kaiyakimo
Umuwi si Corine Zendejas sa lugar na kaniyang kinalakihan, sa lugar na labis na paghihirap at sakit ang ibinigay sa kanya. Nais niyang hindi na sana bumalik ngunit namatay ang kanyang Lolo. Kung kaya't napauwi siya rito. Hindi niya iyon gusto pero kailangan. At ang ipinagdadasal niya sana ngayon ay hindi niya makita o kahit masalamuha ang mga taong naging dahilan at nagdulot sa kanya ng kanyang pighati.
Ngunit alam niyang hindi iyon matutupad, dahil bago pa man siya nakarating sa kanilang bahay ay ito na agad ang bumungad sa kanya.
Ang taong minahal niya ng halos dalawang taon, ang labis niyang minahal ngunit hindi aakalaing kapatid niya pala...
Ang dahilan kung bakit lahat ng kanyang gawa ay puro sad endings.