Siya si RUTH KLARIZZA MAE IMPERIAL o Ruth. Isang babaeng hindi kagandahan ngunit busilak ang puso. Sounds cliche...
Isang babae na may mapagmahal na ina at inggiterang kapatid. May malanding kaibigan at mapagmahal na nobyo. Ngunit talaga nga yatang hindi siya mapalad sa buhay pag-ibig. Simula nang hiwalayan siya ng kanyang nobyo ay naging sunud-sunod na ang kanyang boylet. At naging sunud-sunod na rin ang kanyang heartaches...
Hanggang sa mapagod na siya. Kung kailan naman nawasak na ang paniniwala niya sa "forever" ay saka naman dumating ang lalaking mamahalin niya nang sagad na sagad! At ang lalaking iyon ang naging dahilan upang naisin niyang gumanda! At gagawin niya ang lahat para maging kamukha niya si Marian Rivera!
At doon na magsisimula ang panget na katotohanan na itatago ni Ruth...
"She's slow, naive, innocent, ignorant and stupid. That's why I hate her! But, should I call my self stupid too because I am falling in love with her?"- Light Forbes.
Una kong isinulat ang kwentong ito sa isang Facebook Page at nilipat ko noon sa Wattpad tapos dinelete...
Ngayon, ipopost ko na ulit ito para mabasa niyong muli ang nakakalokang kwento ni "Bebang"-- ang panget na babaeng type na type ang boss niyang si Sir Yuki na super gwapo. Ngunit paano kung sa taas ng pangarap niya ay sa alalay nitong si "Biboy" siya bumagsak na tulad niyang isang panget?!
Ang halik na yata ni PERSEVERANDA PAMINTUAN ang pinaka mahiwaga sa lahat ng halik. Dahil sa pamamagitan lang naman ng kanyang halik ay nabubuhay at nagiging tao ang ubod ng gwapo at macho na mannequin na si MIGUEL BUENAFUE. Aba, aba! Instant jowa ang nakuha ng NBSB at virgin na lola niyo! Jackpot! Pero jackpot nga ba kung malalaman niya na sa bawat pagbibigay niya ng buhay sa mannequin na si Miguel ay siya namang pag-ikli ng buhay niya?
PUBLISHED BOOK UNDER LIFE IS BEAUTIFUL. AVAILABLE NA PO SA LAHAT NG PRECIOUS PAGES BOOKSTORES :)
Si Girl na may gusto kay Bakla. Si Bakla naman love si Boy. Si Boy naman na type si Girl. Suitor naman ni Girl si Tomboy na kapatid ni Boy. Gagamitin ni Boy si Bakla para mapaibig si Girl at gagamitin naman ni Girl si Tomboy para magustuhan siya ni Bakla.
Sino ang para kanino?
Sino ang mawawalan at sino ang magkakaroon?
Haist! Ang gulo!