KanekiManuel's Reading List
102 stories
Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED] by yoshiro_hoshi
yoshiro_hoshi
  • WpView
    Reads 209,675
  • WpVote
    Votes 10,864
  • WpPart
    Parts 98
* Winner of Watty's 2016 -- Visual Storytelling Category * FEATURED STORY at WATTPAD'S ADVENTURE 2017, "Around the World in 80 Languages" reading list. "Sampung taon mula ngayon, babalik ako at sisingilin kita ng buhay mo." Hindi inakala ni Haru na pagkatapos ng sampung taon, babalikan nga siya ni Death para singilin siya sa kaniyang pagkakautang. Ang kapalit ng dapat sana'y kamatayan ng kaniyang nakababatang kapatid ay ang sarili niyang buhay at paninilbihan sa Anghel ng Kamatayan ng habang panahon. Labag man sa kagustuhan ni Haru, mapipilitan siyang makipagkasundo kay Kamatayan para maging tauhan nito. Ngunit paano nga ba niya haharapin ang bago niyang buhay gamit ang ibang "katawan at katauhan" habang ginagampanan ang pagiging kolektor ng mga ligaw na kaluluwa? Copyright © 2016 "Ghost Retriever" All Rights Reserved. By Yoshiro Hoshi # Paranormal / Adventure / Alternate Historical Fantasy
Aswang Hunter | New Blood by mananambal
mananambal
  • WpView
    Reads 251,967
  • WpVote
    Votes 12,826
  • WpPart
    Parts 109
"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay Pepe, "Sa kanya mo lamang ito pwede ibigay. Itago mo ito at huwag ilalayo sa iyong sarili," sabi ng matanda. Mayroong sikretong labanan na nangyayari sa pagitan ng mga Aswang at Hunters. Isang gabi, minalas si Pepe na masangkot dito. Pero malas ba talaga ito o swerte? Simpleng tao lang kasi si Pepe; estudyante sa umaga, tindero ng balut sa gabi, bukod sa dalawang iyan ay wala na siyang inaatupag kung hindi ang kanyang pamilya at ang kanyang lihim na pagtingin sa kaklase na si Pia. Bukod sa mga aswang; guguluhin din si Pepe ng mga bal-bal, kapre, diwata, mga mangkukulam at iba pa. At paano naman siya lalaban? Sa maraming paraan; nandiyan ang panloob na espiritwal na enerhiya na taglay ng mga tao, nandiyan din ang espiritwal na enerhiya sa paligid at mga elemento at higit sa lahat nandiyan din ang mahiwagang Dignum, ang misteryosong itim na kahoy na pwedeng gamitin na sandata o gamit. Unti-unti niya itong matututunan at tuluyan nitong babaguhin ang pagtingin niya sa mundo. Ito ang simula ng kanyang laban at pakikipagsapalaran. Ito ang kwento ng Aswang Hunter.
LAMINO:The Invasion by KanekiManuel
KanekiManuel
  • WpView
    Reads 1,876
  • WpVote
    Votes 164
  • WpPart
    Parts 12
Sa isang mapayapang lugar nang Medieval Ay makikita ang mga tao na mapayapang nabubuhay Ngunit sa hinding inaasahan na pangyayari Na ikagugulat nang lahat Bigla silang dumating ang dating akala lang Ay totoo na at nakikita na Tayo'y sasakupin nang Lamino Pero bago ang lahat ano nga ba ang Lamino? Saan sila nagmula?,Ano Itsura nila? At Anong pakay nila? ------ Salamat po kay @SkySungit dahil sa sobrang ganda nang bookcover
Coiling Dragon Book 1 by xiantana
xiantana
  • WpView
    Reads 61,532
  • WpVote
    Votes 3,250
  • WpPart
    Parts 25
Bumabagsak at bumabangon ang maraming Imperyo sa Kontinente ng Yulan. Ang mga makapangyarihang nilalang ay naglalabanlaban gamit ang mahika at espada, na nag-iiwan ng delubyo sa bawat madaanan nito. Ang mga Bakulaw ay siyang namumuno sa kabundukan, kung saan ang malalakas- o ang mga hangal- ay naglakas loob na magpunta para subukin kung hanggang saan ang kanilang lakas. Kahit ang mga makapangyarihan ay bumabagsak din, pinagpipyistahan at inaapakan ng mas malalakas at mas makapangyarihan. Ang mga makapangyarihan ay siyang mamumuhay na parang mga hari; at ang mga mahihina ay pilit na nagsusumikap na mabuhay pang muli sa susunod na mga araw. Ito ang mundo kung saan namulat si Linley. Ipinanganak at lumaki sa maliit na bayan ng Wushan, galing sa angkan ng Baruch Clan, ang angkan ng minsan ng maalamat na lahi ng mga Dragonblood Warriors. Kung saan ang katanyagan ay minsan ng yumanig sa buong mundo, ngunit sa kasalukuyan ay unti-unti ng bumabagsak ang angkan ng mga Baruch, hanggang sa umabot na kahit ang mga tagong kayamanan at mga pamana ay naibinta na. Bilang panganay na anak ay tungkulin ni Linley na ibalik ang dating katanyagan at karangalan na nawala sa kanilang angkan. Sa kanyang paglalakbay ay maraming itong haharapin na pagsubok at hinagpis. May mga bagong makikilalang makapangyarihang kaibigan at nakapangingilabot na mga kaaway. Samahan ninyo ako sa paglalakbay ng alamat ni Linley Baruch. This book is written by I Eat Tomatoes Translated by Xiantana/who_says_25
