ELEMENTO - Raw | Unedited Version
GilLandicho
- Reads 1,347,743
- Votes 37,133
- Parts 164
NOW PUBLISHED BY POP FICTION
----
Sa mundo natin, maraming mga kababalaghang nangyayari...
Di naman kailangan pang pahirapan ang sarili.
Maniwala ka man o hindi, nandyan lang sila sa tabi-tabi...
Ang mga ELEMENTO.
----
Apoy.
Paulit-ulit ang bangungot ni Gino Ivan Lazaro gabi-gabi. Marami ding mga kababalaghang nangyayari sa kanyang paligid na tanging isang nagsasalitang itim na pusa ang nagbigay linaw.
Nasa panganib ang kanyang buhay dahil sa isang kulto na nais siyang ialay upang muling buhayin si Gunaw, ang masama at malupit na datu na naghasik ng lagim noong bata pa ang Pilipinas.
Magagawa bang makatakas ni Gino sa tinakdang masalimuot na kapalaran?
Lupa.
May isang engkanto ang nagkagusto kay Clarissa Gutang. Nagawa nito magpanggap at gayahin ang anyo ng taong lihim na minamahal ni Clarissa.
May darating bang Knight-in-shining armor para Clarissa o tanggapin na lang niya ang alok ng malignong manliligaw?
Hangin.
Nakakakita ng mga multo si Junio 'Jun-Jun' Sta Maria. Araw-araw padami ng padami ang mga ito dahil lahat ng makita niya ay sumusunod sa kanya pauwi.
Nakakarindi ang mga iyak at paghingi ng tulong ng mga multong ito.
Nalagay sa panganib ang buhay ng isang tao na mahalaga sa kanya dahil sa isang multo. Kakayanin ba ni Jun-Jun huwag itong pansinin o tuluyan nang buksan ang pandinig at intindihin panaghoy ng mga multo sa paligid?