Undying (WORK IN PROGRESS)
WBartolo
Isang kaluluwang isinumpa, at isang pusong mapagmahal ang pagtatagpuin ng tadhana. Isang istorya ng pag-ibig na kakaiba, na kung saan, susubukin ang tibay ng dibdib, hahamakin ang lahat, at tatawirin kahit anong unos, makamit lamang ang inaasam na pag-ibig. Lalagpasan nito ang normal na kayang abutin ng ating mga isipan, at dadalin tayo sa mundo na kung saan, tatanungin natin ang ating mga sarili kung hanggang saan natin kayang panindigan ang salitang pagmamahal. Sakripisyo, napakadaling sabihin, ngunit napakahirap gawin. Batas ng kalikasan, kung may gusto ka, lagi itong may kapalit na paghihirap. Paghirapan ang mga bagay na gusto mo at mahal mo, para ito ay iyong makamit.