CamillaDelaLuna
Sa gitna ng marahas na digmaan noong ika-labingpitong siglo sa Pilipinas, nagkatagpo ang mga landas ni Lucia El Sotomajor Carvajal at Alejandro Sebastián de Villafranca. Si Lucia, isang dalagang Kastilang matalino at mapagmahal, at si Alejandro, isang Kastila-Filipinong gobernador-heneral na may madilim na nakaraan, ay nagkrus ang kanilang mga landas sa isang di-inaasahang pagkakataon.
Sa paghaharap nila, nagsimula ang isang katha ng pag-ibig, kasaysayan, trahedya, at digmaan. Sa bawat kabanata ng kanilang buhay, nabubunyag ang mga lihim, nagbabago ang mga puso, at sinusubok ang kanilang mga damdamin. Tatalakayin natin ang kanilang kumplikadong paglalakbay habang hinaharap nila ang isang kapalaran na puno ng mahahalagang mga desisyon.
Sa dulo, magtatagpo kaya ang kanilang mga landas sa isang kapalarang magdudugtong sa kanila o ang mga pagkakaiba nila ang maghahati sa kanilang daan?
Suriin ang kanilang kwento sa isang nobelang magdadala sa inyo sa isang panahon ng kasaysayan, pag-ibig, at pagdurusa.