pink_cookiemonster
Credit to miss MizzyFantsia for this awesome book cover!♡♡ thank you so much!♡
---
Naranasan mo na ba na maging isang wallflower? Maging isang nobody? Yung kada magtatapos ang taon ng school year, ikaw lang ang nakakaalam na nageexist ka pa pala. Yung tipong, kada magtatapos ang pasukan, ikaw lang ang hindi nila maaalala. Sa loob ng school, para ka lang halaman na dinadaan-daanan lang nila. Sa loob ng classroom, para kang lamok na itataboy o papatayin lang nila. Yung tipong gusto mo ng makakausap pero nauunahan ka ng takot. Takot na baka isipin nila na ang FC or feeling close mo. Takot na baka ipahiya ka or isipin nila na plastic ka. Yung kada mag-gogroupings lagi kang napagiiwanan. Yung feeling na pati adviser mo parang ayaw rin sayo. Sa madaling salita, pakiramdam mo ayaw sayo ng MUNDONG ito. Ang hirap ano? Iniimagine mo pa lang pero parang mahirap na.
Pero ako, nakahanap ako ng isang dimensyon kung saan ang pangyayari ay kabaligtaran sa reyalidad na kinabibilangan ko.
Hi, I am Zanthe Delight Cortes.
The NOBODY.
Story started: July 14, 2017
Time started: 8:58 pm
Story ended:--
Time ended:--