Maiden_Blaze
Knight in shining armor, iyan ang tingin ni Destiny kay Skyler. Simula kasi pagkabata ay palagi na siyang ipinagtatanggol nito. Kahit na salat siya sa buhay karangyaan, kailanman ay hindi iyon naging hadlang upang pagtagpuin ng tadhana ang kanilang mga landas.
Hindi naglaon ay naging matalik namang magkaibigan ang dalawa. Ngunit 'tila langit at lupa ang agwat sa estado ng kanilang buhay. Minsan pa nga ay hindi maiiwasang mapagkamalan siyang isang personal assistant nito. Pero sa tagal na ng kanilang pinagsamahan ay mukhang nasanay na rin siya.
Okay na sana ang lahat. PERFECT na sana. Pero wala naman talagang perpekto 'diba?
Kaya nga labis ang pagtutol ng pamilya ni Skyler dahilan upang pilit silang ipinagkakalayo.
At mawawala ba naman ang mga kontrabida sa buhay niya?
Yung mga taong walang ibang ginawa kung hindi ang laitin at apihin ang kanyang pagkatao. Yung mga taong kulang na lang ay ibaon siya sa lupa dahil sa matinding inggit na tinatamasa niya.
Hindi nga naman madaling magkaroon ng isang kaibigang hindi basta-basta tulad ni Skyler.
Pero sa kabila ng mga pagsubok na dumating ay nanatili pa ring matatag ang kanilang pagkakaibigan.
Ngunit hanggang saan nga ba ang kayang gawin ng dalawa upang panatilihin ang kanilang pagkakaibigan?
Handa kaya silang ipaglaban ang bagay na mayroon sila?
O
Darating ang isang araw na ang isa sa kanila ay tuluyan ng bibitaw?
Papaano nga ba kung higit pa sa isang kaibigan ang mararamdaman nila para sa isa't-isa?
Would they still be able to ask the same question if "Destiny, for real?" over and over again?
Or worst,
They would think that they are not meant to be.
Because of the thought that, Destiny is making it's way to separate them.
Paano kaya kung kailangang magsakripisyo ang isa sa kanila?