LarRy8959's Reading List
9 stories
Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently Editing by kembing
kembing
  • WpView
    Reads 149,018
  • WpVote
    Votes 6,697
  • WpPart
    Parts 39
Patintero, Tagu-taguan, langit-lupa, jack-en-poy at habulan... Ilan lamang 'yan sa mga madalas nating laruin, buong maghapon maghapon tuwing bakasyon. Ngunit papaano kung isang araw ang lahat ng ito ay mapapalitan ng pag-akyat ng bundok, pagtawid sa mga batis, pagsakay sa lumilipad na barko, pakikipaghabulan sa mga engkanto at elemento at pakikipagsapalaran sa isang kaharian na kung saan dalawa ang araw na simisikat at dalawang buwan ang lumulubog. Sa isang kaharian na kung tawagin ay Arentis. Papaano kung ang buong bakasyon mo ay mapunan ng mga ganitong pangyayari? Anong gagawin mo? *** First time ko po sa Wattpad, sana po ay magustuhan ninyo ang kwento ko. Pasensya na rin kung may mangilan-ngilang malalalim na tagalog. Taga San Pablo e :) P.S. May music po sa media section. Para lang mas exciting magbasa. :) M.K. Brugada / kembing ©2014-2015 All Rights Reserved.
Moymoy Lulumboy Book 3 Ang Paghahanap kay Inay  (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 52,039
  • WpVote
    Votes 2,224
  • WpPart
    Parts 36
Ang Paghahanap Kay Inay
Moymoy Lulumboy Book 2  Ang Nawawalang Birtud (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 80,237
  • WpVote
    Votes 3,033
  • WpPart
    Parts 31
Moymoy Lulumboy Book 2 Ang Nawawalang Birtud by Kuya_Jun
Moymoy Lulumboy Book 4: Mga Dulot ng Digmaan (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 53,092
  • WpVote
    Votes 2,822
  • WpPart
    Parts 59
Moymoy Lulumboy Book 4: Mga Dulot ng Digmaan Kuwento ni Segundo Matias Jr. Guhit ni Jomike Tejido
Moymoy Lulumboy Ang Batang Aswang (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 320,846
  • WpVote
    Votes 9,947
  • WpPart
    Parts 43
Sa isang Cosplay event sa Greenbelt, isang babae ang inabutan ng isang sanggol na may kasamang isang bag ng salapi ng isang maliit na taong naka-costume na dwende. Lalaki ang sanggol at tatawagin siyang Moymoy. Tulad ng ibang bata, masaya siyang nakikipaglaro, umiiwas sa mga away, at napagsasabihan ng matatanda, ngunit malalaman niyang kakaiba siya nang sandaling magalit siya at maging isang Tigre. Umpisa pa lang ito ng pagtuklas niya sa kanyang pagkatao at sa totoong mundo kanya talagang kinabibilangan.
BINHI (Munting Handog - Book 2 [On Going]) by AngHulingBaylan
AngHulingBaylan
  • WpView
    Reads 29,672
  • WpVote
    Votes 1,447
  • WpPart
    Parts 38
Matapos ang sampong taon ay nagbabalik si DJ sa probinsiya ng kanyang nakatatandang kapatid, hindi upang magbakasyon, kundi upang turuan siya ng aral dulot ng katigasan ng kanyang ulo. Subalit isang gabi, lihim siyang iniligtas ng isang natatanging hayop mula sa ibang daigdig. Natuklasan niyang isa itong tagapag-alaga ng isang mahiwagang punla. Ang hindi niya alam, ang kaligtasan ng mga tao ay maaaring nakasalalay sa pagkaliit-liitang bagay na iyon. Natangay siya sa isang kakaibang mundong hindi niya inaakalang totoo. Anong sekreto ang nasa likod ng kataka-takang buto at bakit niya ito natagpuan? Atin siyang samahan sa kanyang pakikipagsapalaran at alamin ang hiwagang dala ng misteryosong... BINHI. - - - - - - - - Kaliskis (Munting Handog - Book 1, Stand Alone) Binhi (Munting Handog - Book 2 (On-going), Stand Alone)
KALISKIS (Munting Handog - Book 1) by AngHulingBaylan
AngHulingBaylan
  • WpView
    Reads 454,930
  • WpVote
    Votes 3,485
  • WpPart
    Parts 9
Simula na ng bakasyon. Ito ang panahon na pinakahihintay ni Roselda. Magagawi na naman siya sa dalampasigan upang mamulot ng kabibe at batotoy. Subalit nang bakasyong iyon, higit pa sa kabibe at batotoy ang kanyang natagpuan. Nakipagkaibigan siya sa isang engkantong lalang ng tubig at nananahan sa ilalim ng karagatan. Napalis siya sa mundo ng mga engkantong-tubig. At sa kanyang huling pag-ahon, siya ay nabago habam-buhay. Anong hiwaga ang kanyang natagpuan? Inyong tunghayan ang kanyang istorya. Sumama ka't ating sisirin ang k'wento sa likod ng mga... KALISKIS. - - - - - - - - Kaliskis (Munting Handog - Book 1, Stand Alone) Binhi (Munting Handog - Book 2 (On-going), Stand Alone)
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order) by JohnPolicarpio
JohnPolicarpio
  • WpView
    Reads 748,836
  • WpVote
    Votes 46,674
  • WpPart
    Parts 69
Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. Nakakapressure ba? Wala pa yan. Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh. Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila. And to promote world peace nga pala. Rakenrol!