pungayzxc's Reading List
3 stories
Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House by GYJones
GYJones
  • WpView
    Reads 660,747
  • WpVote
    Votes 26,470
  • WpPart
    Parts 40
Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na psychic at Jules na parapsychologist ay naglakbay tungo sa isang maliit na bayan sa Quezon Province upang mag-perform ng exorcism ng isang batang sinapian ng dimonyo. Nguni't para matalo ang dimonyo ay kinakailangan nilang gawin ang exorcism mismo sa haunted house kung saan ipinanganak ang bata, at sa tulong ng isang malakas na religious artifact. IT'S THE EXORCIST MEETS INSIDIOUS MEETS THE DA VINCI CODE.
Stranger than Ever by puzackal
puzackal
  • WpView
    Reads 459
  • WpVote
    Votes 17
  • WpPart
    Parts 5
May tatlong mantra sa buhay ang loner na si Karl. Una, fuck people. Pangalawa, fuck people. At pangatlo, fuck people. Sa kanya, isang napakalaking biro ang pakikisalamuha sa ibang tao. Sapat na sa kanya ang isang kaibigan, at ang kanyang tito. Maayos ang buhay sa ganoong set-up para sa kanya. Ngunit mabubulabog iyon dahil sa dalawang dahilan: mga sikretong sulat, at si Jordan, ang idolo ng kanyang best friend. Maibabalik kaya ni Karl ang kanyang dating buhay--boring, walang kulay, at pusong mas malamig pa sa freezer? O mapipintahan ito ni Jordan ng matingkad na bahaghari? Kaya nga bang turuan ng pag-ibig ang isang pusong kinandado na para sa iba, lalo na kung galing ang susi nito sa isang taong hindi nito kilala? [Updates depending on my mood] [June 7, 2018 - PRESENT]
Tahanan, Tahan Na by espermarya
espermarya
  • WpView
    Reads 100
  • WpVote
    Votes 4
  • WpPart
    Parts 2
Ang nobelang young adult na ito ay susubukang talakayin ang buhay ni Sampaguita Dela Cruz, isang labing-anim na taong gulang na dalaga. Payak lamang ang pamumuhay ni Sammy sa baryo ng Sangháya, kasalukuyan siyang namumuhay sa kalinga ng kaniyang Inay Lilia. Nakuha ni Sammy ang kaniyang pangalan mula sa pagkawili ng kaniyang Inay Lilia sa saá mula sa nasabing bulaklak. Sa kaniyang Itay Kiko naman nakuha ni Sammy ang pakahilig sa tustadong bawang at pagsasagot ng krosword. Magmula nang maghiwalay ang mag-asawang Lilia at Kiko, namuo ang galit ng dalaga sa kaniyang sariling ama: galit na sapat upang magkaroon siya ng pagkamuhi rito. Mula sa pagtitinda ng sampaguita nakukuha ni Lilia ang pang-araw-araw nilang pangangailangang mag-ina. Naging mahirap man ang kanilang pamumuhay, nagawang itawid ni Lilia ang kaniyang anak upang makapag-aral sa Mababang Paaralan ng Sangháya. Ngayong papasok na si Sammy sa eskuwelahan, magkahalong saya at kaba ang nararamdaman niya. Masaya siya dahil makakasama niya muli ang mga kaibigan niyang sina Tope at Suman; masisilayan din niya ang hinahangaang dalaga na si Rosal. Sa kabila nito, hindi maiwasang balutin si Sammy ng pangamba: dahil habang tumatagal ang kaniyang pamamalagi sa paaralan, mas lumalayo siya sa sibol ng kaniyang pagkabata.