LiezelMacasinag's Reading List
15 stories
ULITIN NATIN ANG KAHAPON(Book 1: Rancho de Apollo)written by: Lorna Tulisana by HeartRomances
HeartRomances
  • WpView
    Reads 93,140
  • WpVote
    Votes 2,598
  • WpPart
    Parts 28
ULITIN NATIN ANG KAHAPON (Book 1: Rancho de Apollo) written by: Lorna Tulisana SYNOPSIS: How do you define love? Is it about... PAIN? FORGIVING? or SECOND CHANCES? Will you give another try for a love that once cheated you? Nakulong si FRANCO sa isang kasalanang kailanman ay hindi niya magagawa. Ginugol nito ang mahigit sampung taon na kabataan sa loob ng malalamig na rehas nang akusahan siya ng kidnapping ng pamilya ng kanyang nobya nang tinangka nilang magtanan. At ang pinakamasakit sa naging paglilitis ay nang idiin siya ng kasintahan kaya hinatulan siyang 'GUILTY' ng hukuman. Sa kanyang paglaya, siya naman ang maghahatol ng parusa sa mga taong sumira ng buhay niya at kinabukasan, kabilang dito si ANGELA. Muling maghaharap ang dalawang pusong minsan sa kanilang kahapon ay nagsumpaan ng wagas na pagmamahalan. Mapigilan kaya nila ang damdamin kung sa bawat pagkikita at tinginan ay nanunumbalik pa rin ang pag-ibig na noon ay kanilang pinagsaluhan? Love has its own story to be told... Magagawa kayang ipagtapat ng dalaga ang buong katotohanan sa dating nobyo kung kamatayan ang katumbas nito?
PAANO BA ANG IBIGIN KA? (BOOK 2: RANCHO DE APOLLO) BY: LORNA TULISANA by HeartRomances
HeartRomances
  • WpView
    Reads 74,781
  • WpVote
    Votes 2,148
  • WpPart
    Parts 15
Nagmahal siya ng higit sa kanyang sarili, nagpadala sa matatamis na pangako. Inakala niyang ang lalaking minamahal ay ang itinakda ng tadhana na makakasama niya habangbuhay, ngunit isa palang pagkakamali ang ibigin ito. Nang magdalang-tao si ALLYDA ay itinatwa at agad siyang hiniwalayan ng taong pinag-alayan niya ng buong puso. Hindi lang pangarap ang nawala sa dalaga kundi maging ang kinabukasan nito na halos sumira ng kanyang katinuan. Sa pagdating ni OPIUM, isang sangganong labas-pasok sa Muntinlupa Bilibid Prison, sisibol ang panibagong pag-ibig na handa siyang tulungan na bumangon para harapin ang bukas at kalimutan ang kahapon. Magagawa kaya niyang muling magtiwala at magmahal kung nasa puso niya lagi ang takot na maulit ang sakit ng kabiguan?
LOVE AND PAIN(Completed) by Wild_Amber
Wild_Amber
  • WpView
    Reads 940,138
  • WpVote
    Votes 25,634
  • WpPart
    Parts 32
AIVAN "Sefh" GUERRERO->mahilig tumuklas ng iba't ibang uri ng inumin. Kaya naman dahil sa kanya ay mas lumawak ang negosyo ng mga Guerrero sa kalakalan ng 'Alak' sa buong Asia. YASMIN "Yash" PEREZ->Isang magandang dalaga at nagtratrabaho sa isang advertising agency at nakatakdang ikasal sa nobyo nito ngunit ang lahat ay magbabago matapos nitong mahuli ang nobyong may kahumayaw sa kamang ibang babae. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng tadhana, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa natuklasan.
Phillipe Adam FORD SERIES 9 UNDER EDITING [ON-HOLD] by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 219,213
  • WpVote
    Votes 5,727
  • WpPart
    Parts 17
Mula pagkabata ay magkasama na sina Hansel at Phillipe. Palaging pinagtatanggol ni Phillipe si Hansel sa mga nanunukso rito. Chubby, baboy, at iba pang panlalait ang natatamo ni Hansel sa mga kaklase niya simula pa lang pagkabata. Kaya humina ang self confidence niya sa sarili dahil doon. At nakadagdag sa hina ng self confidence niya ang ma-link siya kay Phillipe na beyond sa expectation niya. Para sa kanya ay malabong magkagusto sa kanya si Phillipe. Bukod sa looks at yaman nito ay may katalinuhan din si Phillipe na malayo sa katulad niya. Hanggang kaibigan lang iniisip niya dito, dahil alam niya sa sariling hindi siya nababagay sa isang Phillipe. Pero nagbago lahat ng hindi niya inaasahang aamin si Phillipe ng feelings nito sa kanya. Hindi siya makapaniwala na ang kaibigan niya ay may pagtingin pala sa kanya. Ayaw niya sanang makipagrelasyon rito dahil ayaw niyang masira ang friendship nila, pero paano kung deneklara nito na nobya na siya nito. Ang pagkaka-ibigan kaya nila ay mauuwi sa happy ending o magiging heartbreak ending. © MinieMendz
Mother's Love Part 2 ✓ [Under Editing] by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 410,308
  • WpVote
    Votes 14,133
  • WpPart
    Parts 20
Ibang katauhan, Hindi pamilyar na pag-ibig. Matugunan kaya ang hinahanap na pag-ibig kung sa ibang pagkatao na makikita.
