BagoKa97
- Reads 20,923
- Votes 562
- Parts 15
(COMPLETED)
Nang araw na nagdesisyon si Ice Gregor na makipaghiwalay kay Yulli, iisang bagay lamang ang naisip niya. Gagantihan niya ang kanyang ex boyfriend na si Ice at sisiguraduhin niyang kapag nagkrus muli ang landas nilang dalawa ay magsisisi ito na hiniwalayan siya at magmamakaawa na balikan siya dahil magandang-maganda na siya kapag nakita siya nito.
Tatlong taon ang lumipas, nagtagpo nga ang kanilang mga landas. Pinagtagpong muli sa maling pagkakataon.
Lintek talaga ang tadhana!
Hindi pa siya ready!
Wrong timing oh!
Sa dinami-dami ng lugar, araw at panahon, talagang doon pa siya nakita ng kanyang ex sa araw na punggok ang bangs niya at basang sisiw siya sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.
Ang matindi pa, pinagtawanan pa siya ng damuho!
Revenge no more na ba?
---
SHORT ROMANCE STORY
Date started: Sept. 29 2016
Date ended: Oct. 18 2016