SummerGracePH0590's Reading List
3 stories
Stud Duology - Beyond Control by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 36,615
  • WpVote
    Votes 2,374
  • WpPart
    Parts 29
Dalawang katawan, dalawang karanasan, dalawang mukha na kay among pagmasdan. Dalawang pares ng mga mata na nakakabasa ng iniisip ng iba, ngunit hindi ng mga taong mahal nila. Si Aquos at si Axel, dalawang nilalang na dumaan sa dusa na nagpatibay at nagpamanhid sa kanila. May pag-asa pa bang mabago ang kapalaran na nakatakda na para sa kanila o tuluyan na bang mabubura ang kakayahan nilang magmahal? Dalawang istorya, isang kolaborasyon nina Jamille Fumah at Summer Grace.
My Gandalla by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 155,816
  • WpVote
    Votes 5,544
  • WpPart
    Parts 30
Naudlot ang dapat na pag ampon ni Mr. Raul Ferguso kay Gandalla noong bata pa sya. Namatay kasi ang asawa nito at nawalan ng direksyon ang buhay. May apat na anak naman ito. Lahat nga lang ay lalaki, kaya ginusto ng asawa nito ng anak na babae. Pero mapalad pa rin si Gandalla dahil itinuloy ni Mr. Ferguso ang suporta sa kanya. Pagsapit sa tamang edad ay nakatanggap pa sya mula rito ng isang maliit na condo. Labis-labis ang kanyang pasasalamat kahit pa mula noon ay hindi na nya nakita pang muli si Mr. Ferguso. Hanggang sa makatanggap sya ng balita na malubha na ang matanda. Ginusto nito na makita sya, makumusta at pakiusapan sa isang pabor. Malaki ang utang na loob nya sa matandang Ferguso, kaya tinanggap nya ang hiling nito... ang hiling nito na mapagbuklod ang apat na anak na lumayo ang loob rito. Ngayon ay napapaisip si Gandalla kung tama bang tinanggap nya ang hiling ni Raul. Bukod kasi sa masama ang tingin sa kanya ng ibang anak nito, masama rin ang kutob nya na isa-isa na itong magtatapat ng pag-ibig sa kanya! Sinong pipiliin nya gayong lahat ng mga ito ay walang itutulak-kakabigin. Iba't-ibang personalidad, iba't-ibang mukha at ugali. Ang kambal na sina Martin at Neil, ang black sheep na si Mason, at ang playboy na si Rich. Eh paano na lamang pala kung natuloy syang ampunin ni Raul at maging kapatid ang apat na gwapong lalaking ito? Sana talaga, apat ang puso ng isang tao! Damn Ferguso Brothers!
Love Ghost By (COMPLETE) by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 129,909
  • WpVote
    Votes 1,199
  • WpPart
    Parts 6
Kung nai-stress ang mga tao, nai-stress din pala ang ghosts, white lady, ligaw na kaluluwa, at kung ano pang pwedeng itawag kay Amethyst. Dead na sya, at matagal na nyang natanggap iyon. Wala eh, ganon talaga. Kung sadyang oras mo, oras mo na. Ang kaso nai-stress ang napakaganda nyang kaluluwa sa asawang maaga nyang na-biyudo, si Miguelito Dimatimbang. Palagi syang nasa tabi nito at kitang-kita nya kung paano magdalamhati ang asawang halos dalawang taon na rin nyang naiwan. Patintero tuloy ang drama nya between heaven and earth! Kaya naman umisip sya ng paraan para tulungang maka-move on ang mahal na asawa bago nya ito tuluyang iwan. At iyon nga ay ang humanap ng babaeng muling magpapatibok ng puso nitong sumabay sa pagkamatay nya. Perfect plan! Pero may isang maliit lang naman na problema. Paano nya gagawin iyon kung wala na syang koneksyon sa pisikal na mundo, at simpleng pagpahid nga ng luha sa mga mata ni Miguel ay hindi nya magawa? An Original Story by Summer Grace na kikiliti sa inyong imahinasyon...