JozavelleCharisma's Reading List
43 stories
My Guardian Devil by DyslexicParanoia
DyslexicParanoia
  • WpView
    Reads 446,103
  • WpVote
    Votes 27,743
  • WpPart
    Parts 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na Lucio sa DIYOS na minsan niyang tinanggap at pinaniniwalaan. Dahil sa matinding poot at pagnanasang makapaghiganti ay wala sa tamang-alumanang nakipagkasundo ito kay Satanas. Ngunit dahil nakipagkagtipan ito sa isang manlilinlang na sinamantala naman ang kalabuan ng kanyang pag-iisip sa panahon ng matinding desperasyon, ay lumagda ito sa kasunduang mabuhay nang walang-hanggang kalakasan at kabataan upang mapamahalaan nito ang mga kampon ng kadiliman, sa loob kahariang minana niya sa kanyang tunay na mga magulang mula sa lahi ng mga Anghel at Engkanto. Language: Filipino Love knows no boundaries. (Lucio and Senda love story) [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Cross-genre, Dark Fantasy, Dark Romance Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Started: February 2019 Completed: April 2024
JASPER, The Demon Slayer by DyslexicParanoia
DyslexicParanoia
  • WpView
    Reads 4,374,413
  • WpVote
    Votes 122,092
  • WpPart
    Parts 114
Katropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng kadilimang pinamumunuan ng kanyang ninunong si Lucio na--tulad n'ya ay--nagmula sa lahi ng anghel na si Akatriel--ang isa sa dalawangdaang anghel na nakipagniig sa mga babaeng taong naging dahilan ng kapanganakan ng mga Nephilim. Ngunit ang magbitbit ng ganitong kabigat na responsibilidad na hindi naman n'ya pinili'y isa sa mga bagay na naging suliranin ni JASPER, lalo na't ninanakaw nito ang kanyang buong panahon, lakas, kabataan, buhay pag-ibig at mga pangarap. Naging pangunahin n'yang hinanakit sa mundo at sa dugong nanalaytay sa kanyang ugat, ang mawalan ng pagkakataong mabuhay nang normal. Kung pa'no n'ya malulusutan mga suliraning ito, basahin natin ang kanyang k'wento. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Cross-genre Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Started: November 2014 Completed: February 2015 Revised version: January 2017
Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED] by DyslexicParanoia
DyslexicParanoia
  • WpView
    Reads 3,881,407
  • WpVote
    Votes 66,234
  • WpPart
    Parts 51
Katropa Series Book 1 - Sa tahimik na buhay ng isang simpleng kolehiyala, biglang nadarama ni Helga ang kakaibang pakiramdam na may palaging sumusunod sa kaniya. Hindi niya alam na siya'y lihim na sinusundan ni Manuel, isang Aswang na sa halip na takutin ay nagmamahal sa kaniya nang palihim. Ngunit ang puso ni Helga ay nakatuon lamang kay Jason-isang matalino at makisig na pre-med student na naging sentro ng kaniyang mundo. Sa gitna ng paglalim ng misteryong bumabalot sa kaniyang nakaraan, kailangang harapin ni Helga ang isang pambihirang realidad kung saan nagsasama-sama ang takot, pantasya, at pag-ibig. Magiging sapat ba ang kaniyang pagmamahal kay Jason upang malampasan ang panganib na hatid ng isang mundo kung saan nagtatagpo ang mga tao at nilalang ng dilim? Isang makulay na kwentong puno ng katatawanan, kilig, at aksyon, kung saan ang tunay na pag-ibig ay haharapin ang pagsubok at ipaglalaban ang kabutihan laban sa kasamaan. Handa ka na bang tuklasin ang lihim na nakatago kay Helga at ang puso niyang hahamakin ang lahat para lamang sa lalaking mahal niya? [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Cross-genre Series: Katropa Series Cover Design (WP): DPEditors Cover Design (Published): J. Zapanta Started: February 2014 Completed: May 2014 Published: December 2014 PUBLISHED in 2 Parts by VIVA PSICOM Book Version official Launch dates: Part 1: December 1, 2014 Part 2: April 13, 2015
Nakatagong Mata Ni Luisa by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 91,293
  • WpVote
    Votes 3,063
  • WpPart
    Parts 20
Paano kung ang ayaw mong akaping kakayahan ay siyang dumadaloy sa dugo mo? Magawa mo kayang pigilan ang pagdating nito? Paano kung mismong sila na ang lumalapit upang ito ay iyong kamulatan? Magbubulag bulagan ka pa rin ba? Samahan nating tuklasin ng nag-iisang tagapag-mana ni Andrea ang... "Nakatagong Mata Ni Luisa" All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.
Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea ) by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 190,859
  • WpVote
    Votes 5,686
  • WpPart
    Parts 19
Huwag na 'wag kayong didikit sa kanya... Dahil baka bukas ay ikaw na ang susunod na igagarapon nya.. Handa na ba kayo sa susunod na makakalaban ni Andrea? All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.
