emayeni
Nagpipicture picture ako dun sa taas, ang ganda ng view. Sagabal naman 'tong paperbag na nakasabit sa kamay ko. Kaya ayaw ko ng bitbitin e, ang hirap magpicture. Hindi ko naman siguro makikita yung Block B dito, dinala ko pa yung albums. Picture dito... Picture doon... Sfx:Tugsh May nabunggo ako. Buti na lang at nakasabit sa akin yung camera kundi, sigurado, nalaglag din to. [At yung camera talaga ang unang inisip.] Tinulungan ko yung nabunggo ko at nag sorry ako. Hindi siya umiimik at nakatingin lang sa sahig. Hala yung mga album ng Block B nahulog! Pinulot ko ito dali dali. Habang pinupulot ko yung mga album, tinanong ako nung babae... "Are you a BBC?" Tumingala ako sa kanya. "Ah, yes. Why?" "I'm Lee Hyorin, Block B's handler." Mejo nag bow ako sa kanya at ganun din siya. "By chance, do you want to meet them? ... Nagniningning na ang mga mata, at pumapalakpak na ang tenga ko sa narinig ko. Tama ba yung narinig ko? Meet them? Meet them?! ...and participate in MTV Match Up? We badly need a participant for one segment of the Match Up." Natameme ako. Heck yes! I do want to meet them! Pero ang sumali sa Match Up? Napatingin na lang ako sa papalapit na si Younah. Participate in MTV Match Up? Nag e-echo sa ulo ko ang sinabi ng babae. PAPAYAG BA AKO? O HINDI?