EllaJaneBonggot's Reading List
19 stories
Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 612,828
  • WpVote
    Votes 11,879
  • WpPart
    Parts 24
Kilala si Samuel Ford bilang isang maginoo, masunurin, tahimik, suplado, at matalino. Buong buhay niya ay puro papuri ang natatanggap niya galing sa ibang tao. Hindi siya santo, may lihim rin siya na bawal sa mata ng kanyang pamilya, at nang ibang tao.. Na kailanman ay hindi matatanggap maging ng diyos.. "I Like Her. I Love Her. But I can't fall for her." -Samuel. Dugo sa dugo. Ngunit ang pagtibok ng kanyang puso ay walang kinikilalang dugo. Copyrights 2017 © MinieMendz
Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 930,073
  • WpVote
    Votes 18,148
  • WpPart
    Parts 23
Nagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mabawi ang dating titulo na naging kanila. Paano kung ang nasimulan mo ay hindi muna kaya pang tapusin? Imbes na paibigin mo siya ay ikaw mismo ang napaibig nang isang Christian Grae Dela Vega.
Blood Book 1 (Unedited) ✓ by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 139,575
  • WpVote
    Votes 4,597
  • WpPart
    Parts 18
Pag-ibig na nagsimula lamang sa ordinaryong pangyayari. Napadpad si Francine kasama ng kanyang Ina sa mansyon ng mga Agustin upang mamasukan bilang kasambahay. Hindi nya alam na may lihim palang tinatago ang pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Naging alalay sya ng binatang Agustin na si Randall. Na una palang ay naamoy na agad ng binata ang mabango nyang amoy. Labis ang pagtataka ni Francine sa kanyang paligid dahil para bang may kakaiba sa bawat araw na nakikilala nya ang pamilyang Agustin at ang binatang si Randall. Hanggang matuklasan nya na hindi ordinaryong tao ang binata at maging ang pamilya nito. Isa itong nilalang na hindi nya akalain na nabubuhay sa mundo nya. Ngunit mawawala ang kanyang alaala at matutuklasan na kanya itong magiging asawa. Nag-ibigan sila ngunit natuklasan rin nya na sya ay nilinlan lamang ng binata nang sabihin nito ay asawa nya ito. Natuklasan nya rin na hindi rin pala sya ordinaryong tao lang. Dahil napapabilang rin sya sa uri ng nilalang kung anong uri ang binatang si Randall. Ngunit ang kanilang lahi ay nahahati. Ang kanilang lahi ay may alitan sa isa't-isa, kaya malaki rin ang hadlang sa kanilang pagmamahalan. Ngunit hindi sila nagpapigil at nagbunga ang kanilang pagmamahal ng isang supling. Isang supling na magiging salot ng kanilang lahi. Dahil nais nilang protektahan ang kanilang magiging anak ay tumakas sila, ngunit may isang nilalang na pumigil upang sila ay mapaslang upang mapunta rito ang trono bilang hari. Naiwang nakikipaglaban si Randall upang protektahan si Francine at ang nasa sinapupunan nito. Napunta sa mundo ng tao si Francine upang doon magtago. Hinintay nya at umaasa sya na agad syang mahahanap ni Randall ngunit naisilang na nya ang kanilang anak pero wala parin ang binata na nangakong susundan sila.
Drake Ashton FORD SERIES 2 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED) by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,207,525
  • WpVote
    Votes 25,700
  • WpPart
    Parts 32
Si Drake Ashton ay isang nerd pero heartrob sa Campus. Snob, Smart, Tall, Dark and Handsome ang bansag sa kanya. Pero nang siya ay umibig at masaktan ay nagbago siya. Ginawa niya ang lahat para gantihan ang babaeng nagpabago ng ugali niya. Sapilitan man pero ginawa niya ang bagay na alam niya na wala ng takas pa ang babaeng iyon sa kanya. Si Joe Lin Ramos, ang babaeng inibig ni Drake. Dahil sa isang dare ay meron siyang nasaktan na tao. Pero hindi niya inaakala ng sapilitan nitong pakasalan siya. At ang alam niya ay isa lang ang dahilan.. Upang gantihan siya.
