Precious Heart Romance Books
52 stories
LA CASA DE AMOR - NATHANIEL by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 38,152
  • WpVote
    Votes 1,629
  • WpPart
    Parts 20
"Hindi ako mahilig mag-aksaya ng panahon. Gusto kong sabihin ko na sa iyo ang talagang pakay ko. I want to marry you, Hannah..." Ilang araw na siya sa bahay na iyon sa San Miguel. Dati-rati, ang mga alaala nila ng taong nag-ampon sa kanya ang naiisp niya pero ngayon, okupadong-okupado ni Hannah ang buong isip niya. Nagkatagpo sila si Hannah sa isang sitwasyong hindi niya inaasahan. Pero ang sitwasyong ding iyon ang nagbigay sa kanya ng isang karanasang titimo sa kanyang isip sa habang panahon. Hindi iilang beses na naisip niyang balikan ito. Ayaw din niyang matukso na tawagan si Hannah. Napakadali kung gusto niya itong kumustahin kahit sa telepono man lang. Pero hindi nga niya ginawa. Hangga't maaari ay umiiwas siya sa mga kumplikadong bagay. At alam niya, si Hannah sa simula pa lang ay isa nang malaking kumplikasyon. Published by Precious Pages Corporation
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 671,488
  • WpVote
    Votes 12,313
  • WpPart
    Parts 27
Knight's Sweet Vow By Victoria Amor "Nawalan ng kakayahang magmahal ang puso ko mula nang mawala ka." Si Theo Knight ang kahulugan ng "ultimate crush" para kay Miliza, kaya lang ay best friend niya ito. Six years old pa lang siya ay kilala na siya nito. Lahat ng kapintasan niya ay memoryado nito at lagi nitong ipinapaalala sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, si Theo ang pinakaespesyal na lalaki sa buhay niya dahil sa vow nito na lagi nitong tinutupad. Pagdating nila sa high school, nag-renew ito ng vow. Hindi raw siya nito ibibigay sa kahit na sinong lalaki lang. Pakakasalan daw siya nito kung kinakailangan para mahadlangan nito ang relasyon niya sa maling lalaki kung sakali. Hinagkan siya nito sa mga labi para i-seal ang vow nito. Binago ng halik na iyon ang pintig ng puso niya, subalit magkasunod na trahedya ang naglayo sa kanila. At sa muling pagkikita nila, ibang Theo na ang nakaharap niya. Gusto uli niyang lumapit dito ngunit base sa ikinikilos nito, mukhang hindi na siya nito kailangan pa. Paano na ang damdamin niya para dito na nanatili sa puso niya sa kabila ng pagkakalayo nila?
Love Trap by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 806,107
  • WpVote
    Votes 15,802
  • WpPart
    Parts 33
Naniniwala siyang higit ang pagtinging inuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, si Robb, whose true to life experience was made into a movir and became a big hit. Kaya walang dahilan upang tumanggi si Serena sa suhestiyon nito na magkunwari silang magkasintahan upang mapaligaya ang mga huling araw ng buhay ng matanda. Mula sa inosenteng pagkukunwaring iyon ay natagpuan niya ang sariling taglay na ang pangalan ni Robb nang magpakasal nila- kasal na tiniyak ni Robb na ipaa-annul nito sa sandaling matapos na ang silbi niyon. Subalit habang lumilipas ang mga araw ay natagpuan ni Serena ang sariling umiibig dito. Subalit paano ang nalalapit nilang annulmentÉ At ano ang gagawin niya gayong dinala ni Robb sa bahay nila ang magandang babae sa katauhan ni Yvette?
Almost A Fairy Tale  by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 615,125
  • WpVote
    Votes 12,119
  • WpPart
    Parts 25
"I want you, Ella. At alam kong iyan din ang nararamdaman mo para sa akin. So, please don't let that stupid frog come between us."
Places & Souvenirs - CAGAYAN 1 - Enemies At First Sight by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 38,708
  • WpVote
    Votes 1,701
  • WpPart
    Parts 25
"I'm going to marry you whether you like it or not." ***** "Gentleman ka pala," sarkastikong sabi niya at pasalyang inilagay sa backseat ang mga maleta. "Pasalamat ka nga at tinulungan kitang magbuhat," tila naniniryang sabi ni Santi. "Bagahe mo naman ang mga iyan, ah? Dapat lang na mas may malasakit kang bitbitin iyan kaysa sa ibang tao." Naupo na ito sa harap ng manibela. "Ready to ride?" tanong pa nito at kinindatan siya. Padaskol na binuksan niya ang pinto sa backseat. "Bakit hindi mo pa paandarin?" asik niya. "Miss Catherine Abaya, linawin lang natin, okay? Sinundo kita dahil sinalo ko ang dapat sana ay sa papa ko. Pero hindi mo ako kargador at hindi mo rin ako driver. So hindi ko paaandarin itong sasakyan unless lilipat ka dito sa passenger seat." Nanlaki ang mga mata niya pero lumipat din siya ng puwesto. Magkalapat na magkalapat ang mga labi niya at halos mag-abot din ang mga kilay. "Good," pabulong na sabi ni Santi ngunit sadya ring ipinarinig sa kanya.
