꒰ ˵ • ˵ • ˵ ꒱ › ᖭི༏ᖫྀ ; mâyakap ka ay isang pahinga ᘞ.
135 stories
Pag-ibig Serye #4: Hiwaga by aestheticess
aestheticess
  • WpView
    Reads 1,334
  • WpVote
    Votes 67
  • WpPart
    Parts 39
hiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibig Si Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na nagbibigay ng ngiti sa lahat ngunit kailanman ay hindi niya nagawang ibigay ang kaniyang tunay na ngiti. Kailanman ay hindi niya naramdaman at natukoy kung ano nga ba ang pag-ibig. Kasabay ng aksidente na kaniyang nakatagpo ay ang pagbabago rin ng kaniyang kasalukuyang buhay. Sa muling pagdilat ng kaniyang mga mata, sa hindi inaasahang pagkakataon, siya ay mapupunta sa isang mundong puno ng pinagkaiba sa kaniyang mundong mapait. Makikilala niya sa mundong iyon at mula sa nakaraan ang isang malamig na ginoong nagngangalang Yuan Enriquez. Isang ginoong hindi niya kailanman inaasahang darating sa kaniyang buhay at ipadarama sa kaniya kung ano nga ba ang tunay na pag-ibig. Ngunit paano niya ito magagawang ibigin ng malaya gayong nakalaan na pala ito para sa iba? Magagawa kayang lumaban ng kaniyang puso na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawang tumibok para sa isang taong nababalot din ng dilim? Hanggang ilang mundo ang kanilang tatahakin upang magsama at sa ngalan ng salitang pag-ibig? date started: september 28, 2021 date written: december 5, 2021 date finished: december 29, 2021 © aestheticess, 2021.
Pag-ibig Serye #3: Tadhana by aestheticess
aestheticess
  • WpView
    Reads 1,249
  • WpVote
    Votes 81
  • WpPart
    Parts 39
tadhana // ikatatlong serye ng pag-ibig Si Anastacia, isang binibini na binansagan bilang isang perpektong binibini sapagkat ang lahat ay nasa kaniya na. Kagandahan, katalinuhan, karangyaan, at kabaitan. Halos nasa kaniya na ang lahat. Siya ay tunay na ipinagpala ngunit hindi sa isang bagay na naghahari sa puso ng lahat, sa salitang pag-ibig. Umiibig sa isang heneral na handang gawin ang lahat upang makamit ang salitang hustisya, si Khalil Leviano Santiago. Isang ginoo na nagtataglay ng pambihirang katapangan at katalinuhan. Ang kababata ni Anastacia na kahit kailan ay hindi siya nagawang ibigin. Kasabay ng kaniyang pagbabalik sa bayang kaniyang pinagmulan ay ang pagbabalik din nito, ang pagbabalik ng kaniyang iniibig. Wala siyang ibang nagawa upang tulungan ang sarili sapagkat sa paglipas ng mahabang panahon ay hindi pa rin nagbago ang itinitibok ng kaniyang puso, patuloy pa rin nitong isinisigaw si Khalil. Paano niya matutulungan ang kaniyang puso gayong nagsimula na ring dumating ni Sergio sa kaniyang buhay? Ang kapatid ni Khalil at nagbibigay hangarin na makuha ang puso niya. Paano niya iibigin si Khalil nang malaya sa kabila ng tadhanang pumipigil sa kaniya? Magagawa niya pa rin kayang lumaban at hindi sumuko? Hanggang wakas ay magagawa pa rin kayang tumibok ng kaniyang puso para sa salitang pag-ibig? date started: september 28, 2021 date written: november 12, 2021 date finished: december 3, 2021 © aestheticess, 2021.
