SassyMissy0823
- Reads 6,013
- Votes 178
- Parts 8
Nagmadali akong pumunta sa ospital sa sandaling makatanggap ng tawag na hindi ka na nakakausap nang maayos. Umiiyak ang kapatid kong kahit kailan ay hindi ko pa nakikitang umiyak simula noong tumanda kami. Habang tinatahak ang daan papuntang ospital, isa lang ang paulit-ulit kong dinadarasal sa itaas,
"Lord, hayaan nyo pong maabutan ko pang buhay si Tatay. Kahit sandali lang po. Hayaan ninyo pong mayakap at mahagkan ko siya sa huling pagkakataon bago mo siya bawiin sa amin."