MasayahingShana
- Reads 1,786
- Votes 179
- Parts 57
Hindi mawawala ang kompetisyon sa mundo ng mafia. Lahat ay gustong makalamang para sa kapangyarihan at yaman. Ang Nexus Order at Ruthless Reapers ang pinakakilalang dalawang mafia group at sila rin ang masasabing nasa top rank. Parehong naglalaban at nagaagawan sa pinakarurok ng kapangyarihan sa lahat ng mafia.
Matinding magkalaban man ang dalawang grupo ngunit ang kasalukuyang leader ng Nexus Order na si Zane McKnight ay unti-unting na iintriga sa pagkatao ng heiress ng Ruthless Reapers na si Mia Zhan. Isa sa mga dahilan ni Zane sa kaniyang pagkaintriga kay Mia ay dahil ito ang susunod na leader ng grupo na mortal na kalaban niya.
Mamamalayan na lamang ng dalawa na nagiging malapit na sila sa isa't isa ngunit magkalaban sila. Dapat ay maghilahan sila pababa at mag-apakan sa isa't isa.
Ano nga ba ang kapalaran ng dalawa bilang parte ng magulong mundo na kanilang ginagalawan?