LawrenceReyes170
"Ang puso ko.." sabay sabay na nahimatay ang mga princessa.
Ang puso nila'y nanakit at nanikip, walang dahilan kung bakit nila ito nararanasan. At ito ang malaking katanungan ng lahat.
"Isara ang kaharian!!" Sigaw ng hari.
Nagkakagulo na ngayon sa kaharian dulot ng isang gulo. Isang gulong nakakamatay. Isang gulong dapat ay may mabuhay upang maligtas ang lahat.
"Kailangan natin hanapin ang pitong tagapag-bantay."
Ang pitong tagapag-bantay na siyang magliligtas sa mga princessa. Ang mga tagapag-bantay na kailangan ng kaharian--ang pitong nawawalang tagapag-bantay.
"Ikaw ang pinuno ng mga pitong tagapagbantay!"
Dito sila hahanapin sa isang lugar na hindi namin nakagisnan. Isang lugr na malayo sa aming panahon...
Ang modernong panahon.
"Sino? Ako?"
Mahirap na ang pananatili dto...pati ba naman ang pagpapaalala sa kanila?
Maalala pa kaya nila ang kanilang mga kapangyarihan?
Mailigtas pa ba ang kaharian?