Elemental Mage Book 2 (Tempest) by xiantana
xiantana
  • WpView
    Reads 213,246
  • WpVote
    Votes 7,252
  • WpPart
    Parts 35
Sa loob ng matagal na panahon inilihim ng angkan ni Tempest ang kanyang kapangyarihan. Isa siyang elemental mage, may kapangyarihan siya sa hangin at tubig. A kind of power that was lost, a long, long time ago. Pero sa pagsapit niya sa edad na sampung taong gulang, kailangan na niyang sumailalim sa Selection upang magsimulang mag-aral sa Quoria's University of Elemental Mages. Ang pinakatanyag na paaralan sa buong lupain ng Imperyo ng Quoria. Nararamdaman ni Tempest na lalong lumalakas ang kanyang kapangyarihan pero naroon ang takot sa kanyang dibdib. Tatanggapin kaya siya ng mga tao pag nalaman ng mga ito ang totoo? Hindi rin nakatulong ang pagiging apo niya sa lolo niyang isang High Mage at ang lola niyang isang Commander General sa kaharian ng Quoria. Makakaya kaya niyang kontrolin ang malakas niyang kapangyarihan at bakit pakiramdam niya kailangan niyang magsanay dahil darating na ang taong kahit buhay niya ay kanyang ibubuwis masiguro lang ang kaligtasan nito?
Vertigo  |  Published under LIB by Serialsleeper
Serialsleeper
  • WpView
    Reads 1,342,261
  • WpVote
    Votes 46,492
  • WpPart
    Parts 17
Vertigo was published last 2014, under Life is Beautiful Corp.
Lucid Dream by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 14,459,735
  • WpVote
    Votes 583,619
  • WpPart
    Parts 22
Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood ng mga drama sa tv, nakikinig ng music. Meron namang nagsusulat, nag d-drawing, nag p-paint, at nag co-compose ng kanta. Pero si Angelique, ang paraan niya ng pagtakas sa reyalidad ay tuwing nananaginip siya. Dahil meron siyang ibang kakayahan. Ang kakayahan na kontrolin at i-manipulate ang sarili niyang panaginip.
Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM) by Serialsleeper
Serialsleeper
  • WpView
    Reads 36,898,491
  • WpVote
    Votes 1,294,677
  • WpPart
    Parts 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idiotic guy hell-bent on keeping her awake? Well, this is the story of two special teenagers fighting for their ill-fated love. (A CHASING HURRICANE SPIN-OFF)
THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed) by LianGuevara
LianGuevara
  • WpView
    Reads 313,974
  • WpVote
    Votes 9,103
  • WpPart
    Parts 81
Wesley Connolly Philbert, son of the most famous detective Efrain Philbert, was forced to transfer in Cuthbert Academy, isang school kung saan nag aaral o itinatago ang anak ng mga sikat at high profile na tao. He met Hermione Kenna Malcolm and her gang, they called themselves as MCC or Mystery Clue Collector. They want him to join the group but the problem is he don't want it. Wesley tries to step out of his father's shadow, ayaw niyang isipin ng mga tao na ginagamit niya ang pagiging tanyag ng kanyang ama para sa sarili lamang. Can Hermione pursue Wesley to join the group to solve the mystery game revolving around the school or she will stop and just focus on chasing the master mind behind the game. Note: This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.
HYSTG meets HYSTB (fanfiction) [Completed] by Dreya_san
Dreya_san
  • WpView
    Reads 139,651
  • WpVote
    Votes 3,481
  • WpPart
    Parts 16
Si HaveYouSeenThisGirl, o mas kinikilalang Ate Denny, ay isang magaling na writer sa kasaysayan ng Wattpad, kahit present times. Kilala siya sa mga stories niya na nagpa-iyak, nagpatawa, nagpalakas, nagpalambot at kung anu-ano pa ang ginawa sa puso natin. Dito nakilala si Eya, Si Cross, Si Momo, Si Sync, Si Seven, Si Memo, Si Allen, Si Sena, Si Trey (cut na natin dito, masyado silang marami). Maraming umiidolo sa kanya at maraming nagvo-vote at nagko-comment sa stories niya. May isa siyang fan na isang maingay na reader, bawat story ni Ate Denny hindi niya pinalagpas, may pagka-OA ang comments niya, yung tipong nakaka-relate. Siya si HaveYouSeenThisBoy. Hindi kilala ni Ate Denny kung sino siya nagpapasalamat lang siya at may fan siyang ganito. Isang araw bumalik si Ate Denny sa fatherland niya. Bumalik siya sa Pilipinas para magkaroon ng get-together sa mga fans niya. Doon, sa hindi inaasahang pagkakataon, HaveYouSeenThisGirl meets HaveYouSeenThisBoy. (An Ate Denny FanFic) [Fictional] No Soft Copies (Di kasi ako marunong doon)