InfiniteGrey
Noong taong 2010, naganap ang insidente ng "Ground Zero". Dahil dito, ang mga batang ipinanganak sa panahong ito ay nagkaroon ng mga kakaibang abilidad. mula sa telekinesis hanggang sa pagkontrol ng mga elemento, pero may kapalit. Makikilala mo agad sila dahil sa kanilang mga pulang mata. Dahil sa kakaiba sila, kinatakutan sila ng marami. Sila ay tinawag na "Fallen Children".
Itinayo ang RED Institution, isang isla para sa mga maturuan ang mga Fallen Children na kontrolin ang kanilang mga abilidad.
Si Zena Claise ang isang magaling na fire summoner, bukod dito she can hear thoughts. But in exchange, she lost the ability to fear. Nagulo ang mundo niya nang ipinasok siya sa RED Society at makilala niya ang lalaking tinatawag nila na "Wordless Ice"
Pero may mga itinatagong lihim pa ang RED Inst. na hindi nila alam...