Filipino-themed Genres
16 stories
Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III) by KuyaBoyet13
Si Joshua Lagalag at ang Maranhig (Book III)
KuyaBoyet13
  • Reads 250,866
  • Votes 10,027
  • Parts 31
Paano mo papatayin ang isang patay na? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo sa lugar kung saan ang kanilang makakalaban ay mga buhay na patay! Pinaghalong, adventure, fantasy and suspense kaya siguradong magugustuhan ninyo! Ito po ang Book III ng Joshua Lagalag Series . Para lubos na maintindihan, basahin po ninyo muna ang Book II ( Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it) at ang Book I ( Joshua Lagalag atang Aswang sa San Gabriel) Sana po ay mag-enjoy kayo at suportahan din ang aking gawang ito gaya ng pagsuporta ninyo sa mga nauna kong isinulat. Happy Reading! Special Thanks to my Cover Designer Ate Onang. Kuya Boyet13
Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it        (Book II) by KuyaBoyet13
Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it (Book II)
KuyaBoyet13
  • Reads 274,370
  • Votes 11,242
  • Parts 30
Hanggang saan ang kaya mong gawin para matulungan ang isang kaibigan? Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Joshua alyas " Lagalag " sa bundok ng mga naglalabanang engkanto para mailigtas ang kanyang kaibigan. Pinaghalong adventure, fantasy at suspense kaya siguradong mag-eenjoy kayo sa pagbabasa. Ito po ang Book II ng Joshua Lagalag Series, ang sequel ng Joshua Lagalag at ang Aswang sa San Gabriel. Kailangan po ng konting "referencing" sa 2nd Chapter pero other than that, this is an entirely different story. Mas maraming kalaban, at mas maraming adventure ang susuungin ni Joshua upang mailigtas ang kaibigan at ang buong baryo ng Talisay. Gaya po ng sinabi ko sa Book 1, Ang mga pangalan ng tao, lugar, bagay, o pangyayari na ginamit sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya. Tangkilikin po natin ang sariling atin. Thank You very much for the support! Happy reading!
Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo   (BOOK IV) by KuyaBoyet13
Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo (BOOK IV)
KuyaBoyet13
  • Reads 229,599
  • Votes 9,879
  • Parts 27
Ano ang gagawin mo kung ang taong palaging nagliligtas sa iyo ay siya namang nasa panganib at kailangan mong iligtas? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Angelo at Joshua sa lugar na kung saan ang tanging pagpipilian ay kung mamatay na walang kalaban laban o lumaban hanggang mamatay. Gaya po ng mga naunang pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo, ang kuwentong ito ay hitik sa labanan at siguradong pananabikan ninyo ang bawat chapter. Sana po ay tangkilikin din ninyo kagaya ng pagtangkilik sa mga nauna kong kuwento. Maraming salamat po. Dedicated to my wife and my kids Special thanks to my cover designer Ate Onang ( sa uulitin po :-))
Si Joshua Lagalag at ang Aswang sa San Gabriel     (Book I) by KuyaBoyet13
Si Joshua Lagalag at ang Aswang sa San Gabriel (Book I)
KuyaBoyet13
  • Reads 79,725
  • Votes 3,437
  • Parts 8
Gusto ninyo ba ng light horror? Yun bang walang bumabahang dugo o kaya walang patumanggang patayan. Ito ang kwentong hinahanap ninyo. Magaan lang basahin, yun tipong hindi ka magtatalukbong ng kumot pagkatapos basahin ang kwento. Mag eenjoy lang kayo while reading and pagkatapos ay back to normal na. For entairtainment purpose lang and hindi para manakot. Ang kuwento pong ito ay isang kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa pangalan ng tao, lugar o pangyayari ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Nais ko lamang maibahagi sa mga mambabasa ang bunga ng aking malikot na imahinasyon. Hindi po akong isang batikang manunulat kaya ipagpatawad ninyo ang paraan ko ng pagsulat. Ang nais ko lamang po makapag-ambag ng aking sariling gawa sa sining ng pagsusulat. Maraming salamat po and God Bless! Happy Reading! Kuya Boyet Dedicated to my wife and my kids Joshua, Jolet and Lj
Si Joshua Lagalag at ang mga Sabadan ng Lamudyong  (Book V) by KuyaBoyet13
Si Joshua Lagalag at ang mga Sabadan ng Lamudyong (Book V)
KuyaBoyet13
  • Reads 211,058
  • Votes 10,034
  • Parts 26
Limang engkantado. Iba-ibang lahi, iba-ibang kakayahan. Pinalaki ng isang mangkukulam. Ginamit ang kanilang kapangyarihan at kakayahan para maghasik ng kaguluhan sa bayan na kanyang pinagmulan. Paano tatalunin nina Joshua at Angelo ang mga kalaban kung ang mismong taong bayan ang ginagamit nito para sila ay labanan? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran ng magkaibigan laban sa mga masasamang elemento na gustong maghasik ng kaguluhan. Isa na namang pakikipagsapalaran ng magkakaibigan sa mundo ng mga engkantado. Gaya ng mga naunang kuwento ni Joshua Lagalag, puno itong action, suspense, comedy at kaunting romance. Sana po ay inyo muling tangkilikin gaya ng inyong pagtangkilik sa mga nauna kong kuwento. Maraming salamat po! Enjoy reading! Special thanks to Ate Onang for the cover design.
