na tanggapin ang asawa, pero hinayaan niya itong makapasok uli sa buhay nila-hindi para maging ina ni Scarlett kundi para ipakilala si Liv bilang yaya ng kanilang anak. Pero sa paglipas ng mga araw, naramdaman ni Rafe na may kulang pa sa kanyang pamilya. He needed a woman who would fill his bed. Again, he saw Liv as the perfect candidate.
PERFECT FIT (COMPLETED) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 221,100
  • WpVote
    Votes 5,014
  • WpPart
    Parts 11
Walong taon na ang nakaraan nang iwan ni Tricia si Rafael nang walang paliwanag para manirahan sa Amerika. At ngayong nagbalik siya, ang tanging gusto niya ay mahalin uli ito. Pero sabi nga ng kaibigan niya, masyadong maraming mali sa fairy tale niya para magkaroon ng katapusang happy ever after. Siya-hindi si Rafael-ang Princess Charming na nag-iwan sa kanyang Cinderella. "He will never willingly fit your glass slippers," naalala pa niyang sabi ng kaibigan niya. Oo nga naman, mataas ang pride ni Rafael. And she needed to be more creative if she wanted to win his heart back. Lalo na at may isang sekreto ang kanyang paglisan na maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkasuklam nito sa kanya. Perfect Fit ang pangalawang nobela ko na na-publish sa PHR noong 2009. Noong binabasa ko siya ulit, nanghihinayang ako kung bakit maiksi siya masyado. One day, magmamakaaawa ako sa publisher ko na magsusulat ako ng mas mahabang version nito para ma-publish. Pero in the meantime, I hope you guys enjoy Tricia and Rafael's story.
My Gossip Girl COMPLETED(Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 510,624
  • WpVote
    Votes 5,500
  • WpPart
    Parts 21
My Gossip Girl By Angeline Buena
Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 307,297
  • WpVote
    Votes 6,863
  • WpPart
    Parts 58
*Love Is Only In The Movies is a novel turned TV series on ABS-CBN last 2010. It was starred by Zanjoe Marudo and Mariel Rodriguez. *Already published in print book and ebook format.
Barely Heiressess Book 2 - Yumi  (Published 2015)  COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 167,593
  • WpVote
    Votes 4,047
  • WpPart
    Parts 12
Unedited Para makuha ni Yumi ang pamama ng kanyang Lolo, kailangan niyang tuparin ang nakalagay sa proviso -- balikan ang tinakasan niyang groom. Kailangan niyang paibigin ito at turuang magmahal. But there's a catch. Dahil ang dating mabait, caring at trusting na si Jairus McGranahan ay isa na ngayong arogante, uncaring, cynical at unforgiving. At ayaw na nito sa kanya.
Barely Heiresses Series: BERRY (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 217,529
  • WpVote
    Votes 5,733
  • WpPart
    Parts 20
Tahimik ang buhay ni Berry sa isang squatter's area sa Tondo, nang dumating ang isang hindi niya inaasahang suwerte. Isa raw siya sa tagapagmana ng isang mayamang don mula sa Sagada, sabi ng guwapong abogado na naghanap sa kanya. Pero may mga kundisyon ang lolo niya bago niya makuha ang kanyang mana. Isa na roon ang maging mahinhin na dalaga na babagay sa dadalhin niyang pangalan ng kanilang angkan. Tsiken! Madali lang iyon kay Berry lalo na at ang guwapong abogado ang tutulong sa kanya para maging prinsesa. Ang problema, nalaman ni Berry na may sarili ding agenda si Atorni kaya siya nito tinulungan. At ang mas malaking problema, apektado siya dahil nangarap siyang pupuwede sila kahit malayo siya sa babaeng magugustuhan nito. Sabi na nga ba, eh. Dapat nanahimik na lang siya sa isang tabi at nagbilang ng kanyang kayamanan. Pahamak talaga ang puso kahit kailan.
Barely Heiresses Series  #1 : Ailene [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 377,781
  • WpVote
    Votes 9,748
  • WpPart
    Parts 35
Si Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signature bags niya ay class A replica. Updated siya sa latest high-end gadgets pero binibili lang niya ang mga iyon nang second hand sa online selling sites. Kaya ganoon na lamang ang pagkamangha ni Ailene nang malamang isa pala siya sa illegitimate children ng unico hijo ni Don Alfonso Banal-ang pinakamayamang tao sa Mountain Province. At may pito pala siyang half-sisters! Lahat sila ay pinamanahan ng kanilang lolo ngunit may iba't-ibang kondisyong hinihingi sa last will ng matanda bago nila makuha ang kani-kaniyang mana. Ang kondisyong hinihingi kay Ailene ay isang malaking challenge sa kanyang pagkatao. Kinakailangan niyang ma-survive ang Sagada adventure! Paano niya kakayanin ang mag-trek sa mga bundok at mag-explore sa mga kuweba kung isa siyang full-pledged city girl na may zero appreciation sa nature at punung-puno ng kaartehan sa katawan? Kailangan ni Ailene na maka-survive sa wilderness para makuha ang mana. Pero maka-survive din kaya ang puso niya sa guwapo niyang tour guide na mukhang may sekreto sa pagkatao? ***This is the unedited version so you might encounter some typo and grammar errors ***A few scenes were deleted so you better buy the published book LOL