DannielFalsisXD's Reading List
166 stories
Legend of Divine God (Vol 16: The Thirteenth Emperor) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 999,582
  • WpVote
    Votes 131,401
  • WpPart
    Parts 152
Synopsis: Kinilala na ang ikalabintatlong emperador, at iyon ay walang iba kung hindi si Finn. Siya ang pinili ng kalangitan na magtaglay ng espesyal na kapangyarihan at titulo dahil napagtagumpayan niya ang huling hamon ng Land of Origins na talunin ang Evil Jinn. At sa kaniyang pagdating sa divine realm, samu't saring pagsubok kaagad ang kaniyang kahaharapin upang maprotektahan ang kaniyang mga kasama, kayamanan, at titulo. Bagong mga kalaban ang kaniyang makakaharap, at bagong mga kakampi ang kaniyang makakasama sa pagsasakatuparan niya sa kaniyang mga layunin. Sa pamamagitan ng espesyal na kapangyarihang kaniyang natanggap, maghahatid siya ng malaking pagbabago sa divine realm. Ipapakita niya na hindi siya dapat kalabanin, at ipapaalam niya kung bakit siya ang pinili ng kalangitan bilang magiging pinakamakapangyarihang nilalang sa hinaharap. -- Date Started - July 1, 2024 (Wattpad) Date Ended - ??
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 12] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 9,499
  • WpVote
    Votes 883
  • WpPart
    Parts 30
Sakay-sakay ng limang malaking mga Giant Sun Condors ang lahat ng mga nanalong mga kalahok. Napakalaking ibon ito ngunit hindi maaaring sobrang dami ng sakay nito. Ang naunang apat na naglalakihang mga ibong ito ay mayroong mga ekspertong galing sa Flaming Sun Guild. Marami-rami din pala ang mga nasa huling sakay ng ikalimang Giant Sun Condor. Lahat ng mga ito ay mga miyembro ng Flaming Sun Guild. Talagang pinaghandaan ang paglipad nila patungo sa direksyon kung saan naroroon ang Flaming Sun Guild. Hindi maipagkakailang nasa apatnapot tatlo lamang ang naging matagumpay sa mga trials na siyang inaasahan na rin ni Wong Ming. Talagang nakalkula na ng mismong Flaming Sun Guild ang kukunin nilang mga disipulo. Hindi naman siguro iyon labag lalo pa't ang tanging gusto nga ng Flaming Sun Guild ay mas mababa pa rito. Maayos naman ang paglipad nila kung saan ay tanaw na tanaw ng lahat ang magandang aerial view ng Flaming Sun Guild sa malayo habang makikitang makikita ang nagtataasang mga pader na siyang humihiwalay at nagsisilbing proteksyon ng buong Flaming Sun Guild. Hindi aakalain ni Wong Ming na napakalaking guild pala talaga ito. Natatanaw niya ang ilan sa mga floating islands na iba't-iba ang mga laki at hugis ng mga ito na siyang mas nagpapaganda ng buong lugar na ito. Hindi mapigilan ni Wong Ming na malula sa mga views na ito. Ngunit nadismaya naman si Wong Ming dahil naalala niyang mag-uumpisa silang lahat bilang mga outer disciples ng Flaming Sun Guild. Start:June 30, 2023 End: July 13,2023
Code Chasers by yoshiro_hoshi
yoshiro_hoshi
  • WpView
    Reads 90,582
  • WpVote
    Votes 6,886
  • WpPart
    Parts 92
Walang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala-ala tungkol sa kaniyang nakaraan... Patuloy siyang sinusundan ng kamalasan na nagtulak sa kaniya na mamuhay nang mag-isa at malayo sa sinuman... Pero magbabago ang lahat ng mag-krus ang landas nila ni Noah; isang Pinagpala na nakatira sa Agrivan at naging matalik niyang kaibigan. Maayos na sana ang lahat, hanggang sa pumasok sa eksena ang Kardinal na si Heimdall upang pigilan si Fillan na tuparin ang kaniyang tadhana: Ang LUMIKHA o Ang MAGWASAK Ang kapangyarihan ba niya'y isang PAGPAPALA? O isang SUMPA? Paano tatanggapin ni Fillan ang kaniyang kapalaran? At paano babaguhin ng kaniyang kapangyarihan ang lahat-lahat sa kaniya? Copyright © 2020 "Code Chasers" All rights reserved. By: Yoshiro Hoshi #GothicFantasy /Supernatural/ Adventure / Inspirational
IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14) by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 12,253
  • WpVote
    Votes 1,176
  • WpPart
    Parts 49
Sa pagharap ni Wong Ming sa panibagong yugto ng buhay niya, magagawa niya kaya ng tama ang mabigat na misyong iniatang sa kaniya ni Faction Master Zhiqiang? Ano'ng klaseng misyon ito at bakit si Wong Ming ang piniling gumawa nito? Sa muling paglalakbay ni Wong Ming sa pambihirang mundong ito ay makakamit niya kaya ang tagumpay sa bago niyang katauhan o maghahatid itong muli ng panganib ng sarili niyang buhay?!
