niyatsc
Time & Fiction
written by niyatsc
Nevice. Yan ang pangalan ng kamalasan para kay Elai.
Sekretarya siya ng ama ni Nevice. Nagbakasyon ang matandang Rezarte at ipinalit ang sangganong anak nito na mula nang makilala niya ay inulan na siya ng kamalasan.
At isa sa mga kamalasang yun ay ang pagkaka-aksidente niya dahil sa tawag nito.
Ang hindi niya matanggap ay ang mga pangyayari pagkatapos ng aksidente.
Buhay siya. Humihinga at buo pa rin ang katawan.
Pero hindi na bilang Elai. Kundi bilang si Yamina.
Bilang Yamina, iisang tao lang ang nakakaalam kung anong totoong nangyayari sa kanya, si Dio.
Ang estrangherong manunulat na nakilala niya kasabay ng pagkakakilala niya kay Nevice.
Si Dio ang sumasagot sa mga katanungan niya pero hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi niya ito.
Pa'no siya mamumuhay sa katawang hindi sa kanya?
Ano ang gagawin niya sa mundong gawa ng kathang-isip ni Dio?
Ang mundo kung saan siya...
Ang fictional character.
Time & Fiction
written by niyatsc
11.17.16-8:15P.