MiguelLagado's Reading List
26 stories
BUSAW 5: ALTHEA, Prinsesa ng mga Busaw  by ionahgirl23
ionahgirl23
  • WpView
    Reads 60,891
  • WpVote
    Votes 2,299
  • WpPart
    Parts 20
. Siya si Althea, ang kakambal ni Abraham. Ang isa sa mga anak ng mag-asawang Manuel at Elvira. Lumaki sa karangyaan sa pamamaraan ng kanilang pamumuhay, nakukuha ang gusto at tinitingala ng lahat. Sa di' inaasahang pagkakataon, nakagawa siya ulit ng gulo. Gulong pagsisisihan niya dahil kapalit nito'y magiging mortal siya! Makakaranas ng mga nakakatakot na pangyayari sa mga kalahi niya, ang mga busaw. Paano niya haharapin ito kung nawala na sa kanya ang lahat? This is the 5th book of Busaw Series. By: ionahgirl23 Started: Dec. 09, 2015 .
BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng Busaw by ionahgirl23
ionahgirl23
  • WpView
    Reads 150,516
  • WpVote
    Votes 4,487
  • WpPart
    Parts 27
. . Kilalanin natin si Abraham, ang isa sa kambal ng mag-asawang Manuel at Elvira (from the Busaw Series, Busaw 1: Busaw, Unang Pagsibol). Kasing lakas siya ng kanyang mga magulang, kasing-makapangyarihan pero sa pag-ibig ba'y kasing tapang rin nila??? ********** "Sabihin mo na ang kailangan mo, ang gusto mong makuha para sa madaling panahon ay makaalis ka na rito.” aniya at tinitigan ako habang itinataas ang zipper ng pantalon niya. “Maipapangako ko ang kaligtasan mo ngayong gabi pero sa pagsikat ng araw at sa muling pagkalat ng dilim ay ‘di ko na hawak ang pagkakataon... alam na nila ang tungkol sa’yo.” Napasunod na lamang ako ng tingin sa kanya nang bumalik siya sa dati niyang kinauupuan. “S-sinong sila?” nakuha kong itanong. Wala kasi akong alam na sabihin kundi’ naiisip ko lamang ngayon na ganito pala katindi ang resulta nang paghahanap ko lamang sa gamot ni Stella. Hindi agad siya sumagot. Maayos siyang humarap sa akin at kahit ‘di ko na naman nakikita ang buong mukha niya’y alam kong tinititigan niya ako. “Sinong sila?” ulit niya. “Sila lang naman... ang kapatid ko, maaaring pati ang mga magulang ko at malamang... ang mga kalahi ko.” Napalunok ako ng ilang beses sa narinig ko. Buong angkan ba ng halimaw ang gustong pumatay sa akin? Doamne, te rog ajută-mă... (Lord, please help me...) by: ionahgirl23 . .
BUSAW 3: AIRINA, Ang Ulapirang by ionahgirl23
ionahgirl23
  • WpView
    Reads 219,759
  • WpVote
    Votes 5,052
  • WpPart
    Parts 28
. . “Bakit tayo lang ang kakaiba sa kanila?" nakuha kong tanungin ang katabi kong nakatingin rin sa mga kumakain Bahagya niya akong nilingon at ngumiti. “Dahil espesyal ka... ikaw ang prinsesa, reyna at ang.”tiningnan niya ako sa mukha pababa sa aking leeg ;“Luthena... ang nag-iisang ulapirang na kayang gawin ang lahat nang nanaisin, ang magpapatuloy sa lahi natin.” Nakakagulat ang kanyang sinabi kung tutuusin pero ‘di ko alam kung bakit parang wala lang sa akin ang narinig ko. “Bakit sila ganyan, ikaw.... ako?” ‘di pa rin ako makahanap ng sagot sa pag-iiba ng mga anyo namin. “Sila’y pangkaraniwang ulapirang lamang samantalang ako’y anak ni Amang Gimbawan at sa isang busaw na nakilala ko si Lucas.”sagot niya at tumingin sa likuran ko kaya napatingin na rin ako. “Ama, tuloy ba ang lakad mamayang gabi?” Tahimik lamang na tumango ang may katandaan ng nilalang na kapareho ng mga nagsisipagkainan. “Baka gustong sumama ng ating mahal na Luthena para maiba naman ang nakikita niya...”bahagyang tumango ang matanda sa akin kaya napatango na rin ako.“Alam kong maraming tanong sa isipan mo mahal na Luthena pero hahayaan kong kusa mo itong madidiskubre... darating ang araw na maiintindihan mong ikaw ang nakatalaga.” Nakapag-isip na naman ako sa sinabi niya pero sinarili ko na lamang ito. Napatingin ako sa iilang ulapirang na nagsipagtayuan habang pinupunas ang nagkalat na laman at dugo sa kanilang mga bibig. “Anong hayop ang kinakain nila?”wala sa sariling nasambit ko lamang pero nahagip ng mga mata ko ang mabilis na paglingon ni Ezekiel sa akin. “Mortal... mga sanggol Airina.” by ionahgirl23 . .
