Favorites
74 storie
Bad Blood/Bad Romance di LKsolacola
Bad Blood/Bad Romance
LKsolacola
  • LETTURE 128,524
  • Voti 4,418
  • Parti 31
Nangako si Lilac sa sarili na ipaghihiganti ang kamatayan ng kakambal na si Marigold at ng pinagbubuntis nitong sanggol- kahit pa isang makapangyarihan at purong bampira ang kakalabanin niya. Salamat sa mga salamangkerang nagpalaki sa kanya, marunong siyang gumamit ng salamangka na tatapos sa mga bampira. Lalong lumakas ang loob niya nang makilala si Tyrus na isang Bloodkeeper- o nilalang na kalahating bampira-kalahating mortal- na leader ng squad na huma-hunting din sa hinahanap niyang 'Nobleblood.' Sa pagtutulungan nila, nalaman nilang meron din siyang abilidad na gaya kay Marigold at nangangahulugan 'yon na siya na ang susunod na target ng masamang bampira. Nangako si Tyrus na poprotektahan siya nito pero magagawa ba nito 'yon kung 1.) nanghihina ito at nababaliw sa amoy ng dugo niya, at 2.) may 'split personality' ito. (Masungit at parati siya nitong binabara kapag 'busog' ito. Pero kapag gutom naman, nagiging flirt at malambing sa kanya ang lalaki.) She wasn't going to lie- she was totally attracted to the Bloodkeeper and it was very distracting!
Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED] di HeartYngrid
Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED]
HeartYngrid
  • LETTURE 868,973
  • Voti 20,650
  • Parti 33
Issabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her lifestyle was old-fashioned and her values were conservative. In short, isa siyang manang. Ikinabigla niya nang mabalitaan niyang sa kanya ipinamana ng kanyang Tiya Selena ang lahat ng ari-arian nito. But there was a proviso in her last will and testament. Makukuha lamang daw niya ang lahat ng ibinigay nito kung maipagpapatuloy niyang isulat ang librong hindi nito natapos nang maratay ito sa karamdaman. Of course, she could write. Pero mukhang hindi niya kayang ipagpatuloy ang pagsusulat ng unfinished manuscript ng isang sexologist! So now she had to find a sex guru to guide her in writing about a subject she was totally clueless about: Sex 101. May isang nagboluntaryong tulungan siya sa pagsusulat ng libro-si Drew dela Merced, isang part-time model and full-time sex god. Pero hindi raw ito papayag na pulos lecture lang sila dahil hands-on daw ito kung magturo! *Pubished under PHR* https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1051/Ang-Manang-At-Ang-Playboy NOTE: Oh, dear. This is the editor's edited file. Forgive the nag-uumapaw na "kanyang" at "lamang" at kung anu-anupang mga malalim na Tagalog. They're not from me but from the editor. :D Pag may oras ako, I will edit this file para mas easy read siya :)
REMEMBER YESTERDAY di maricardizonwrites
REMEMBER YESTERDAY
maricardizonwrites
  • LETTURE 629,490
  • Voti 19,535
  • Parti 57
Na kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumikilos at nag-iisip ayon sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Until he met Alaina - his personal chef's daughter. Iba si Alaina sa lahat ng nakilala na niya sa buong buhay niya. She was sunshine personified. Kapag tinitingnan siya nito ay hindi money sign ang nakikita nito kung hindi ang tunay niyang pagkatao. Alaina made Randall human. Pero napakaraming pagsubok ang pilit silang pinaghihiwalay. They were both teenagers then. At kahit anong pagrerebelde ang gawin ni Randall ay hindi niya nagawang protektahan si Alaina. Isang araw, matapos ang isang matinding trahedya, biglang nawala sa buhay niya si Alaina. Ginugol ni Randall ang sumunod na mga taon sa paghahanap sa dalaga. Pero nang sa wakas ay matagpuan na niya ito ay isang rebelasyon ang naging dahilan kaya nasaktan siya nang husto. Hindi siya naaalala ni Alaina.