Pag-ibig Serye #2: Gunita by aestheticess
aestheticess
  • WpView
    Reads 1,377
  • WpVote
    Votes 97
  • WpPart
    Parts 39
gunita // ikalawang serye ng pag-ibig Si Carolina ay isang palangiti at masiyahing binibini ngunit ang lahat ng iyon ay nagbago matapos talikuran ang kaniyang kaibigan. Kinailangan niyang lumisan upang magpahangin at kalimutan ang pait na nangyari sa bayang kaniyang pinagmulan. Siya ay lumisan at pagsamantalang namalagi sa isang probinsya kung saan tahimik at magbibigay ng kapayapaan sa kaniya. Ngunit muli ay nagsimulang magbago ang takbo ng kaniyang buhay matapos dumating ng isang ginoong nagngangalang Markus Esguerra. Ang buong akala nya ay isa lamang itong ginoo na darating at aalis din sa kaniyang buhay ngunit naglaho ang pag-aakala niyang iyon matapos malaman kung bakit nasa iisang lugar silang dalawa. Dahil sa labis na kunsensyang nararamdaman ay sinubukan niyang tulungan ito upang makabawi man lang sa kasalanang hindi niya naman ginawa. Ngunit paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay unti-unting mahulog ang kaniyang loob sa binata? Magagawa kaya itong suklian ni Markus sa kabila ng kasalanang nagdulot ng kadiliman sa buhay niya? Hanggang kailan kakayanin ng kanilang pusong lumaban para sa salitang pag-ibig? date started: september 28, 2021 date written: october 20, 2021 date finished: november 11, 2021 © aestheticess, 2021.
Pag-ibig Serye #1: Adhika by aestheticess
aestheticess
  • WpView
    Reads 4,706
  • WpVote
    Votes 331
  • WpPart
    Parts 39
adhika // unang serye ng pag-ibig Si Gwenaelle, isang binibining may itinataglay na katarayan. Kailanman ay hindi niya ninais na magkaroon ng maraming kaibigan at nais lang na mapag-isa. Siya ay tila naging isang yelo sa loob ng mahabang panahon dahil sa isang pangyayaring lubos na nagdudulot ng lungkot sa kaniyang puso. Ngunit nagbago ang takbo ng kaniyang buhay nang siya ay itinakdang ikasal sa isang ginoong nagngangalang Danyiel Villanueva, isang ginoo na malaki ang pinagkaiba sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang landas nilang dalawa at kaniyang magiging asawa sa isang iglap. Magagawa niya kayang buksan ang kaniyang puso para sa binata? O tulad ng dati ay mananatili pa rin siyang matigas at malamig na bumalot sa kaniya ng mahabang panahon? Hanggang saan ang kakayanin nilang abutin para sa salitang pag-ibig? date started: september 28, 2021 date written: october 2, 2021 date finished: october 18, 2021 © aestheticess, 2021. THE WATTYS 2022 SHORTLIST!
Te Amo, Adiós by aestheticess
aestheticess
  • WpView
    Reads 3,552
  • WpVote
    Votes 495
  • WpPart
    Parts 39
te amo, adiós // historical fiction story Si Isabelita Baltazar ay nagmula sa isang mahirap na pamilya kung kaya't siya ay naninilbihan bilang isang kasambahay sa isang hacienda. Nakilala niya roon ang isang mabait at maginoong lalaki na si Ginoong Pablo Natividad. Sa kaniyang paninilbihan sa Hacienda Natividad, may hindi inaasahang nabuong komunikasyon sa pagitan ni Isabelita at Pablo na siyang nagpatuloy sa bawat pagdaan ng araw. Ano kaya ang magiging papel ni Isabelita sa buhay ni Pablo? Tama ba na umibig sila sa isa't isa kahit na sa una pa lang ay hindi na dapat pa? date started: febuary 1, 2021 date finished: march 23, 2021 © aestheticess, 2021.
wildflower honey. by hyrulesque
hyrulesque
  • WpView
    Reads 67,949
  • WpVote
    Votes 4,380
  • WpPart
    Parts 6
vanilla scented poetry
The Importance of Being Earnest, A Trivial Comedy for Serious People by OscarWilde
OscarWilde
  • WpView
    Reads 162,946
  • WpVote
    Votes 2,598
  • WpPart
    Parts 6
"The Importance of Being Earnest, A Trivial Comedy for Serious People" is a farcical comedy in which the protagonists maintain fictitious personæ in order to escape burdensome social obligations.
to move on by alphabelat
alphabelat
  • WpView
    Reads 8,537
  • WpVote
    Votes 807
  • WpPart
    Parts 82
let the pen run wild as it tell the tale about u and me but never us. genre: (not so) poetry // english
Sinasadyâ by subsecreto
subsecreto
  • WpView
    Reads 118,490
  • WpVote
    Votes 11,325
  • WpPart
    Parts 104
In which Rej (Fr. Emilio's parish secretary) finds herself fighting with Jesu (Fr. Emilio's commission secretary) over the Facebook Game, Coin Master.
hakuna makata by alphabelat
alphabelat
  • WpView
    Reads 1,389
  • WpVote
    Votes 132
  • WpPart
    Parts 57
". . . hindi maipagkakaila, sumuko na nga." genre: poetry // filo