maxsjcha's Reading List
28 stories
Destined to be Mine (UNEDITED & COMPLETED) by maanbeltran
Destined to be Mine (UNEDITED & COMPLETED)
maanbeltran
  • Reads 130,930
  • Votes 2,323
  • Parts 11
PUBLISHED: May 2009 This is my second approved PHR novel. Halos magkasabay lang itong napublish ng first novel ko. ^_^ So again, NO JUDGEMENT PLEASE. Hehe... Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin sa pag-ibig. Charot. ============================================================ Abigail and Matthew had been inseparable since birth. Nothing could break them apart. Iyon ang akala ni Abigail. May isang bagay pala sa mundo na kayang paglayuin sila-pag-ibig. Because when Matthew started to fall for another girl, she realized her best friend was not completely hers. Pag-ibig din ang dahilan kung bakit miserable ang buhay niya. Dahil matagal na siyang may lihim na pagtingin kay Matthew. It was making her life miserable because she badly wanted to tell him how she felt but couldn't, afraid it might ruin their friendship. Mukhang wala siyang ibang choice kundi ang mahalin na lang ito sa malayuan
My Love, My Sunrise (COMPLETED) by maanbeltran
My Love, My Sunrise (COMPLETED)
maanbeltran
  • Reads 159,931
  • Votes 2,999
  • Parts 10
NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ Published: April 2011 "Ibalik mo sa dati ang apo kong si Marcus at kakalimutan ko ang lahat ng utang ng pamilya mo." Iyon ang mga binitiwang salita ni Don Segundo kay Sabel. Kapag nagawa niya ang nais ng matanda, hindi na niya kailangang mangibang-bansa para lang mabayaran ang utang ng pamilya niya sa mayamang don. Kailangan daw niyang puntahan si Marcus sa bahay ng mga ito sa Camiguin kung saan ito mananatili. Sasamahan, lilibangin, at patatawanin niya ito gaya ng dati para maka-move on ito sa pagkamatay ng kasintahan nitong si Kristina. Dahil "walang matimtimang Marcus sa makulit na si Sabel," nagawa niya ang nais ng matandang don. Iyon nga lang, hindi niya napaghandaan ang konsekwensiya ng ginawa niya: Na-in love siya kay Marcus-siksik, liglig, at umaapaw....
Miss President's Prince Charming (COMPLETED) by maanbeltran
Miss President's Prince Charming (COMPLETED)
maanbeltran
  • Reads 164,957
  • Votes 2,882
  • Parts 10
PUBLISHED: May 2009 NOTE: this is my first ever PHR novel na sinulat ko noong bata-bata pa ako. Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin sa pag-ibig. Charot. SO, NO JUDGEMENT PLEASE. Hehe... And again, unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Please be KIND. :) ******************************************* Si Jannah Montelibano ay isang successful businesswoman, independent at matapang. Wala sa bokabularyo niya ang mga salitang "kasal" at "lalaki." Ngunit nang makita niya ang bagong silang na anak ng kanyang best friend ay bigla siyang nainggit. Gusto na rin niyang magka-baby-minus marriage. Gusto lamang niya ng lalaking magbibigay sa kanya ng anak pero kapag nakabuo na sila ay tapos na rin ang papel nito sa kanyang buhay. Si Russell Torres ang napili niyang maging daddy ng kanyang baby. Akmang-akma kasi ang mga katangian nito na hinahanap niya para sa magiging ama ng kanyang anak-guwapo at kilalang basketball player pero happy-go-lucky at takot sa responsibilidad at commitment. Pero bago nila maisagawa ang binabalak ay kailangan muna nilang maging komportable sa isa't isa. In short, kailangan nilang mag-date-palagi. "Gusto mo lang yatang maka-date ako, eh," buong kaarogantehang bintang nito sa kanya.