Stallion Riding Club #12: YOZACK FLORENCIO (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 281,783
  • WpVote
    Votes 6,007
  • WpPart
    Parts 11
Mataas ang tingin ni Diosa sa kanyang sarili. She could get the attention she wanted. When she needed it, where she needed it. Iyon kasi ang nakasanayan niya. Hanggang isang lalaki ang sumira sa natural na pag-inog ng mundo niya. Si Yozack. Ang lalaking basta na lang niya hinalikan na pagkatapos niyon ay ni hindi man lang siya hinabol para tanungin. She got curious of him. Until one day, she realized she wasn't just curious of him. "I'd like to be your friend," wika sa kanya ni Yozack. "If it's okay with you." KAILANGAN PA BANG I-MEMORIZE 'YAN???
CALLE POGI:  RYU  (Completed) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 102,924
  • WpVote
    Votes 3,049
  • WpPart
    Parts 17
Bigo, galit sa mundo at nasuong sa panganib si Cari. Kaya kinuha niya ang serbisyo ng security expert na si Kim Jaze Asuncion. Dinala siya nito sa Brgy. Calle Pogi upang mailayo at maitago siya sa nagtangkang dumukot sa kanya. Pagkatapos ay ipinasa siya nito sa mga kamay ni Mr. Low Profile Ryu Eustaquio. Pero imbes na protektahan ay ginawa lang siya nitong katulong dahil sa nasira niya ang bukbuking gate ng mas bukbukin nitong bahay. They clash everytime they see each other. Gayunman, sa tuwing nalalagay naman siya sa panganib ay ang antipatikong binata ang laging nasa frontline. Hindi tuloy maiwasang isipin ng pasaway niyang puso na maaaring may pagtingin ito sa kanya. Uuuuy, tsismis!
Kissing Miss Wrong (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 534,028
  • WpVote
    Votes 12,079
  • WpPart
    Parts 32
"Maybe you're not my idea of a perfect woman but that doesn't stop me from loving you." Natagpuan na lang ni Sam ang sariling nakakulong na sa mga bisig ni Nathan; his mouth was hovering over hers. Tila huminto ang pag-inog ng mundo sa kanilang dalawa. Her thoughts were in chaos at kulang ang salitang "shock" para ipaliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. And she was becoming addicted to his soft lips and burning touch. At naalarma ang isip niya nang dahil doon. Alam niyang hindi siya ang ideal woman na hinahanap nito at masasaktan lamang siya kapag nagpatuloy ang kahibangan niya rito. She had lost her defenses and she had already lost her heart to him. Paano pa niya ililigtas ang kanyang pusong hindi nagpapigil na umibig dito?
Rush (The Gentle Soul) PREVIEW by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 162,147
  • WpVote
    Votes 3,728
  • WpPart
    Parts 25
Mahinhinon Virgins Book 3: Macaria (a.k.a Ariah)
Soon, I'll Find You by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 260,516
  • WpVote
    Votes 4,864
  • WpPart
    Parts 20
PHR novel # 1685 Soon, I'll Find You "Of course not. In fact, desidido akong patunayan sa iyo." "Na ano?" tanong niyang agad na kinabahan. "You know what. Patutunayan ko sa iyong hindi ako bakla," William said in the gentlest and most seductive tone. "No," she said meekly. The next thing she knew, his lips was moving against her. It was magical, mysterious, incredible. "Hindi ako bakla, di ba?" pabulong na sabi nito pagkatapos ng nakakatulalang halik. Nanlaki ang mga mata niya. At noon lang din niya napansin ang pag-uusyoso sa kanila ng ibang taong nasa paligid. Naningkit ang mga mata niya at sinampal ito. She made a deep breath. Isang matalim na irap ang ginawa niya dito bago nagpasyang lumayo. Subalit hinaltak siya ni William sa braso. "I'll find you, sweetheart. And that will be very, very soon." He whispered against her ear. Cover photo from Google images Original book cover owned by PHR Cover design by J.E.