Bahay Bakasyunan(Ang Kasunod Na Yugto Ng Buhay Ni Andrea) by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 157,600
  • WpVote
    Votes 5,583
  • WpPart
    Parts 20
Paano kung ang dapat na masayang bakasyon ay mauwi sa isang nakakakilabot at malagim na trahedya? Ang kwento na ito ay istorya ng anim na dayo sa isang probinsya na makaka-engkwentro ng di nila pinaniniwalaan. At ang tanging pag-asa lamang nila upang makaligtas ay ang isang babaeng apo ng manggagamot. Na nagngangalang...Andrea. Makayanan kayang hugutin ni Andrea sa kamatayan ang mga bakasyunista? O ito na kaya ang magiging katapusan nya. Di lang isa,kundi isang buong pamilya ang kanyang makakaharap sa kanyang pakikipagsapalaran ngayon. All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission. Published: August 21, 2015
Apo Ng Manggagamot by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 130,255
  • WpVote
    Votes 4,631
  • WpPart
    Parts 10
Simula pagka-bata ay alam nya na kung paano gamitin ang kanyang kakayahan,at dahil sa patnubay ng kanyang lola kung kaya't mas marami pa syang nalaman na maaring gawin dito. Samahan natin ang isang dalaga na tuklasin pa ang lalim ng kanyang kakaibang kakayahan. Isang maikling kwento na bunga lamang po ng malilikot na imahinasyon. All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission. Published: Tuesday, August 18, 2015
NANG MULING KUMAGAT ANG LAGIM (Apo Ng Manggagamot Book Series) by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 9,819
  • WpVote
    Votes 551
  • WpPart
    Parts 16
Dalawang dekada... Halos dalawang dekada na rin ang nakalipas mula nang balutin ng kilabot ang buong lugar ng BARYO TIKTIKAN. Inakala na hindi na muli dadatnan ng takot ang lahat dahil sa matagal na ring pananahimik. Hanggang sa kakalat ang balita tungkol sa isang lalakeng nawawala na ikagigimbal ng lahat ang matutuklasan. Doo'y mababahala dahil sa muling bubulabugin ng mga nilalang na hindi nila inakalang nabubuhay pala. At sa huli'y malalaman nila na mas malaking suliranin ang parating kaysa sa nauna. Muli nating balikan ang lugar kung saan natin nakilala ang APO NG MANGGAGAMOT na siyang naging takbuhan ng lahat. Kasama ang kanyang mga ampon na sina Abel, Elena at Sonia, kanyang kabiyak na si Carlito at nag-iisang anak na si Luisa at ngayo'y ang apo na tinawag nilang Betina. Sa pagkakataong ito ay makayanan kaya nilang muling ibalik ang katahimikan sa mahal na baryo? Sino ang darating ngayon para maging saklolo at ano ang kayang gawin ng batang bagong miyembro ng kanilang pamilya? Sa huli, kaninong pag-iibigan ang uusbong? Ano ang nakatakdang mangyayari? (dami tanong charr!) NANG MULING KUMAGAT ANG LAGIM All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.
LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO) by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 398,052
  • WpVote
    Votes 13,179
  • WpPart
    Parts 39
Hindi sila nag- iisa sa kanilang laban ngayon. Samahan nating muli sina Andrea at ang kanyang mga kasama na magtutulong-tulong sa pagbalik ng katahimikan sa kanilang munting.. Baryo Tiktikan. Aswang sa kapwa aswang at pagsasakripisyo ng isang nilalang sa ngalan ng pag-ibig. All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission.
Paslit (Apo Ng Manggagamot Book Series) by June_Thirteen
June_Thirteen
  • WpView
    Reads 70,934
  • WpVote
    Votes 1,880
  • WpPart
    Parts 49
Isang normal na bata lang din siya kung iyong pagmamasdan.Tahimik at mahina kung minsan. Ngunit hindi nila hinagap na darating ang araw na siya pala ang magiging pinaka-kinatatakutan. Sadyang minsan ang pagiging mahina ay nasa katauhan na ni Elena, mula pa lamang nang isilang hanggang sa nagka-isip ay walang natatanggap na papuri kahit mula sa kanyang mga magulang. Madalas din kutyain ng mga batang kaanak niya sa kanilang maliit na baryo, tampulan nang tukso ng kahit sino. Minsan sa hindi inaasahang araw ay magtatagpo ang landas nila ng batang si Lorna sa baybayin ng dagat kung saan pinangingilagan ng lahat, bitbit ang mga alagang kuting na siyang magbubuklod sa dalawa upang magsimula ang magandang samahan. Doo'y mababago ang lahat kay Elena. At ang hindi inaasahang mga bagay ang magpapamulat sa kanya sa katotohanan. Matututo siyang lumaban at ipaglaban ang mga para sa kanya, na kahit pa buong baryo na angkan nila ay uubusin niya. Tunghayan natin ang kuwento ng buhay ni Elena. Kung paano siya ngumiti at umiyak. Kung paano siya nakipag-kaibigan na pinag-ugatan ng lahat. Isang maikling kuwento na bunga lamang ng malikot na isipan. Ang mga nilalaman po ay pawang walang katotohanan. Aking magalang pong pasintabi sa lahat ng tunay na may nalalaman. June_Thirteen's "PASLIT" All rights reserved. Any part of this story can't be copied without the author's permission. Published: May 13, 2016