KrishalynGambuo's Reading List
7 kuwento
Mr. Popular meets Miss Nobody ni pinkyjhewelii
Mr. Popular meets Miss Nobody
pinkyjhewelii
  • MGA BUMASA 50,021,181
  • Mga Boto 954,409
  • Mga Parte 76
│PUBLISHED│ Tigers #1 Kyle Shinwoo
I Do (Completed) ni AyoshiFyumi
I Do (Completed)
AyoshiFyumi
  • MGA BUMASA 75,881
  • Mga Boto 2,128
  • Mga Parte 83
MAHIGIT walong taon ding hindi nakita ni Alex si Danica. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, lugar, at oras ay natagpuan niya ito. Ngunit, si Danica nga ba ito o ibang tao? Because of too much confusion, he hired a private investigator to investigate Sara Magsino's identity. At nalaman niya ang madilim na nakaraan ng babaeng ito...
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 8: Lance Barrera ni VeniceJacobs1
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 8: Lance Barrera
VeniceJacobs1
  • MGA BUMASA 62,424
  • Mga Boto 1,806
  • Mga Parte 22
Walang ibang hiling si Denise kundi magkaroon ng maayos na buhay at talikuran ang isang trabaho na napilitan siyang pasukin. Sa trabahong iyon ay nakilala niya si Lance Barrera. Seryoso ito, mayaman pero hindi naging hadlang iyon para magkaroon sila ng magandang pagkakaibigan. Kaibigan lamang ang dapat na ituring ni Denise dito. Pero hindi niya pa rin napigilan ang sariling humigit pa doon ang nararamdaman para kay Lance. Hindi iyon puwede. Nakatali na siya sa ibang lalaki na nagligtas sa kanya sa hindi magandang buhay noon. At siguradong wala ring katugon kay Lance ang kanyang nararamdaman. Palaging sinasabi ng lalaki na may isang parte ng pagkatao nito ang hindi matatanggap ng kahit na sino - ang dahilan kung bakit ito iniwan ng dating asawa at kung bakit nawala na ang paniniwala sa mga salitang 'pag-ibig' at 'pamilya'.
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 7: Judd Samaniego ni VeniceJacobs1
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 7: Judd Samaniego
VeniceJacobs1
  • MGA BUMASA 50,645
  • Mga Boto 1,338
  • Mga Parte 16
Sa wakas ay natupad na rin ni Jillianne ang pangarap na maging isang kilalang reporter at utang niya ang lahat ng mga nakamit na tagumpay sa pamilya ni Christopher Samaniego, Jr. She once worked as a maid in their home, kapalit ng libreng pagpapa-aral nito sa kanya. Masaya na si Jillianne sa kanyang panibagong buhay kasama ang nobyong si Roger Yap, isang businessman na laging nasa kanyang tabi tuwing kailangan ng tulong. They were engaged to be married and she couldn't wait to have him as her husband. A few months before their wedding, hindi inaasahan ni Jillianne na muli niya pang makikita si Judd Samaniego - ang makulit na pinsan ng dating amo na si Christopher. Walang ginawa ang lalaki noon kundi ang pahirapan siya. Subalit malaki na ang ipinagbago nito, hindi na ito ang batang Judd na palaging nanggugulo sa kanya. Umaakto pa itong parang ni minsan ay hindi siya nito nakilala o nakausap. Ayos lang naman iyon kay Jillianne, ayaw niya rin namang magkaroon pa ng koneksiyon sa lalaki. Kung may utang na loob siya sa mga Samaniego, kay Christopher lang iyon at sa pamilya nito. Pero bakit pakiramdam niya ay puno ng galit ang bawat tingin at salitang binibitawan ni Judd sa kanya tuwing magkakaharap sila? Ano ba ang nagawa niya para kamuhian siya nito?
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 6: Kenny Fabella ni VeniceJacobs1
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 6: Kenny Fabella
VeniceJacobs1
  • MGA BUMASA 54,986
  • Mga Boto 1,820
  • Mga Parte 20
Gustong-gusto ni Clarice na makatapos ng pag-aaral dahil nais niya nang baguhin ang takbo ng sariling buhay. She was left alone in an early age kaya sanay na siyang mag-trabaho para sa sarili. Then one day, dumating na ang trabahong sagot sa problema niya. Iyon ay ang maging nanny ng baby ng isang sikat na movie director na si Kenny Fabella, ang lalaki na yata ang pinakamayabang at masungit na lalaking nakilala. Hindi maintindihan ni Clarice kung bakit ganoon na lang ang kawalan nito ng interes sa batang kanyang inaalagaan. Ilang beses din na sinabi ng lalaki na hindi nito anak ang bata. Ganoon na ba talaga ang mga magulang ngayon? Madali na lang para sa kanila ang iwanan o 'di kaya ay itanggi ang kanilang mga anak? Kung puwede nga lang sana niyang batukan ang Kenny na iyon ay matagal nang ginawa. Subalit sa kabila ng inis na nararamdaman ni Clarice ay hindi naman naiwasang unti-unting mahulog ang kanyang loob sa masungit na amo. Hindi niya maiwasang hilingin na sana ay siya na lamang ang ituring na ina ng batang inaalagaan.
Just the Girl ni AyoshiFyumi
Just the Girl
AyoshiFyumi
  • MGA BUMASA 23,052
  • Mga Boto 877
  • Mga Parte 47
Ipinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy may mabagsik siyang amoy sa katawan kaya napilitan siyang maligo ng dalawa o tatlong beses sa isang araw. Maganda sana ito pero lahat ng ayaw niyang ugali sa isang babae ay nasalo na nito. Mataray, sarcastic, pilosopo, at kapag tumitingin ito sa kanya ay animo'y may nagawa siya ritong malaking kasalanan. Pero naging baligtad ang nangyari nang madalas na silang magkasama nito. Hindi naman pala ito gaya ng mga nasa depinisyon niya. Mas nakilala niya ito nang madalas na silang nagkasama. At kinain pa niya ang sinabi niya na hinding-hindi siya magkakagusto dito. Busog na busog pa siya dahil halos mabaliw pa ang puso niya sa nakakainis na babaeng ito.
I Love That Weird Girl (Completed) ni AyoshiFyumi
I Love That Weird Girl (Completed)
AyoshiFyumi
  • MGA BUMASA 1,277,949
  • Mga Boto 18,848
  • Mga Parte 91
For Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more. He wants to be her knight in shining armor. And there's a part of him that he doesn't want to let her go...