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 13] THE DEADLY HARVESTS #GODLY SERIES #3  by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 10,563
  • WpVote
    Votes 966
  • WpPart
    Parts 36
Isang Annual Harvest Month na naman ang nilahukan ni Wong Ming na siyang dinaluhan ng napakaraming outer disciple. Ano namang kakaibang karanasan ang maaaring maganap sa loob ng Old Amity Farm na siyang pagmamay-ari ng Flaming Sun Guild? Isa ba itong maituturing na biyaya o isang nagbabadyang panganib na naman ang kakaharapin ng lahat ng kalahok maging ng walang kaalam-alam na si Wong Ming? Start: July 20, 2023 End:
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 11] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 9,088
  • WpVote
    Votes 844
  • WpPart
    Parts 29
Mula sa himpapawid ay unti-unting makikita ang maraming grupo ng mga nilalang na pumunta sa lugar ng Red City. Iba't-ibang mga kulay ang nakikita ni Wong Ming na suot-suot ng mga nilalang na ito maging ng mga simbolong nakatatak sa mga kasuotan ng mga bagong dating na mga nilalang. Buti na lamang at malawak ang parte ng lugar na ito na kasalukuyang ginaganap ang mga kompetisyon kung hindi ay baka nagsiksikan na sila sa dami ba naman ng mga lumahok maging ng mga gusto lamang manood ng labanan. Maraming usap-usapan ang nangyari ngunit mabilis ring nagbago ang lahat nang dumating ang mga pangunahing nangangasiwa ng kompetisyon na isinasagawa ng Flaming Sun Guild. Pansamantalang natigil ang mga kompetisyong nagaganap hanggang sa inanunsyo na lamang ng MC sa malakas at klarong boses na matutuloy ang nasabing kompetisyon ng Flaming Sun Guild sa susunod na dalawang linggo. Marami ang nadismaya at marami din ang natuwa ngunit para kay Wong Ming ay alam niyang tila mababago at mas hihirap ang kompetisyong ito. Isa sa pinakamalaki at pinakatanyag na guild sa tatlong mga naglalakihang siyudad ang Flaming Sun Guild. Misteryoso at tila kinatatakutan rin ang nasabing guild sapagkat ang pwersa nito ay hindi masukat at wala ring eksaktong lokasyon ang nasabing guild. Alam niyang hindi basta-basta ang Flaming Sun Guild. Bilang lamang ang nakakapasok rito at alam niyang hindi naman dadagsa ang marami pang mga kalahok galing sa iba't-ibang parte ng tatlong siyudad kung hindi tunay ang kredibilidad nang nasabing guild. Naiisip ni Wong Ming na ang ganitong pagbabago sa kompetisyong ito ay mas kailangan niyang paghandaan ang nalalapit na pagsasalang sa kanila. Alam rin niyang kung mayroon mang pagbabago ay pabor iyon sa kaniya o sa lahat sapagkat oportunidad ito para sa lahat, mapabata man o matanda habang ipinapakita bula ang kanilang kahusayan sa paglalaban o labanan. Start: June 9, 2023 End:
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 14,650
  • WpVote
    Votes 1,604
  • WpPart
    Parts 40
Sa paglalakbay ni Wong Ming patungo sa Dou City ay namalagi siya rito upang tuklasin ang mga bagay patungkol sa nangyari sa siyudad na pinagmulan niya kung saan naroroon ang Green Valley na minsan na ring nag-exist. Mahahanap niya kaya ang kasagutan sa apat na taong nakalipas? Paano kaya kung hindi inaasahang pangyayari na naman ang magaganap sa paglalakbay niyang ito? Magagawa niya kayang lagpasan ang mga panganib na maaari niyang makaharap kahit na mismong sariling buhay niya ang nakataya?
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 9] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 13,070
  • WpVote
    Votes 1,582
  • WpPart
    Parts 34
Sa mundong ginagalawan ni Wong Ming sa kasalukuyan, ano ang maaari niyang gawin upang maisalba at maisaayos ang mga bagay na maaaring ikapahamak ng sarili niya, ng Wong Family at ng buong Golden Crane City sa hinaharap. Paano na lamang kung ang pagtulong niya sa ama niya sa loob ng Ashfall Forest ay maghahatid sa kaniya ng matinding panganib na ngayon niya lamang mararanasan. Makakaya niya kayang lampasan at maunawaan ang kakaiba ngunit nakakapangilabot na mga pangyayaring babago at huhubog sa sarili niyang pag-unawa?
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 8] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 17,266
  • WpVote
    Votes 1,930
  • WpPart
    Parts 42
Bagong katauhan, bagong lugar na gagalawan ni Li Xiaolong o mas mabuting sabihing si Wong Ming. Sa apat na taong pagkupkop sa kaniya ng tumatayong ama niyang si Wong Bengwin, ano ang maaaring maging dulot ng aksidenteng pagkapadpad nito sa Golden Crane City? Maibabalik pa ang dating katauhan nito o tuluyan na niyang malilimot ang masalimuot niyang nakaraan?!
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 18,845
  • WpVote
    Votes 2,056
  • WpPart
    Parts 38
Due to some external forces who drive the Four Kingdoms in Chaos. What kind of danger that awaits for the people who lives in Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom, Wind Fury Kingdom and Sky Flame Kingdom especially to Green Martial Valley Union. Could he they really afford to messed this things up or they will totally face their utter destruction in different kinds of forces? What will be the plan of Li Xiaolong to escape from the danger lurking in the darkness just like a predator looking for it's prey? ... Pictures aren't mine. Credits to the owner Old Titles: Immortal Destroyer > Legend of Supreme Asura