roncheriel
- Membaca 8,967
- Suara 379
- Bagian 16
Mula ng umalis si Romel ay naging malungkot ang buhay ni Ariane. Halos hindi makakain at makatulog. Nang dahil doon ay nagkasakit siya. Wala ni sulat o balita na natatanggap si Ariane mula nang ito ay nawala.
Nag-move on si Ariane. Pinilit na maging okey ang lahat. Mabilis nakarecover ito dahil sa tulong na rin ng kapatid na si Juvy, mga pinsan na sina Rhoda, Mavic, Ate Susan at matalik niyang kaibigan na si Cecel. Hindi pa rin magawa ni Ariane na magpaligaw sa iba. Para sa kanya ay sila pa rin dahil wala pang break-up na nangyari.
May masugid na nanliligaw kay Ariane. Sinagot niya ito kahit alam niyang mali. Pero sa bandang huli ay natutunan niya itong mahalin nang higit pa sa pagmamahal niya kay Romel. Pero alam ni Ariane na may GF si Noriel na gusto makipagbalikan. Si Ana ang babaeng scandalosa. Gagawin ang lahat mapasakanya ulit si Noriel. Mula nang nalaman ni Ana ang tungkol sa relasyon ni Ariane at Noriel ay lagi nitong inaaway si Ariane. Lalong nagmahalan ang dalawa at hindi nagpatinag sa panggugulo ni Ana.
Sa pagbabalik ni Romel, Ano kaya ang gagawin ni Noriel. Sino kaya ang piliin ni Ariane na magmay-ari ng puso niya. Ano kaya ang mangyayari kay Ana.