Someya_San's Reading List
5 stories
Minaru's Quest by yoshiro_hoshi
yoshiro_hoshi
  • WpView
    Reads 19,218
  • WpVote
    Votes 2,166
  • WpPart
    Parts 44
Isa na marahil si Minaru sa mga dalaga na nangangarap ng isang mala-fairytale na love life-yun nga lang, di gaya ng ibang mga tipikal na prinsesa na nababasa sa mga sikat na fairytales na mahinhin at sopistikada, si Minaru na marahil ang kabaliktaran-isang matapang at walang inuurungan na dalaga. Ngunit sa kabila ng kaniyang mala-tomboy na kilos ay ang puso ng isang dalagang naghahanap ng tunay na pag-ibig. Ang malaking tanong lang ay kung magagawa kaya ni Minaru na matagpuan ang kaniyang "happily ever after" at maranasan ang isang tunay na "fairytale"? O mauuwi ang kaniyang paghahanap sa isang kakaibang "adventure" ng pag-ibig? Copyright © 2018 "Minaru's Quest" All Rights Reserved. By Yoshiro Hoshi # Shoujo / Teen Fiction / Love Story
ELEMENTO | Raw/Unedited by GilLandicho
GilLandicho
  • WpView
    Reads 1,365,621
  • WpVote
    Votes 37,368
  • WpPart
    Parts 164
PUBLISHED BY POP FICTION ---- Sa mundo natin, maraming mga kababalaghang nangyayari... Di naman kailangan pang pahirapan ang sarili. Maniwala ka man o hindi, nandyan lang sila sa tabi-tabi... Ang mga ELEMENTO. ---- Apoy. Paulit-ulit ang bangungot ni Gino Ivan Lazaro gabi-gabi. Marami ding mga kababalaghang nangyayari sa kanyang paligid na tanging isang nagsasalitang itim na pusa ang nagbigay linaw. Nasa panganib ang kanyang buhay dahil sa isang kulto na nais siyang ialay upang muling buhayin si Gunaw, ang masama at malupit na datu na naghasik ng lagim noong bata pa ang Pilipinas. Magagawa bang makatakas ni Gino sa tinakdang masalimuot na kapalaran? Lupa. May isang engkanto ang nagkagusto kay Clarissa Gutang. Nagawa nito magpanggap at gayahin ang anyo ng taong lihim na minamahal ni Clarissa. May darating bang Knight-in-shining armor para Clarissa o tanggapin na lang niya ang alok ng malignong manliligaw? Hangin. Nakakakita ng mga multo si Junio 'Jun-Jun' Sta Maria. Araw-araw padami ng padami ang mga ito dahil lahat ng makita niya ay sumusunod sa kanya pauwi. Nakakarindi ang mga iyak at paghingi ng tulong ng mga multong ito. Nalagay sa panganib ang buhay ng isang tao na mahalaga sa kanya dahil sa isang multo. Kakayanin ba ni Jun-Jun huwag itong pansinin o tuluyan nang buksan ang pandinig at intindihin panaghoy ng mga multo sa paligid?
Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED] by yoshiro_hoshi
yoshiro_hoshi
  • WpView
    Reads 210,034
  • WpVote
    Votes 10,865
  • WpPart
    Parts 98
* Winner of Watty's 2016 -- Visual Storytelling Category * FEATURED STORY at WATTPAD'S ADVENTURE 2017, "Around the World in 80 Languages" reading list. "Sampung taon mula ngayon, babalik ako at sisingilin kita ng buhay mo." Hindi inakala ni Haru na pagkatapos ng sampung taon, babalikan nga siya ni Death para singilin siya sa kaniyang pagkakautang. Ang kapalit ng dapat sana'y kamatayan ng kaniyang nakababatang kapatid ay ang sarili niyang buhay at paninilbihan sa Anghel ng Kamatayan ng habang panahon. Labag man sa kagustuhan ni Haru, mapipilitan siyang makipagkasundo kay Kamatayan para maging tauhan nito. Ngunit paano nga ba niya haharapin ang bago niyang buhay gamit ang ibang "katawan at katauhan" habang ginagampanan ang pagiging kolektor ng mga ligaw na kaluluwa? Copyright © 2016 "Ghost Retriever" All Rights Reserved. By Yoshiro Hoshi # Paranormal / Adventure / Alternate Historical Fantasy
Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently Editing by kembing
kembing
  • WpView
    Reads 148,904
  • WpVote
    Votes 6,696
  • WpPart
    Parts 39
Patintero, Tagu-taguan, langit-lupa, jack-en-poy at habulan... Ilan lamang 'yan sa mga madalas nating laruin, buong maghapon maghapon tuwing bakasyon. Ngunit papaano kung isang araw ang lahat ng ito ay mapapalitan ng pag-akyat ng bundok, pagtawid sa mga batis, pagsakay sa lumilipad na barko, pakikipaghabulan sa mga engkanto at elemento at pakikipagsapalaran sa isang kaharian na kung saan dalawa ang araw na simisikat at dalawang buwan ang lumulubog. Sa isang kaharian na kung tawagin ay Arentis. Papaano kung ang buong bakasyon mo ay mapunan ng mga ganitong pangyayari? Anong gagawin mo? *** First time ko po sa Wattpad, sana po ay magustuhan ninyo ang kwento ko. Pasensya na rin kung may mangilan-ngilang malalalim na tagalog. Taga San Pablo e :) P.S. May music po sa media section. Para lang mas exciting magbasa. :) M.K. Brugada / kembing ©2014-2015 All Rights Reserved.
Cupid's Match : CUPID'S MATCH BOOK 1 by LEPalphreyman
LEPalphreyman
  • WpView
    Reads 61,223,787
  • WpVote
    Votes 2,918,620
  • WpPart
    Parts 83
[IN BOOKSTORES AND KINDLE UNLIMITED NOW!] What if you were matched with the original love god? --- When Lila goes to the Cupids Matchmaking Service it is to tell them to stop spamming her. Instead she finds out that cupids are real, she has been matched with a dangerous love god, and that he is coming to find her. Soon arrows fly, myths are awoken, and Lila finds herself part of a deadly supernatural war that could cost her her life, and her heart. Perfect for fans of Percy Jackson and the Vampire Diaries. --- THE PUBLISHED VERSION OF CUPID'S MATCH IS OUT NOW! READ IN KINDLE UNLIMITED! Get your copy of Cupid's Match at bit.ly/CupidsMatch or follow the link in my profile!