In Other Words, I Love You by AndieHizon
In Other Words, I Love You
AndieHizon
  • Reads 92,897
  • Votes 1,278
  • Parts 10
"May mga bagay pala na hindi mo kayang pigilan o kontrolin, like how much I am attracted to you." Nilayasan ni Chrissa ang kanyang mga kapatid kaya siya napadpad sa Alba's, isang boardinghouse na para lamang sa kababaihan. Doon siya nakatagpo ng mga kaibigan, ng kausap, at ng karamay. Doon din siya nakatagpo ng love life sa katauhan ni Cider San Miguel, anak ng barangay captain sa lugar na iyon. Mabuting tao si Cider. Sa bawat araw na nakakasama niya ang lalaki ay nasiguro na niya iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit mabilis na nahulog ang loob niya rito. Ngunit may iba pala itong hinihintay at siyempre, hindi siya iyon. He was still waiting for his missing girlfriend. Nang sabihin ni Cider kay Chrissa na maghintay siya hanggang sa kaya na nitong magmahal muli ay buong puso niya iyong tinanggap. Kaya lang ay bumalik sa eksena si Elaine, ang girlfriend ni Cider. Iyon na ang cue ni Chrissa para um-exit, and so she did. And to save her bruised ego, she told him she already had a fiancé. Bago man lang durugin ni Cider ang puso niya ay uunahan na niya ito. Hahayaan kaya ni Cider na mag-end ang hindi pa man nagsisimulang relasyon nila?
Adam's Verdict PHR (COMPLETE) by greciareine
Adam's Verdict PHR (COMPLETE)
greciareine
  • Reads 128,735
  • Votes 2,455
  • Parts 11
"If I'm going to give myself a verdict right now, I'm definitely guilty. Guilty of loving you then and even now." Naniniwala si Jenna na natagpuan na niya ang lalaking para sa kanya-si Nick. Bukod sa guwapo at mayaman ay alam niyang mahal na mahal siya nito. But on their wedding day, Nick jilted her. Dahil sa nangyari ay galit na galit siya sa lalaki at determinado siyang sampahan ito ng kaso. Ini-refer naman siya ng isang kaibigan sa magaling na abogado-si Adam. Maliit nga lang talaga ang mundo dahil si Adam ang kanyang ultimate college crush at napakalaki ng kasalanan niya rito. Minsan na niyang sinira ang pangalan nito dahil sa isang eskandalong kinasangkutan nilang dalawa. Akala niya ay matagal na niyang nalimot ang batang damdamin ngunit nagkamali siya dahil muling nahulog ang loob niya kay Adam. Lagi kasi itong nasa tabi niya sa mga panahong kailangan niya ng karamay. Ang masaklap nga lang, hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin siya kayang pagtuunan ng pansin ni Adam. Sa paningin ng binata ay siya pa rin ang spoiled brat na naging estudyante nito at sumira sa maganda nitong reputasyon.
The Unscripted Love (UNEDITED & COMPLETED) by maanbeltran
The Unscripted Love (UNEDITED & COMPLETED)
maanbeltran
  • Reads 99,728
  • Votes 1,810
  • Parts 10
PUBLISHED: May 2011 Dalawa ang rason ni Marivic kaya pumayag siya sa pakulo ng kanyang ina na makipag-date siya kay Lance. Una, gusto niyang makuha ang pinakaaasam na bakanteng unit sa commercial building na pag-aari ng pamilya niya para sa itatayo niyang studio. Pangalawa, gusto niyang mapanatag ang kanyang ina na wala siyang balak sumunod sa yapak ng mga tiyuhin at tiyahin niya na pawang matatandang binata at dalaga. Si Lance naman ay pumayag sa kapritso ng kanyang ina alang-alang sa pinakamamahal nitong negosyo. At para masiguro na makukuha nila ang kanya-kanyang gusto, nagkasundo sila na magpanggap na nagkakamabutihan. Pulido at walang palpak ang drama nila. Pero sa malas, ang puso yata niya ang pumalpak. Sineryoso niyon masyado ang pagpapanggap nila ni Lance kaya ngayon ay nasa bingit ng panganib iyon dahil alam niyang hindi siya ang tipo ng babae ni Lance...
CASEY'S SECRET RECIPE (COMPLETED) by athenadelara
CASEY'S SECRET RECIPE (COMPLETED)
athenadelara
  • Reads 101,362
  • Votes 1,578
  • Parts 12
"Stop begging me to let you go. Because that's the last thing I'd do." Pagkalipas ng sampung taon, bumalik si Casey sa Pilipinas sa pag-aakalang nalimutan na ng lahat ang kanyang madilim na nakaraan. Pero nagkamali siya. Dahil hindi pa man siya nagtatagal sa bansa ay ginulo na siya ng mga tao sa kanyang nakaraan. At isa na roon si Gideon, ang lalaking naging malaking parte ng nakaraan niya. Tatakas na sana uli si Casey pero dalawang bagay ang pumigil sa kanya. Una: ang kagustuhan niyang makasama uli si Gideon kahit kumokontra doon ang kanyang puso at Pangalawa, gusto niyang masiguro ang kutob niyang mayroong inihahandang sorpresa ang binata para sa kanya. Aminado si Casey na mahal pa rin niya si Gideon kaya nakahanda siyang ayusin ang gusot na namagitan sa kanila. Mukhang ganoon din ang gusto ng binata kaya nagkasundo silang ibalik ang dating magandang samahan nila. Maayos na sana ang lahat. Kaya lang, nalaman niyang ikakasal na pala si Gideon sa iba at inililihim lang nito iyon sa kanya.
