AkoSiNeneMani
Napansin niya ang isang diyaryong Libre ng Daily Inquirer sa kanyang tabi. Oo nga pala, hindi na niya naisip na kumuha ng kopya nito sa pagmamadali. Kinuha niya ito at binuklat. Horoscope. Isa iyon sa paborito niyang feature sa nasabing diyaryo. Taurus. Love. Tatlong puso. Ang sabi…
"Kung ayaw mong gumulo ang yong mundo, huwag kang titingin sa kaliwa mo."
Napangiti siya. Talaga lang ha?! Parang nananakot pa. Bakit ano ba meron sa kaliwa niya? At dahil matigas ang kanyang ulo, lumingon parin siya sa kaliwa… at siya’y napakurap tapos ay tuluyang natulala.....