Lovelessisme
GIRL :)
Ako yung taong nagsusulat tungkol sa pag-ibig. Sabi nila marami raw akong alam, sa totoo lang hindi ko pa naman talaga ito na-experience. Nareresearch lang, curious kasi ako eh. Sobra kasing misteryoso ng pag-ibig eh. Yung ibang tao kapag nasa isang relasyon na, siyempre may kilig moments, pero in the end, iiyak pa sin naman sila. Kaya nga ayaw kong maranasan ang mga ito. Ayaw ko kasing masaktan. :/
BOY O_O
Ako yung taong naniniwala sa "happy ending". Oo, kahit na lalaki ako naniniwala ako doon. Eh kasi, hindi naman lahat ng mga lalaki eh hindi naniniwala sa love, kaya lang naman sila nagkaganyan dahil sila ay umibig nung una pero nasaktan lang, kaya di na sila naniniwala dito. Pero ako, kahit na may mga ganitong pangyayari, di pa rin ako nawawalan ng pag-asa na wala ng love. Eh kasi, ako yung tao na hinahanap si Ms.Right, sa tamang pagkakataon. Ayaw ko kasing magmadali.