The Artist's First Love (COMPLETED) by athenadelara
The Artist's First Love (COMPLETED)
athenadelara
  • Reads 93,667
  • Votes 1,462
  • Parts 13
"Akala ko hindi na 'ko magmamahal pa. 'Yon pala, ikaw lang ang hinihintay nitong puso ko." Nahaharap sa isang financial problem ang pamilya ni Bridgette. Kailangan niyang kumita ng pera para mabayaran ang bangkong pinagkakautangan nila para hindi makuha ang lupa't bahay nila. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niyang nakita ang high school classmate niyang si Takehiro. Sinabi ni Takehiro na tutulungan siya sa financial problem niya kung tutulungan din niya ito. Pinagpanggap siya ni Takehiro na buntis na girlfriend at ipinakilala sa pamilya para daw hindi na ito papuntahin sa Japan. Madali lang naman sana ang deal nila, smooth sailing na ... Kaya lang, kung kailang na-in love na si Bridgette kay Takehiro at balak nang totohanin ang relasyon nila, saka naman dumating ang "fiancée" ng binata... at wala siyang kaalam-alam do'n! https://www.facebook.com/The-Nightingale-Trilogy-1502439353329197/ https://www.preciousshop.com.ph/home/ https://preciouspagesebookstore.com.ph/ https://www.facebook.com/Precious-Pages-229654370425644/ https://www.facebook.com/BooklatOfficialPage/
Tempting With Prince √  by MissShaleh
Tempting With Prince √
MissShaleh
  • Reads 2,964,752
  • Votes 56,230
  • Parts 42
Warning| Mature Content | R18 ------ Marah Valencia ang babaeng mahilig tumambay sa bar. Pumunta siya sa Germany upang maka-experience ng pagba-bar doon. Dahil kalasingan, hinayaan niya na dalhin siya ng isang estranghero sa isang hotel. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganun na lang kadali na bumigay siya sa simpleng haplos at pisil nito. Dahil kinaumagahan, natagpuan na lang niya ang sarili na hubad sa ilalim ng kumot habang ang katabi .g lalaking hindi niya alam ang tunay na pagkatao. Nagkukumahog na nagbihis siya ngunit bago niya nilisan ang lugar ay kinuha niya ang pulang brief nito na napulot niya sa sahig. Pabaon kumbaga! Pagkatapos, nagmamadaling bumalik siya sa Pilipinas Paano kung hinahanap siya nito? They meet again and she finds out that the stranger is a prince. The only one who penetrates her hymen is a prince. One of a prince of Sicily. Royal Dangerous 1 Copyright ©2018 SPG! Read at your own risk.
Possessive 2: SIN (PUBLISHED - Bookware) by IngridDelaTorreRN
Possessive 2: SIN (PUBLISHED - Bookware)
IngridDelaTorreRN
  • Reads 635,568
  • Votes 5,392
  • Parts 8
**⚠️PREVIEW ONLY⚠️. Full story is available at shopee.ph, lazada, ebookware.ph, bookwarepublishing.com, NBS, Expressions, and Pandayan** Blackmail. Ito ang inisyal na plano ni Heliconia upang magkaroon ng happy ending ang no-hope-in-hell niyang pag-ibig na humahanggang tingin lang. She would send Yarrick Sanvezera--ultrarich and ultimate badass bad boy--their pictures together... sweaty, naked, and rated X! Pero nagbago ang isip niya. Naniwala siyang mahabagin ang diyos ng mga puso at makukuha sa santong dasalan ang gusto. Nagkamali siya. At kahit na makawasak puso na, "I want to say I love you too... but I'd be lying," ang itinugon sa kanya ng binata nang sabihin niyang mahal niya ito ay napilitan pa rin itong pakasalan siya dahil sa mga 'sweaty, naked, and rated X' pictures nila. Hindi nito ginawang madali para sa kanya ang kanilang buhay mag-asawa. Pero kung kailan nakikipaghiwalay na siya sa asawa ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Yarrick became possessive. Ultra possessive of her. Sort of I-will-kill-any-man-who-comes-near-you possessive.