thewhimsicalprincess
That's what she said:
Puot at galit! Yan lang ang naramdaman ni Rei nung una niyang nakita si Knight. Si Knight lang naman ang lampang anak ng step mother niya. Hindi na nga niya matanggap ang pagiwan ng tatay niya at pagsama sa ibang babae tapos titira pa siya sa bahay nila? Katapusan na ata ng mundo! Isama mo pa ang apat na antipatikong mga kaibigan ni Knight na may mga issues sa kanilang buhay. Makaya pa kaya ni Rei na harapin lahat ng ito o unti unti siyang magbabago dahil sa pangungulit ng mga ito?
That's what he said:
Alien! Isa siyang monster! Yan ang tumatak sa isip ni Knight nung una niyang makilala si Rei. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito sa mundo. Pero kahit na naiinis siya dahil sa bahay nila siya titira, eh meron siyang nakikitang iba sa pagkatao ni Rei. Hindi niya alam ngunit unti unti siyang naaakit sa mala-monster nitong ugali. Ano bang meron kay Rei at pati ang mga kaibigan niya ay natuto siyang mahalin?