saffirababy
Nikka Ojeda: Wedding Planner.......
Iyan ang trabaho ko.Trabaho kong tulungan ang magpapakasal sa paghahanda ng kanilang kasal. Binubusisi ko mula sa pinakamaliit hanggang pinakamalaking detalye.Bulaklak, wedding invitations, reception,pagkain, mga gown at singsing ilan lamang iyan sa mga inaasikaso ko.
Naging saksi at parte ako ng mga magagandang pangyayari sa buhay ng mga nagpapakasal.Umikot ang buhay ko rito sa loob ng limang taon ng hindi ko namamalayan.
Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, ni sa panaginip hindi ko inakalang ako mismo ang magigingbwedsing planner ng dati kong asawa. Nakakatawa di ba? Ang lalaking dating nanumpa sa harap ng diyos na akoy iibigin habang buhay ay magpapakasal na sa iba. Ang masaklap sa anak pa ng boss ko.
Buhay nga naman......... Tatanggapin ko ba o hindi? Magback out na lang kaya ako? Hindi, naka move on na ako, pero bakit ako nasasaktan? Bakit ako nanghihinayang?