UNTIL WHEN Part 1 (COMPLETED) Unedited by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 274,219
  • WpVote
    Votes 8,487
  • WpPart
    Parts 16
Yuka is the special child. Isang isip bata na nasa katawan ng isang dalaga---malambing, iyakin, at isang masunuring dalaga. Sa loob ng labing siyam na taon sa buhay nito ay pinoprotektahan siya palagi ng taong nasa paligid niya. Ayaw na lumalabas siya o lalapit sa ibang tao dahil natatakot ang mga nakapaligid sa kanya na saktan na lamang siya ng kung sino. Ngunit sa kabila ng pagiging isip bata ay merong tinatawag si Yuka na 'Kuya'---si William---ang kilalang matinee hunk idol na sikat na sikat sa buong bansa. There's something to Yuka that William can't resist---at 'yon ay sa kabila ng pagiging isip bata ng dalaga ay marunong itong walain ang lahat ng bigat na kanyang nararamdaman. Posible bang sa kabila ng pagiging isip bata ni Yuka ay magkaroon ito ng lalakeng mamahalin siya sa kabila ng kapansanan niya? At paano rin kung may isang pangyayari na hindi inaakala ni William na mangyayari. © MinieMendz
UNTIL TOGETHER Part 2 ( COMPLETED) by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 206,774
  • WpVote
    Votes 5,101
  • WpPart
    Parts 11
Sa kabila ng isip batang katangian ni Yuka ay minahal siya, tinanggap, at inalagaan ni William. Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay mas naging protektado ni William si Yuka. Walang araw na hindi nangangamba si William na baka hindi niya muli ma-protektahan si Yuka, kaya nag-desisyon siyang palaging isama ito kahit saan man siya magpunta. Ngunit makakamit pa kaya ni William ang inaasam na katahimikan sa piling ni Yuka, kung ang taong nasaktan ay pilit na ginugulo ang buhay nila? Magagawa bang protektahan pa ni William si Yuka kung palagi itong takaw disgrasya? At paano ang gagawin ni William kung ang pagmamahalan nila ay nagbunga at naging sanhi para lalo siyang mangamba. PART 2 © MinieMendz
BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓ by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 116,426
  • WpVote
    Votes 3,750
  • WpPart
    Parts 18
Dahil sa kakaibang mata ay naisipan ni Francine na ikubli ang mata ng kanyang anak na si Abella. Gumawa sya ng isang salamin sa mata upang takpan sa mata ng tao ang sekretong tinatago nila. Lumaki si Abella na tahimik at may tinatagong angking talento. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon sya ng pagkakataon na makapasok sa isang Eskwelahan. Lagi syang sentro ng bulungan ng mga estudyante ngunit wala syang pakialam sa paligid. Hanggang sa makilala sya ni Antonios Don Villamor. Ang Volunteer Nurse ng school na papasukan ni Abella. Nakita nya kung paano ito mahimatay kaya agad nya itong tinignan.. Tatanggalin sana nya ang salamin nito upang tignan ng mabigla sya ng dumilat ito at pigilan sya. Malamig ang kamay ng dalaga. At hindi nya alam ngunit tila iba ang nadama nya rito. Matuklasan kaya ni Antonios ang lihim ni Abella? At ang binata din kaya ang magiging dahilan ng paghihirap ni Abella? At matagpo din kaya ang landas ng mag-ama na pinaglayo ng tadhana?
