bittersweetserenity
TEASER
Hi. I'm Summer. I'm 23 years old. Don't you know that I'm dead? I died due to a heartbreak. Now, if you don't continue reading this, I'LL KILL YOU!!
Joke lang, di ko naman kayo papatayin. :) Sana tanggapin n'yo ang kwento ko. Ako si Summer. 23 na ako ngayon at 17, First Year College ako nang unang maheartbroken. Tama ang nabasa n'yong patay na ako. Magmula nung ipagkait sa akin ni Paul ang inaasam kong pagmamahal mula sa kanya ay parang nawalan na ako ng ganang mabuhay.
"Mahal kita Faul!" mahinahong saad ko sakanya. Hindi ko na alintana kung hindi man n'ya ako mahal, ang sa akin ay maiparating ko sakanya ang isang bagay na matagal ko nang itinatago. May speech problem ako kung kaya't di ko nabibigkas ng naaayon ang F at P nang mga panahong 'yon.
"O please, Sum! Stop fooling around!" madiing sabi ni Paul.
"Faul, I'm not pooling around. Ang tagal ko nang itinatago itong nararamdaman ko. Sabihin mo namang mahal mo rin ako." pagmamakaawa ko kay Paul habang nag-uumpisa nang tumangis.
"Ikaw? Mamahalin? Mamahalin kita? Ang pangit mo! Look Sum, you don't have the guts to be my girlfriend or anybody's girlfriend! Ni hindi mo nga magamit ng tama ang F at P, pa'no kita ipagmamalaki? Look at you!" mahabang panlalait ni Paul sa akin at saka sinabayan ng alis.
"Fooooool!" palahaw ko sa ilalim ng ulan habang naiwang tumatangis.
"Babalik ako Fol! Babalikan kita! Sisiguraduhin kong mamahalin mo ko sa fagbabalik ko!" 'yan na lamang ang tanging naibulong ko sa kawalan.
ANO nga ba ang pagkatao ni Summer? Sino si Paul sa buhay n'ya? At paano s'ya magbabalik para mahalin siya nito?