MaryDeJuan's Reading List
26 stories
Si Joshua Lagalag at ang  Engkantong Lunhaw by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 221,016
  • WpVote
    Votes 11,107
  • WpPart
    Parts 26
Magkakaibigang magkakasama sa saya, lungkot at pakikipagsapalaran. Pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan. Pag-iibigan na pilit hinahadlangan. Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua, Angelo, Pitta at Danara laban sa mga panibagong kalaban. Mga engkantong mas mataas ang antas ng kapangyarihan. Mga engkantong hahadlang sa kanilang pag-iibigan. Mga engkantong magpapabagsak sa Pamunuan. Malampasan kaya nila ang bagong pagsubok?
Ako na lang sana COMPLETED by myjeilapad
myjeilapad
  • WpView
    Reads 5,137
  • WpVote
    Votes 974
  • WpPart
    Parts 20
Kristina 'Tina' Drilon. Simpleng babae pero may tanging angking ganda. She loved her boyfriend so much but in the end, iniwan lang siya nito. Sa mga oras ng kalungkutan niya ay andiyan naman ang lalaking handang pasayahin siya. Zachary 'Zach' Valencia. Ang lalaking lihim na umiibig kay Tina noon pa man pero walang lakas ng loob na magtapat sa dalaga dahil alam niyang mahal nito ang bestfriend niyang si Larkin. Mahal niya ang dalaga at handa siyang gawin lahat para maging masaya ito ulit at makalimutan ang sakit na dinulot ng bestfriend niya. May pag-asa pa kayang maghilom ang pusong sugatan at umibig muli? May pagkakataon pa kayang maipagtapat ang tunay na nararamdaman sa taong iniibig?
Engkanto( book 1) "Daigdig Sa Ilalim ng Karagatan" by sishiimee
sishiimee
  • WpView
    Reads 8,407
  • WpVote
    Votes 311
  • WpPart
    Parts 28
Anong gagawin mo pag biglang magbago yung buhay mo sa isang iglap? yung simple at payak mong pamumuhay ay magiging magulo? matatanggap mo kaya? o tatakasan mo lang? Pano pagnalaman mo na magulang ang punot dulo ng lahat? Si Angelo ay isang normal na binata lang. Yun ang akala niya. dahil ang totoo isinilang siya na may pasan ng reponsibilidad sa kanyang balikat bilang isang lalaking babaylan. Pilit na inilayo in Guada ang anak sa kapalaran nito ngunit sadyang Hindi mapipigilan ang tadhana. Dahil sa di inaasahang pagkakataon ay napasakamay ng binata ang isang mahalagang bagay na nag uugnay sa mundo ng mga mortal at ng mga ibang nilalang.
SBAATSB 2- Anghel ng Baryo Masapa by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 313,889
  • WpVote
    Votes 1,550
  • WpPart
    Parts 4
Si Baste at ang tubig sa Bukal Book 2 Halika na at muli mo akong samahang tunghayan ang kasaysayan ng isang kakaibang paslit na nagngangalang Anghel... ang anak ng isang Alamat. ~ ** ~ "Awooo!" Malakas na alulong ni Balbon upang ibalita sa pangkat ng mga lobo ang pagsisilang ni Rosalia. Hindi ito mapakali sa bawat pag-iri at pagsigaw ng nanganganay na ginang. "Huwag ka riyan umumang sa pintuan, Sebastian! Lalong mahihirapan sa panganganak ang asawa mo. Dumoon ka na muna sa labas." Natatarantang sabi ni Minyang sa pamangkin. Agad namang sumunod ang ama ng sanggol na isisilang . Sa likod bahay ito nagpabalik-balik habang nilalamukos ang sariling mga kamay. Mayamaya pa ay... "Uha! Uha!" Napatalon si Sebastian sa kagalakan at humahangos na pinuntahan ang kanyang mag-ina. Samantala... "Awooo..." Muling alulong ni Balbon upang ibalita sa lahat ng nilalang sa loob ng kakahuyan ang pagsilang ng isang sanggol na lalaki. Ang paslit na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at nakatalagang gumanap ng malaking papel sa MASAPA ayon sa librong pinangangalagaan ng mahiwagang Ingkong. Si Baste, ang kanyang amang nakatagpo sa mahiwagang tubig sa bukal... tuluyan na kayang nabura sa alaala nito ang mahihiwagang nilalang na naging kaibigan? Ano-ano ang panganib na haharapin ng mag-ama upang mapangalagaan ang mga kababaryo at ang kakahuyang tirahan ng mga nilalang na tanging sila lamang ang nakakarinig at nakakakita? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Si Baste at ang Tubig sa Bukal  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 367,076