Fall All Over Again di dwayneizzobellePHR
Fall All Over Again
dwayneizzobellePHR
  • LETTURE 325,685
  • Voti 7,438
  • Parti 23
published under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang paslit ka pa lamang ay pinapangarap ko na ang mga labing iyan. Look how lucky can I get." 💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓 "Crush kita. Hihintayin kong lumaki ka at liligawan kita, promise 'yan." Paslit pa lamang si Timmy nang unang bitawan ni Third ang mga salitang iyan. Sa paglipas pa ng taon ay muli nitong inungkat ang pangako. "'Mula ngayon ay opisyal na girlpren na kita, kaya huwag ka ng magpapaligaw sa iba," pilyong sabi nito. "Puwede ko bang halikan ang girlpren ko?" "Sira ka ba?" Napamulagat siya nang todo sa request nito. "Ako ang unang boypren mo, kaya dapat ako din ang first kiss mo. Una at huli..." Bago sila naghiwalay ng lalaki ay ninakawan siya nito ng halik sa mga labi. "Hindi mo na talaga ako makakalimutan niyan, Timmy. Hanggang sa muli nating pagkikita..." Pero hindi na sila muling nagkita pa. Ang pangako nito ay nabaon sa limot. Paano nga ba panghahawakan ang isang pangako ng kabataan? Paglipas ng maraming taon ay muling nagkrus ang landas ng dalawa. Ang dating cute na Third noon ay isa nang macho at guwapong anak ni Adonis ngayon. Hindi pa niya limot ang hinanakit sa kababata, at ang masaklap ay hindi pa rin lipas ang kahibangan niya dito. "I always keep my word, Timmy. I always do." Huh! Ito pa ang may ganang magsabi ng gano'n? Pero sadya yatang hindi sila para sa isa't-isa dahil muli silang pinaghiwalay ng tadhana. And this time, hindi lamang isang baldeng luha ang idinulot nito sa kanya, tinangay pa nito ang lahat- ang kanyang isip, puso at buong pagkatao. Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
David of New York Meets Esang ng Tondo di celeste_cardoso
David of New York Meets Esang ng Tondo
celeste_cardoso
  • LETTURE 98,981
  • Voti 2,181
  • Parti 12
What happens when a New Yorker meets a Tondo Girl? Riot kaya gaya ng pagkakaiba ng mundong ginagalawan nila? O mabubuo ang pagmamahalang walang kinikilalang estado sa buhay?
LOST STARS di maricardizonwrites
LOST STARS
maricardizonwrites
  • LETTURE 263,638
  • Voti 8,585
  • Parti 78
My name is Eugine Alonso. First day ko as a graduate student nang una kong makita si Kira, nakatayo sa gitna ng quadrangle at nakatitig sa mga bituin sa langit. That time hindi ko naisip na magkakaroon siya ng malaking papel sa buhay ko. Or that she will change the course of my life entirely. The next time we met each other, Kira asked me to be her friend. Kahit eighty days lang daw. Napilitan lang akong pumayag. Pero sa bawat paglipas ng mga araw, natagpuan ko ang sarili kong hindi na lang napipilitan. Na nag-e-enjoy na akong kasama siya. Na nag-e-enjoy na akong pakinggan ang mga kwento niya. The days became exciting. She pushed me out of my comfort zone. She showed me things I overlooked before. She made me realize a lot of things. Binago ni Kira ang buhay ko. At minahal ko siya ng sobra. Pero nang magtapat ako ng feelings ko sa kaniya, ni-reject ako ni Kira. "I'm sorry. I can't be your girlfriend. Ayoko." Nasaktan ako. At the same time napaisip din. Bakit hindi pwedeng maging kami?
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress di maricardizonwrites
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress
maricardizonwrites
  • LETTURE 1,620,131
  • Voti 37,795
  • Parti 41
Walong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita siya nito sa isang hindi magandang sitwasyon. "Instead of looking for other men to seduce, you will warm my bed as long as I want to. Of course, I will make sure to compensate you. However, I will not love you and you are not to fall in love with me. I will not marry you either. Are you willing to throw away all your love for money?" Parang patalim na sumaksak sa puso niya ang sinabi nito. Pero tinanggap niya iyon kasi umaasa siya na baka kapag hinayaan niya itong saktan siya ng ganoon ay mapatawad siya nito. "Matagal ko ng itinapon ang sinasabi mong pag-ibig Raiven." Iyon ang lakas loob niyang sinagot dito. Kahit ang totoo ay mahal na mahal pa rin niya ito...
MY LONELY STAR di maricardizonwrites
MY LONELY STAR
maricardizonwrites
  • LETTURE 383,967
  • Voti 11,501
  • Parti 24
Tiffany del Valle seemed to have all the things any woman would wish for: beauty, fame, and wealth. Ngunit sa kabila niyon ay hindi siya masaya. She wanted something that she had never experienced since she was a child: love. Hindi niya naranasang mahalin dahil palaging nag-aaway ang kanyang mga magulang. Dahil doon ay tila naging bato rin ang kanyang damdamin. Kaya naman binansagan siyang "ice queen" ng modeling world. Ngunit tila nalusaw ang yelong nakabalot sa puso niya nang makilala niya si Andrew Alvarez. Her heart couldn't seem to stop beating rapidly whenever this gorgeous man was near her. She realized she could be happy at last. At kay Andrew lang niya mararanasan iyon. Ito ang gusto niyang makasama habang-buhay-ang lalaking iibigin niya at iibig din sa kanya. Kung sana lang ay hindi ito galit sa kanya at hindi niya nalamang may nobya na pala ito...