RosanaDelaCruz1's Reading List
29 stories
Moymoy Lulumboy Book 3 Ang Paghahanap kay Inay  (COMPLETED) by Kuya_Jun
Kuya_Jun
  • WpView
    Reads 52,020
  • WpVote
    Votes 2,224
  • WpPart
    Parts 36
Ang Paghahanap Kay Inay
NAWAWALANG PUNTOD by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 17,528
  • WpVote
    Votes 265
  • WpPart
    Parts 1
''Psst! Puwede bang magtanong?'' ''Matagal na 'kong naghahanap, 'di ko pa rin makita.'' ''Puwede mo ba akong tulungan?'' ''Sige na, o.'' ''Samahan mo naman akong hanapin ang PUNTOD ko.'' Copyright © ajeomma All Rights Reserved GENRE: PARANORMAL, MYSTERY/THRILLER
DORMENTERYO by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 18,396
  • WpVote
    Votes 269
  • WpPart
    Parts 1
Naghahanap ka ba ng mauupahan? Mura na ang renta, tahimik pa ang lugar. Mabait na kasera, hanap mo rin ba? May alam ako.. TARA, sasamahan kita. Copyright © ajeomma All Rights Reserved
My Part time Husband by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 130,617
  • WpVote
    Votes 1,269
  • WpPart
    Parts 5
Pumayag si Renata aka Rennie dela Cruz sa pakiusap ng kaibigang pansamantalang mag-board sa kanyang bahay ang kaibigan nitong si Lennie. Dahil talaga namang kailangan niya ng boarder para may mapagkukunan ng ekstrang kita ay agad siyang pumayag. Laking gulat niya nang makitang lalake pala ang Lennie na titira sa bahay niya! Isang lalake na kabaligtaran ng ugaling mayroon siya. Ngunit hindi niya nagawang paalisin ang lalake nang bigla siyang ipatawag ng istrikto at makalumang lola. Paano niya ipaliliwanag ang pagiging single mom? Lalo siyang iinsultuhin at pagtatawanan ng mga kapatid sa ama. Magdadahilan sana siya at hindi na lang sisiputin ang abwela ngunit nabuko na ng mga step sisters niya ang tungkol sa kanyang anak. Mabuti na lang at naroon sa bahay niya si Lennie kaya naisip niyang kunin ang serbisyo nito upang magkunwaring asawa niya. Makatulong naman kaya ang lalake sa problema niya? O, ito mismo ang maging piiiinaka malaking problema? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Sa Silong ni Kaka  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 329,040
  • WpVote
    Votes 1,312
  • WpPart
    Parts 4
#WATTYS 2015 WINNER/Instant Addiction Nanginginig na sa sobrang takot si Luisa nang isakay siya ng isang mukhang goon na lalaki sa itim na van. Mula sa Mindanao ay sumakay siya ng barko. Kasama niya si Madam Gigi, ang ginang na kumumbinsi sa kanya na magtrabaho sa maynila. Dahil sa dinaranas nilang kahirapan ay agad siyang sumama at isang liham na lamang ng pagpapaalam ang iniwanan para sa mga magulang. Panay ang sulyap niya sa mga kasamang lulan ng van habang yakap ang isang maliit na bag na naglalaman ng ilang piraso niyang lumang damit. Nagkangitian ang mga lalaking lulan ng sasakyan matapos tumingin kay Madam Gigi. Saan papunta si Luisa? Ano ang kapalarang naghihintay sa kanya?
Buhay ko man ay 'di sapat  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 176,746
  • WpVote
    Votes 997
  • WpPart
    Parts 6
#WATTYS 2015 WINNER/Instant Addiction Habang nakatanaw sa matatalim na kidlat na nagsasalimbayan sa madilim na ulap, matuling nagbalik sa alaala ni Cristina ang nakaraan. Hindi na niya namalayan ang paglalandas ng luha sa magkabilang pisngi. "Inay, bakit nagagawa mo ito sa amin?'' bulong niya sa hangin. Ilang saglit pa ay unti-unti nang pumatak ang ulan. Nanatili siyang nakatingala at hinayaang palisin ng mumunting mga patak ang luhang humihilam sa kanyang mga mata. Napangiti siya. Sinasabayan ng langit ang kanyang pagtangis. Tila nais hugasan ang nagdurugo niyang damdamin. Maliliit pa ang dalawa niyang kapatid nang iwanan sila ng sariling ina. Tinalikuran at hindi nasilip man lamang. Siya ang nag-alaga at nagmistulang ina sa mga ito. Ang lolang magbobote ang kumupkop at nagpalaki sa kanila. Hanggang dumating ang isang tao na nagpabago ng lahat. Ang lalaking naging daan upang guminhawa ang kanilang pamumuhay. Isang araw, dumating ang kanilang ina at ang gusto ay makinabang sa kung ano mayro'n siya. Hindi niya ito natikis. Subalit hindi ito kuntento sa nakukuha at gumawa pa ng isang pagkakamali. General Fiction/ Drama Wattys2015 winner/ Instant Addiction Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Kambal na Bagwis #Wattys2016 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 359,933
