Annyeong_kei
Yung gumising na siya yung unang nakikita,
Yung kumain ng masaya kasama siya,
Yung umalis na siya yung kasama,
Ansaya lang isipin na nangyari yun,
Pero unti unting nawawala yung saya sa tuwing naalala ko na,
Hindi niya ako Mahal at hinding hindi niya ako mamahalin,
At sa panahong to alam kong mas magandang magparaya para sa akin at sakanya.
"Isang buwan, grey. Isang buwan at pipirma ako jan diba yan yung gusto mo? Pumirma ako jan? Sige! Pipirma ako! Pero isang buwan- isang buwan lang naman, bigyan mo naman ako ng konting pagmamahal na gusto kong maramdaman mula sayo." Unti unting tumulo yung luha na matagal ko inipon,
Nakita ko yung mga mata niyang kuminang, na para bang sa WAKAS! Magiging malaya na ako!
"Sige, papayag ako sa isang buwan. Pero pagkatapos nun pipirmahan mo toh." Nakatingin siya sa akin. "Isang buwan tayong magsasamang parang magasawa, Masaya ka na ba?" Hindi.
Hinding hindi ako magiging masaya.
Masakit pero kailangan ko ng tanggapin yung pagkatalo ko, i am damsel in distress in my own story.
Kontrabida sa sarili kong Kwento,
At isang walang kwentang bida.
Date started: 04/16/18