Unexpectedly Magical (Unexpected Series #3)
Adceecee
(SOON)
Isang ordinaryong babae na may pasan-pasan na sandamakmak na mga responsibilidad sa buhay. Siya ang pinakapanganay sa anim na magkakapatid. Wala na silang mga magulang kaya todo kayud siya matustusan lang ang lahat ng mga pangangailangan nila. Wala sa bokabularyo niya ang salitang 'pagod'. Gagawin niya ang lahat para lamang sa mga kapatid niya. Pero dahil sa isang katangahan at katarantaduhang ginawa, nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Mas lalong nadagdagan ang problema niya. At heto pa ang nakakaloka, hindi niya kilala itong taong nagbigay sa kaniya ng isang pasanin.
Isang lalaki- este isang beklabu ang nasaktan at iniwan. Expected naman niyang lolokohin rin siya ng taong mahal niya gaya ng mga naging past relationships niya. Pero wala eh, gaga siya kaya tiniis niya. Until he- she can't handle the torture anymore. Siya na ang nakipaghiwalay, finally! Kasabay ng pagiging broken bekle niya, ay ang pag-invite ng cousin niya sa wedding nito. Para makalimot ay umattend siya sa kasal ng pinsan. Wrong choice ata na umattend siya sa wedding nito dahil bukod sa mas nasaktan lang siya dahil sa pagkainggit sa pinsan niya na may ka-forever na, ay dahilan din ng biglaang pag-counterclockwise ng takbo ng kaniyang gorgeous bekle world! Kulang nalang ay magpakamatay siya dahil sa impulsive decision na iyon.
Kung ano itong mga problema nila, basahin mo nang malaman mo.