Scary
13 stories
Alphabet of Death (Published) by risingservant
risingservant
  • WpView
    Reads 20,462,004
  • WpVote
    Votes 455,672
  • WpPart
    Parts 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng kamatayan mo.
Bakanteng Nitso 2 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 277,848
  • WpVote
    Votes 1,538
  • WpPart
    Parts 4
KASUNDUAN (Josefina-Ismael)- Bakanteng Nitso book 2 "Bwahahaha!" umiekong halakhak ng hari ng kadiliman. "Magaling, aking kampon! Ipagpatuloy mo ang paghahanap ng mga kaluluwang makakasama natin dito sa impyerno! Ibigay mo ang anumang nanaisin nila. Kayamanan, kapangyarihan, kasikatan, kagandahan, kabataan at lahat ng gusto pa nilang makamtan at matamasa bago ko kunin ang kanilang kaluluwa!" At muling humalakhak ang lalaking nakaupo sa kanyang trono. Ano ang magiging kaugnayan ng kampon nitong may dilaw na mata sa mayamang si Ismael? Magtagumpay kaya ang diablo na maisama sa Impyerno ang kanyang kaluluwa? Muli nyo akong samahang tuklasin ang kanyang kahahantungan.. Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Ang Bahay ng Lagim by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 446,865
  • WpVote
    Votes 1,988
  • WpPart
    Parts 5
Sa tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng mahal na araw sa San Ronquillo ay hindi na mapakali ang mga naninirahan dito. Pinaniniwalaang muli na namang makikita ang isang bahay kastila sa pusod ng kagubatang malapit sa kanila. Muli na naman silang makaririnig ng nakakikilabot na panaghoy sa hatinggabi... na nagmumula sa tinatawag nilang bahay ng Lagim! At sa pagsapit ng Biyernes Santo kung saan patay raw ang Diyos ay muling magaganap ang isang malagim na kamatayan para sa mga darayo rito. Sina Aldo, Josh, Butsoy, Reynalyn at Milen ang magkakabarkadang mapupunta sa baryong ito. Ang NOON at NGAYON ay pagtatagpuin sa isang pagkakataon; sa malagim na sitwasyon. Totoo nga kaya ang kuwento tungkol sa Bahay Kastila? May makaligtas kaya sa kanila? cover by: Wacky Mervin ( salamat po) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Anna Marga Rita (Lagim ng Nakaraan)  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 613,705
  • WpVote
    Votes 2,332
  • WpPart
    Parts 5
Kuwentong ang TWIST ay may iba pang TWIST. Akala mo alam mo na; akala mo nahulaan mo na; akala mo tama ka na... pero may malalaman ka pa. Mas detalyado at siksik sa kaganapan. Sana magustuhan niyo, mga beh. Maraming salamat po. "Tama na Marga! Nakikiusap ako sa'yo, itigil mo na ang lahat ng ito!" umiiyak na pakiusap ni Anna. "Itigil?! Isa kang ipokrita, Ate! Alam mo sa iyong sarili na ito ang gusto nating mangyari!" Galit na galit na sigaw ni Marga. Si Rita naman ay nasa sulok lamang at walang patid sa pag-iyak habang ang dalawang palad ay nakatakip sa magkabilang tainga. "Magbabayad silang lahat! Hindi ako makapapayag na sila ay masaya habang tayo ay patuloy na nagdurusa! Papatayin ko silang lahat! Papatayin ko silang lahaaaaat!" Muling sigaw ni Marga na sinabayan ng matinis na halakhak. Umaagos ang luha sa mga matang nanlilisik sa tindi ng poot at pagkasuklam. Magkakapatid na magkakamukha, subalit magkakaiba ang ugali at paniniwala. Ano ang pinag-ugatan ng labis na galit ni Marga? Mapipigilan pa ba siya ng dalawang kapatid? Saan hahantong ang lahat? Credits to momhienidadhie for the cover. Copyright © ajeomma All Rights Reserved
HHC featuring: LEILAH anak ng diablo by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 193,829