Busaw 2: LORENZO, Ang Pagdayo by ionahgirl23
ionahgirl23
  • WpView
    Reads 401,055
  • WpVote
    Votes 6,965
  • WpPart
    Parts 32
. . SA KANILANG KAKAIBANG KATAUHAN, KAKAIBANG MUNDO... MAY LUGAR PA BA ANG PAG-IBIG KUNG PAGDANAK LAMANG NG DUGO ANG KANILANG ALAM? KILALANIN NATIN SINA LORENZO AT AGATHA AT ANG KANILANG KAKAIBANG KWENTO. === "Manghuhula ka ba?” parang bata akong nagtatanong ngayon ng mga walang kwentang bagay pero sinasagot naman niya. “Ehemmm.” tumango lang siya at susubuan sana uli ako nang umiling na ako at humiga lang sa kanyang kandungan, tiningala ko siya. “Bakit?” tanong niya sa akin. “Sinong magiging asawa ko kung ganun’?” Sumubo siya habang ang mga mata ay nasa akin pa rin. “Ako.” Napangisi ako sa sagot niya at nang hindi ko na mapigilan ang tawa ko ay napatawa na nga ako ng malakas. “Ha haha g*go... seryoso ako eh tsaka may mahal ka ngang iba.” bungisngis ko pa rin pero nawala lahat ‘yun nang yumuko siya at titigan ako. “Wala na akong magagawa ‘dun, ang kapalaran ay kapalaran.” lalo pa siyang yumuko at halos naaamoy ko na ang hininga niya. L*ko, senyas ko at piningot ko ang ilong niya. Umusog na ako sa tabi niya at humiga sa katabi niyang unan... A FANTASY HORROR, ADVENTURE LOVE STORY WRITTEN BY IONAHGIRL23. . .
Si Gabriel Cruz at ang Lupon ng mga Aswang (Dugo ng mga Datu Book I) by martincarneo
martincarneo
  • WpView
    Reads 68,731
  • WpVote
    Votes 2,407
  • WpPart
    Parts 28
Palibhasa'y lumaki sa kalsada bilang isang mandurukot, alam ni Gabriel na hindi siya isang pangkaraniwang bata. Ngunit malalaman niya kung gaano talaga siya ka-espesyal ngayong nahanap na siya ng misteryosong si Bagwis, isang matandang lalaki na laging naka-amerikana. Ngayon, para sa kaligtasan ng ating mundo, kailangan niyang harapin ang ibat' ibang uri ng mga engkanto, lamanlupa, at higit sa lahat, ang malupit na Lupon ng mga Aswang. Sapagkat sa kanyang mga ugat dumadaloy ang Dugo ng mga Datu. All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. Written by: Martin Tristan M. Carneo All rights reserved. No reposting, republishing, and printing of copies. Read more stories at http://kuwentonghorror.wordpress.com
Katatakutan sa likod ng bawat Alamat by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 17,414
  • WpVote
    Votes 620
  • WpPart
    Parts 3
Mahilig ka ba sa Alamat? May paborito ka ba sa mga Alamat na narinig o nabasa mo na? Paano kung may iba pang kwento sa Alamat na noong bata ka ay gustong-gusto mo na? Kuwentong kababalaghan at lagim ang dala? Magugustuhan mo pa kaya? Halika na at tunghayan ang naiibang bihis ng Alamat ng Pinya. Published under BSPub. (AMALGAMATION) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED) by FlamieTiger31
FlamieTiger31
  • WpView
    Reads 4,055
  • WpVote
    Votes 155
  • WpPart
    Parts 26
Being a teenager, ADVENTURE is all what we wanted and CURIOSITY in everything is eating us. Pero paano kung mapasobra ang ating pagiging mausisa sa lahat ng bagay? YOU CAN RUN BUT SHE WILL GO AFTER YOU. Enjoy reading.
Formosa Magico: Erisa by Margarita29
Margarita29
  • WpView
    Reads 4,130
  • WpVote
    Votes 185
  • WpPart
    Parts 12
Formosa. Ang isinumpang gubat bago marating ang bukana ng lupain ng Agartha. Dito matatagpuan ang mahiwagang mga halaman at mga kakaibang nilalang. Isa na roon ang mga Fayette. Isang uri ng diwatang hindi matatawag na kabigha-bighani.
Madugong Disyembre (Available On Dreame) by LiaCollargaSiosa
LiaCollargaSiosa
  • WpView
    Reads 51,655
  • WpVote
    Votes 1,881
  • WpPart
    Parts 19
"Tara sa hukay at doon tayo magpapasko!"
SALOT (ONE SHOT) by tomodachi143
tomodachi143
  • WpView
    Reads 7,108
  • WpVote
    Votes 155
  • WpPart
    Parts 1
NANLULUMO SI SARHENTO NICK MANALO HABANG NAKATITIG SIYA SA WALANG BUHAY NA KATAWAN NI ALING ROSE. BIKTIMA ITO NG HINDI PA MATUKOY NA...read more. PLS. VOTE AND LEAVE YOUR COMMENTS.THANKS!!! ENJOY READING!!!