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 2,157,689
  • WpVote
    Votes 46,641
  • WpPart
    Parts 33
Nasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niya sa kalendaryo, kaya naman ay nangangamba siya na hindi na nga magkaanak. Lalo't may lahi ang pamilya niya na mga tumatandang dalaga. Maswerte na lang ang ina niya dahil naihabol pa siya bago ito mag-fourty. Kaya naman ay nakumbinsi siya ng kaibigan na magpabuntis na lang. Wala naman kasi siyang boyfriend, dahil sino ba ang magkakagusto sa katulad niyang manang manamit, hindi kagandahan, at palagi pang subsob sa trabaho? Kaya naman, para magkaanak ay naghanap sila ng friend niya ng lalakeng may magandang lahi na p'wedeng bayaran para buntisin siya. Pero ang isang misyon ay naging disaster. Nabuntis nga siya, ngunit maling lalake naman. At lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa nagawa niyang pagkakamali ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya akalain na ang ama ng pinagbubuntis niya ay siyang magiging amo pala niya. Copyrights 2018 © MinieMendz
Violence Of Love (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 895,003
  • WpVote
    Votes 18,154
  • WpPart
    Parts 30
Prinsipyo sa kinalakihang batas ang tanging mas matimbang kay Dante Soriano. Wala siyang sinasanto basta lumabag sa batas. Nagkaroon siya ng proyekto kung saan merong isang drug lord na kanyang sinubaybayan. At nalaman niya na meron itong isang anak na babae, si Anna Francia Garcia, na lumaking isang mabait na anak, maganda at masipag sa pag-aaral. Walang araw na hindi ito tinutukso patungkol sa ama nito na isa daw drug lord. Hindi nito pinapaniwalaan ang mga akusa dahil alam nito na isang malaking company ng chlorine ang negosyo ng ama niya. Hanggang sa mag kakilala si Dante at Anna, at lalong lumalim ang pagtingin ni Dante sa dalaga na noo'y minamasdan lamang sa malayo. Imbes na ang drug lord ang subaybayan ni Dante ay hindi niya namalayan na si Anna na ang kanyang sinusubaybayan. Ngunit darating din sa punto na aabot sa kalituhan si Dante. Kalituhang magiging sanhi para ang prinsipyo niya na tuluyang mababali ng dahil lamang kay Anna. Mas matimbang kaya sa kanya ang batas na prinsipyo na niya sa buhay o ang pag-ibig niya kay Anna? Start: March 22, 2018 Finish: July 16, 2018
BEAUTIFUL OBSESSION by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 552,697
  • WpVote
    Votes 16,424
  • WpPart
    Parts 24
Esteban Series
Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,245,366
  • WpVote
    Votes 25,029
  • WpPart
    Parts 33
Ang binansagan na playboy sa pamilyang Ford ay walang iba kundi si Deorico Alesano Ford. Ang pang-apat na anak at pangatlo sa triplets.. Umibig ang binata ngunit nasaktan ng mamatay ang kanyang unang pag-ibig dahil sa isang aksidente. Sa sobrang sakit ng pagkawala ng kanyang kasintahan ay minabuti niyang hanapin ang taong may sala. Nakilala niya ang isang dalaga na kanyang magiging kapitbahay. Puno ng galit agad ang kanyang naramdaman na makita ito. Pero hindi niya akalain na ang babaeng paghihigantihan niya ay isa pa lang bulag. Ngunit namuo pa rin sa isip niya na dapat na paghigantihan niya ito. Gagamitin niya ang appeal niya upang makuha ito. Ngunit tila pinaglalaruan lamang siya ng mga taong nasa paligid niya. Dahil ang akala niyang patay na dating kasintahan ay buhay pa pala. Bigla na lang itong lumitaw sa kanyang harapan. Ngunit ang dati niyang nararamdaman rito ay bigla na lang naglaho. Para sa iba na ang tinitibok ng puso niya. Para sa babaeng dapat ay pinaghihigantihan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nalaman na lang niya na sobra na pala siyang nahuhulog sa dalagang si Lara Evangelista. © MinieMendz
Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 612,747
  • WpVote
    Votes 11,871
  • WpPart
    Parts 24
Kilala si Samuel Ford bilang isang maginoo, masunurin, tahimik, suplado, at matalino. Buong buhay niya ay puro papuri ang natatanggap niya galing sa ibang tao. Hindi siya santo, may lihim rin siya na bawal sa mata ng kanyang pamilya, at nang ibang tao.. Na kailanman ay hindi matatanggap maging ng diyos.. "I Like Her. I Love Her. But I can't fall for her." -Samuel. Dugo sa dugo. Ngunit ang pagtibok ng kanyang puso ay walang kinikilalang dugo. Copyrights 2017 © MinieMendz