Aswang Hunter | New Blood by mananambal
Aswang Hunter | New Blood
mananambal
  • Reads 249,137
  • Votes 12,718
  • Parts 109
"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na nangyayari sa pagitan ng mga Aswang at Hunters. Isang gabi, minalas si Pepe na masangkot dito. Pero malas ba talaga ito o swerte? Simpleng tao lang kasi si Pepe; estudyante sa umaga, tindero ng balut sa gabi, bukod sa dalawang iyan ay wala na siyang inaatupag kung hindi ang kanyang pamilya at ang kanyang lihim na pagtingin sa kaklase na si Pia. Bukod sa mga aswang; guguluhin din si Pepe ng mga bal-bal, kapre, diwata, mga mangkukulam at iba pa. At paano naman siya lalaban? Sa maraming paraan; nandiyan ang panloob na espiritwal na enerhiya na taglay ng mga tao, nandiyan din ang espiritwal na enerhiya sa paligid at mga elemento at higit sa lahat nandiyan din ang mahiwagang Dignum, ang misteryosong itim na kahoy na pwedeng gamitin na sandata o gamit. Unti-unti niya itong matututunan at tuluyan nitong babaguhin ang pagtingin niya sa mundo. Ito ang simula ng kanyang laban at pakikipagsapalaran. Ito ang kwento ng Aswang Hunter.
ELEMENTO  - Raw | Unedited Version by GilLandicho
ELEMENTO - Raw | Unedited Version
GilLandicho
  • Reads 1,351,066
  • Votes 37,271
  • Parts 164
NOW PUBLISHED BY POP FICTION ---- Sa mundo natin, maraming mga kababalaghang nangyayari... Di naman kailangan pang pahirapan ang sarili. Maniwala ka man o hindi, nandyan lang sila sa tabi-tabi... Ang mga ELEMENTO. ---- Apoy. Paulit-ulit ang bangungot ni Gino Ivan Lazaro gabi-gabi. Marami ding mga kababalaghang nangyayari sa kanyang paligid na tanging isang nagsasalitang itim na pusa ang nagbigay linaw. Nasa panganib ang kanyang buhay dahil sa isang kulto na nais siyang ialay upang muling buhayin si Gunaw, ang masama at malupit na datu na naghasik ng lagim noong bata pa ang Pilipinas. Magagawa bang makatakas ni Gino sa tinakdang masalimuot na kapalaran? Lupa. May isang engkanto ang nagkagusto kay Clarissa Gutang. Nagawa nito magpanggap at gayahin ang anyo ng taong lihim na minamahal ni Clarissa. May darating bang Knight-in-shining armor para Clarissa o tanggapin na lang niya ang alok ng malignong manliligaw? Hangin. Nakakakita ng mga multo si Junio 'Jun-Jun' Sta Maria. Araw-araw padami ng padami ang mga ito dahil lahat ng makita niya ay sumusunod sa kanya pauwi. Nakakarindi ang mga iyak at paghingi ng tulong ng mga multong ito. Nalagay sa panganib ang buhay ng isang tao na mahalaga sa kanya dahil sa isang multo. Kakayanin ba ni Jun-Jun huwag itong pansinin o tuluyan nang buksan ang pandinig at intindihin panaghoy ng mga multo sa paligid?
KALISKIS (Munting Handog - Book 1) by AngHulingBaylan
KALISKIS (Munting Handog - Book 1)
AngHulingBaylan
  • Reads 454,736
  • Votes 3,485
  • Parts 9
Simula na ng bakasyon. Ito ang panahon na pinakahihintay ni Roselda. Magagawi na naman siya sa dalampasigan upang mamulot ng kabibe at batotoy. Subalit nang bakasyong iyon, higit pa sa kabibe at batotoy ang kanyang natagpuan. Nakipagkaibigan siya sa isang engkantong lalang ng tubig at nananahan sa ilalim ng karagatan. Napalis siya sa mundo ng mga engkantong-tubig. At sa kanyang huling pag-ahon, siya ay nabago habam-buhay. Anong hiwaga ang kanyang natagpuan? Inyong tunghayan ang kanyang istorya. Sumama ka't ating sisirin ang k'wento sa likod ng mga... KALISKIS. - - - - - - - - Kaliskis (Munting Handog - Book 1, Stand Alone) Binhi (Munting Handog - Book 2 (On-going), Stand Alone)
Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad) by EMPriel
Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad)
EMPriel
  • Reads 712,498
  • Votes 12,621
  • Parts 27
Philippines: year 2300 Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una, ang mga bid (ang pinaka mababang uri ng pamumuhay o ang pinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class napamumuhay). At ang huli ang pinakamataas na antas ng pamumuhay, ang mga bidders. Kung bakit bidders? Sila ang may kakayahan para bumili ng mga bid o kahit na commoner para mailipat ang kanilang memory gene sa ibang katawan at masabing imortal sila. Ang memory gene na ito ay inimbento ng kompanyang MEMO© na hawak ng kasalukuyang diplomatic government. Isang eksperimontong pumasa sa Europe at patuloy na ginagamit ng mga bidders upang mabuhay sa kahit gaano pa kahabang siglo.
Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed] by RaggedyCat
Heroes Gone Haywire! [HGH Book 1] [Completed]
RaggedyCat
  • Reads 108,897
  • Votes 3,714
  • Parts 52
[[Wattpad Featured Story, "Fantasy"]] Mysterious forces send four young men into the future: sila'y sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Macario Sakay, and Aurelio Tolentino. Sa taong 1894 ay mga ganap silang Katipunero, ngunit mag-iiba ba ang daloy ng kanilang tadhana kung sila'y mapadpad sa taong 2014? Four men, four lives, four places in history, one adventure... for the better or for worse? Began: (approx) March 2014 Completed: September 2017 UPDATE (May 2019): Changed primary genre from "Fantasy" to "Historical Fiction"