My Mother's Job Part 1 ✓ [Under Editing] by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 992,379
  • WpVote
    Votes 29,881
  • WpPart
    Parts 35
Lucy is the kind of girl na gagawin ang lahat para mabuhay. Mula pagkabata ay lahat ng hirap ay dinanas na niya. Kasabay pa na palaging wala ang kanyang ina para man lang tugunan ang kumakalam niyang sikmura. Isang araw, umuwi ang kanyang ina na nagpasaya sa kanya dahil akala niya ay makakasama na niya ito at masasabi rito lahat ng nangyayari sa kanya, ngunit umalis din agad ito, at ang kinaguluhan niya ay kung bakit may iniwan naman itong batang lalake. Pinaubaya sila sa kakilala nito. Nais niyang maiyak dahil hindi na bumalik ang kanyang ina. At masama ay minamaltrato sila ng pinag-ubayaan ng kanyang ina sa kanila. The boy is one year old.. He can't say his name. He don't know who he is. The only word he know is 'Mama'. He keeps calling her 'Mama'. Walang magawa si Lucy kundi ang mag-isip ng pangalan. At pinangalanan niya na lang niya itong 'Louis'. Lumaki naman si Louis na ang tanging nakaukit sa isip ay 'Mama' niya si Lucy. Iniisip ng ibang tao na mag kapatid sila, pero hindi magbabago ang pakikitungo niya kay Lucy bilang kanyang Mama. Lumaki silang hirap ang dinanas. At dahil sa kahirapan ay hindi niya akalaing papasukin ni Lucy ang isang trabahong hindi niya kailanman gugustuhin. Tinulungan naman niya si Lucy para umalis na ito sa ganoong uri ng trabaho, ngunit ang masakit ay hindi lang trabaho nito ang hindi niya kayang paalisin rito, maging ang lalakeng pinipilit na pagmamay-ari si Lucy. Sumama si Lucy sa lalake. Naiwan siyang mag-isa na may dinadamdam na sakit at galit na naramdaman rito. Hanggang malaman niya ang buong pagkatao niya--na siya pala ay si Santiago Bently Esteban na anak ng isang mayamang Esteban. Nagbago ang buhay niya ngunit mayroong bahagi sa puso niya na puno ng pighati at galit para sa dalagang isang araw ay babalik na lang bigla. Gustong bumalik ni Lucy sa buhay ni Louis. But she's late, because Louis is going to marry someone... And she's the strip dancer to his bachelor party. And it's her job. Copyrights 2019 © MinieMend
Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 690,620
  • WpVote
    Votes 14,132
  • WpPart
    Parts 22
Lahat ng himpapawid ay kanyang liliparin. Maging ang malalim na dagat ay kanya ring lalanguyin. Pati ang pagpapansin ay kanya na ring gagawin; makuha lamang ang pagtingin ng kanyang iniibig. Ang madikit pa sa pandikit na si Nyebe ay patay na patay sa pinakabunso ng mga Ford na si Benjamin Apollo Ford. Sya na ata ang malinaw pa sa radyo kung wagas makapagbroadcast ng feeling sa buong mundo . Kahit na hindi sya pinapansin ng suplado'ng si Benj ay todo parin sya sa paghahabol rito. Pero siguro kahit ano mang bagay sa mundo ay nasisira din, gaya lang din ng puso nya. Na-wasak ang puso nyang patay na patay kay Benj ng mismo nitong nilibing ang puso nya sa mga salita nito na nagbigay ng malaking impact sa kanya. Naging sirena sya na naging bula at bigla nalang naglaho. Katulad rin ng pangalan nya na isang nyebe na natunaw at lumipas. At sa taong lumipas ay muling nagkita ang landas nya at ni Benj na sa pagkakataong iyon ay hinahanap pala sya ng binata. Pero sa pagkakataon na ring iyon ay hindi na nya kilala pa si Benj. Ang prince charming nya na ngayo'y naghahabol sa kanya.
Phillipe Adam FORD SERIES 9 UNDER EDITING [ON-HOLD] by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 219,223
  • WpVote
    Votes 5,727
  • WpPart
    Parts 17
Mula pagkabata ay magkasama na sina Hansel at Phillipe. Palaging pinagtatanggol ni Phillipe si Hansel sa mga nanunukso rito. Chubby, baboy, at iba pang panlalait ang natatamo ni Hansel sa mga kaklase niya simula pa lang pagkabata. Kaya humina ang self confidence niya sa sarili dahil doon. At nakadagdag sa hina ng self confidence niya ang ma-link siya kay Phillipe na beyond sa expectation niya. Para sa kanya ay malabong magkagusto sa kanya si Phillipe. Bukod sa looks at yaman nito ay may katalinuhan din si Phillipe na malayo sa katulad niya. Hanggang kaibigan lang iniisip niya dito, dahil alam niya sa sariling hindi siya nababagay sa isang Phillipe. Pero nagbago lahat ng hindi niya inaasahang aamin si Phillipe ng feelings nito sa kanya. Hindi siya makapaniwala na ang kaibigan niya ay may pagtingin pala sa kanya. Ayaw niya sanang makipagrelasyon rito dahil ayaw niyang masira ang friendship nila, pero paano kung deneklara nito na nobya na siya nito. Ang pagkaka-ibigan kaya nila ay mauuwi sa happy ending o magiging heartbreak ending. © MinieMendz