tragedy_addict
⚠️ Under Major Revision ⚠️
Sabi nila, ang tunay na pagkakaibigan hindi nasusukat sa tagal ng samahan o layo ng pagitan-minsan, kahit magkakalayo, konektado pa rin ang mga puso.
Limang magkakaibigang sabay-sabay tatawid sa makalat na highway ng buhay-may iyakan, tawanan, tampuhan, at mga lihim na hindi inaasahang mabubunyag. Sa gitna ng kalungkutan, love life na sablay, at mga desisyong nakakagulo ng isipan... nandiyan pa rin sila para sa isa't isa (kahit minsan gusto na nilang sabunutan ang isa't isa!).
Masaya. Magulo. Minsan masakit. Pero laging totoo.
Ito ang kwento ng pagkakaibigang hindi matitinag-kahit ilang heartbreak, drama, at katatawanan pa ang dumaan.