  • WpVote
    Votes 1,553
  • WpPart
    Parts 5
Sa loob ng dalawawpu't limang taong pagsasama ay hindi pa rin mabiyayaan kahit isang supling ang mag-asawang Allen at Rebecca. Lahat ng paraan ay nasubukan na nila subalit paulit-ulit lamang silang nabibigo. Isang araw, narinig ng ginang ang tungkol sa mahusay na faith healer sa probinsiya ng San Martin. Makapangyarihan daw ito at maaaring makatulong sa kanilang suliranin. Dali-dali nilang tinungo ang nasabing lugar. Subalit hindi madaling matagpuan ang Maestro dahil ayon sa napagtanungan, walang lumang San Martin sa probinsyang iyon. Mawawalan na sana ng pag-asa si Rebecca, mabuti na lamang at may matandang babaeng nagturo kung saan matatagpuan ang kanilang pakay. Gusto nilang magka-anak. Isang munting anghel na kukumpleto sa kanilang kaligayahan. Kaligayahan nga kaya ang hatid ng anak na kanilang ninanais? Magagawa kaya nilang patayin ang paslit na sa impyerno nanggaling? Paano nila wawakasan ang... ANAK NG DIABLO? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Paglalakbay by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 72,430
  • WpVote
    Votes 445
  • WpPart
    Parts 2
Bata pa lang si Adela ay mulat na siya sa pagiging ate sa tatlong nakababatang kapatid. Matalino siya at madiskarte sa buhay. Katuwang ng kanyang inang si Onor at matapang na tagapagtanggol ng mga kapatid. Sipag at tiyaga, pagtitiis at pagpupursigi, mga sangkap na gagamitin niya upang makamit ang mga pangarap na mismong ama ang naging sagabal. May pag-asa pa ba kung ang iresponsableng ama ang nagdudulot ng balakid at pagdurusa? Tunghayan po natin ang kuwento ng kanyang buhay, na maaaring kuwento rin ng iba sa atin. Maiyak, mangiti; masaktan, kiligin; bumagsak, bumangon; mabigo, magtagumpay at magpatuloy sa PAGLALAKBAY sa buhay. PAGLALAKBAY written by: ajeomma P.S. Ito po ang kauna-unahan kong kuwento nang unang araw na patuluyin ako ni Wattpad. Maraming-marami po itong mali pagdating sa teknikalidad na aspeto. Sa kabila niyan, nagpapasalamat po ako sa mga nagbasa at nagkomento ng maganda... At, magbabasa pa. :-)
Kulam by flyingsnow23
flyingsnow23
  • WpView
    Reads 528,445
  • WpVote
    Votes 11,756
  • WpPart
    Parts 42
Naniniwala ka ba sa kulam?
Ang Pamana (Completed) by davidsanchez110
davidsanchez110
  • WpView
    Reads 230,505
  • WpVote
    Votes 5,169
  • WpPart
    Parts 45
Isang singsing ang ibinigay ng lola ni Divina bago ito nalagutan ng hininga..isang singsing na akala niya ay isang kayamanan ay LAGIM at HILAKBOT ang dala......!
Gayuma ( Completed) by flyingsnow23
flyingsnow23
  • WpView
    Reads 144,165
  • WpVote
    Votes 3,394
  • WpPart
    Parts 12
Mahal kita... Mahal mo'y iba... Akala mo ba papayag akong maging masaya kayong dalawa?
Higanti Ng Isang Api by EyJey09
EyJey09
  • WpView
    Reads 118,797
  • WpVote
    Votes 3,185
  • WpPart
    Parts 30
|| Book 1 Completed || Palagi nila akong nilalait, binubully, sinasabihan ng masasakit na salita. Hindi ba nila alam na nasasaktan din ako?! Porket hindi ako nalaban sa kanila?! Porket hinahayaan ko lang silang gawin yun?! Masakit ang laging pag tawanan... masakit na lagi kang laitin! At masakit na lagi ka nilang sinasaktan physically! At dahil sumosobra na sila ... matitikman nila ngayon ang HIGANTI NG ISANG API! ipapalasapat ko sa kanila ang ginawa nila sakin at doble ang balik sa kanila ng pasakit na ginawa nila! MAG BABAYAD SILA! +++ (Credits to the owner of picture. Inedit ko lang nakita ko sa google eh ☺)