nicolemendozawatty
Time flies so past. Ang bilis ng panahon ngayon. Hindi mo namamalayan.. may trabaho ka na pala. Hindi na katulad ng nakaraan, pa-easy easy ka lang sa buhay pero ngayon may mga obligasyon ka na dapat mong gawin. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi mo namamalayan, may mga nagbabago na pala sa buhay mo. May mga umaalis, may mga mawawala, at yung iba naman, bumabalik.
Madami ng nagbago. Ilang taon na ang lumipas. Pareho na kayong nakalimot. Pero ang pagmamahalan niyo ba sa isa't isa ay nakabaon na rin ba sa limot?
Mabibigyan pa kaya ng second chance ang lahat? Na kahit iniwan at sinaktan ka na niya noon, bibigyan mo pa ba siya ng pangalawang pagkakataon?
Magtatake ka ba ulit ng risk para lang sa ikaliligaya ng buhay mo? Na kahit masaktan ka ulit, okay lang sayo. Na kahit lokohin mo na yung sarili mo, ayos lang sayo kasi bakit? Kasi mahal mo.
Pag mahal ka, babalikan ka. Pero bakit ka babalikan? Dapat in the first place pa lang, kapag mahal ka, hindi ka iiwan.