  • WpVote
    Votes 1,824
  • WpPart
    Parts 5
Dalawang sanggol na may pakpak ang magkasunod na isinilang sa kalaliman ng gabi! Ang isa sa sanggol ay may buhok na kulay mais at animo ginto. Mala-sutla ang kutis at ang mukha ay napakaamo. Habang ang isa naman ay kulot ang buhok na nakadikit sa anit at ang kulay ng balat ay kasing dilim ng gabi. Ano ang kapalarang naghihintay sa magkapatid..... sa KAMBAL NA BAGWIS... Cover by: Wacky Mervin (salamat po sa napakagandang cover) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Paglalakbay by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 72,430
  • WpVote
    Votes 445
  • WpPart
    Parts 2
Bata pa lang si Adela ay mulat na siya sa pagiging ate sa tatlong nakababatang kapatid. Matalino siya at madiskarte sa buhay. Katuwang ng kanyang inang si Onor at matapang na tagapagtanggol ng mga kapatid. Sipag at tiyaga, pagtitiis at pagpupursigi, mga sangkap na gagamitin niya upang makamit ang mga pangarap na mismong ama ang naging sagabal. May pag-asa pa ba kung ang iresponsableng ama ang nagdudulot ng balakid at pagdurusa? Tunghayan po natin ang kuwento ng kanyang buhay, na maaaring kuwento rin ng iba sa atin. Maiyak, mangiti; masaktan, kiligin; bumagsak, bumangon; mabigo, magtagumpay at magpatuloy sa PAGLALAKBAY sa buhay. PAGLALAKBAY written by: ajeomma P.S. Ito po ang kauna-unahan kong kuwento nang unang araw na patuluyin ako ni Wattpad. Maraming-marami po itong mali pagdating sa teknikalidad na aspeto. Sa kabila niyan, nagpapasalamat po ako sa mga nagbasa at nagkomento ng maganda... At, magbabasa pa. :-)
Ang Bahay ng Lagim by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 446,865
  • WpVote
    Votes 1,988
  • WpPart
    Parts 5
Sa tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng mahal na araw sa San Ronquillo ay hindi na mapakali ang mga naninirahan dito. Pinaniniwalaang muli na namang makikita ang isang bahay kastila sa pusod ng kagubatang malapit sa kanila. Muli na naman silang makaririnig ng nakakikilabot na panaghoy sa hatinggabi... na nagmumula sa tinatawag nilang bahay ng Lagim! At sa pagsapit ng Biyernes Santo kung saan patay raw ang Diyos ay muling magaganap ang isang malagim na kamatayan para sa mga darayo rito. Sina Aldo, Josh, Butsoy, Reynalyn at Milen ang magkakabarkadang mapupunta sa baryong ito. Ang NOON at NGAYON ay pagtatagpuin sa isang pagkakataon; sa malagim na sitwasyon. Totoo nga kaya ang kuwento tungkol sa Bahay Kastila? May makaligtas kaya sa kanila? cover by: Wacky Mervin ( salamat po) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Babaeng Mental by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 269,134
  • WpVote
    Votes 1,906
  • WpPart
    Parts 5
Babaeng Mental Isang malagim na gabi ang nasaksihan ng walong taong gulang na paslit sa loob ng sariling tahanan; sa ng silid ng mga magulang. Sa loob ng dresser, nakikita niya at naririnig ang pagsigaw ng kanyang Daddy, ng Mommy, ng Ate at Kuya; umiiyak, nakikiusap at nagmamakaawa. May mga monster! Pinilit niyang gisingin ang sarili sa inaakalang bangungot na nangyayari, ngunit nabigo siya. Totoo ang lahat at hindi panaginip! Apat na kakaibang tunog ang kanyang narinig; tunog na hinding-hindi niya malilimutan, ganoon din ang mukha ng anim na halimaw. Uno, Dos, Tres, Kwatro, Singko at Boss... pangalan ng monsters na hahanapin niya kapag may super powers na siya; kapag malakas na, at kaya nang lumaban. Binagtas niya ang kahabaan ng kalsada. Hindi alintana ang dilim ng gabi; ang lamig na nanunuot sa kanyang murang katawan dulot nang malakas na pagbuhos ng ulan at hampas ng hangin. Kailangan niyang makatakas! Hanggang mapadpad siya sa lugar na ni sa panaginip ay hindi niya akalaing mapupuntahan. Magiging malakas siya, matibay at palaban. Hahanapin niya ang mga monsters at sisingilin sa malaking pagkakautang sa kanya! Sina Bibeng at Digong, Tiklo at Puyo, ang mga taong magpapalaki sa kanya. Ano ang kapalarang naghihintay sa isang paslit? Malampasan kaya niya ang mga pagsubok na nakatakdang harapin? Copyright © ajeomma All Rights Reserved