  • WpVote
    Votes 3,902
  • WpPart
    Parts 10
"Bakit lagi nila ako niaaway? Hindi ko naman sila niaano, a." Humihikbing sumbong ni Baste sa alagang aso. Tila nakakaunawa, ikiniskis naman ng aso ang ulo sa braso nito. Binata na si Baste kung pagbabasihan ang panlabas na kaanyuan, subalit ang isip nito ay kahalintulad ng isang musmos, inosente't walang muwang. Madalas ay tampulan ng tukso at ginagawang katatawanan ng ibang tao. Ang lahat ng pagdaramdam ay idinadaan na lamang nito sa tahimik at impit na pag-iyak. Datapuwa't may kakulangan, si Baste ay may kakayahang makakita ng 'di pangkaraniwang nakikita ng ordinaryong mga mata. Subalit, paano siya paniniwalaan ng mga taong ang tingin sa kanya ay sintu-sinto at kulang-kulang? Ano ang magiging kaugnayan niya sa bukal? Anong hiwaga ang matutuklasan niya sa tubig? Ano ang magiging kapalit ng kanyang pagtitiis at pagpapakumbaba? Sama-sama nating tunghayan ang kanyang kasaysayan........ Copyright © ajeomma All Rights Reserved
SBAATSB 3- Ang SUGO by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 157,895
  • WpVote
    Votes 1,539
  • WpPart
    Parts 5
Nagbalik ang alaala ni Sebastian. Alam na niyang siya si Baste, ang tinutukoy sa Alamat na nakatagpo ng mahiwagang tubig sa bukal. At si Anghel, ang naging bunga ng pag-iibigan nila ng matalik na kaibigang si Rosalia. Ang anak ng Alamat na naging katuwang ng ama sa pagliligtas ng Baryo Masapa sa tiyak na kapahamakan. Muli siyang magbabalik taglay ang misyong palaganapin ang kapayapaan sa lahat ng dako. Sa patnubay ng mga makapangyarihang nilalang na naninirahan sa loob ng kakahuyan. Sa tulong ng mga hayop na nagagawa niyang kausapin sa pamamagitan ng isip lamang. Samahan natin siya sa pagganap ng dakilang tungkuling iniatang sa kanya. Si Anghel, ang anak ni Sebastian. Siya... Ang Sugo Paunawa: Ang kwentong ito ay karugtong ng Si Baste at ang Tubig sa Bukal at Anghel ng Baryo Masapa. Upang maiwasan ang pagkalito, mangyaring tunghayan muna ang mga naunang kwentong nabanggit. Salamat po.. --**--ajeomma--**-- Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Eri At Emi (Available On Ficfun) by LiaCollargaSiosa
LiaCollargaSiosa
  • WpView
    Reads 473,930
  • WpVote
    Votes 10,284
  • WpPart
    Parts 29
Snow White And The Seven Demond (Available On Dreame) by LiaCollargaSiosa
LiaCollargaSiosa
  • WpView
    Reads 85,246
  • WpVote
    Votes 3,445
  • WpPart
    Parts 31
Mabait at sanay makisalamuha sa lahat si Snow white. Magalang at masipag ito sa kanilang tahanan. Pero simula ng pumasok ito sa school nila sa bayan ng Beelzebub ay naging karumal-dumal ang buhay niya. Marami kasi sa mga estudyante doon ay palagi siyang pinagti-tripan. Trip na habang tumatagal ay lalong lumalala. Sa pagbalik ni Snow white sa kanyang tunay na pinanggalingang bayan ay doon niya matutuklasan ang mga bagay bagay na hindi niya alam na taglay pala ng kanilang pamilya. Sino sino ang magiging pitong kaibigan niya na magtatanggol sa kaniya? Sino sino ang mga taong babalikan niya? At higit sa lahat... Handa na ba silang kumain ng mansanas? Mansanas na may taglay na kakaibang kilabot. Mansanas na maglalagay sa kanila sa alanganin. "Lahat ng kakagat ay mamamatay!"
Mag-Ingat sa Mabait by MeasMrNiceGuy
MeasMrNiceGuy
  • WpView
    Reads 127,847
  • WpVote
    Votes 1,010
  • WpPart
    Parts 9
Paano kung may makilala kang isang tao na sobrang bait sa iyo tapos na in love ka? Paano kung ang taong napupusuan mo na ang siya palang kikitil sa buhay mo? Alin ang pipiliin mo? Ang sinasabi ng puso mo o ang ibinubulong ng isip mo... ang kaligtasan mo?
Ang Huling Pakikipagsapalaran by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 174,454
  • WpVote
    Votes 12,240
  • WpPart
    Parts 41
Itutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala sa mga nangyari? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan. Ito na nga kaya ang huli?