Leonna_PHR
Ako si Happy, pero hindi ako masaya. Wala nang mudra, pudra, yaya, pero may titong kulang sa pang-unawa at best friend na pa-abroad na. Ang ending, ako na lang ang mag-isa sa mala-palasyong beach house na ito na gusto ko na ring ibenta. Buti sana kung may jowa, kaso laging bokya ang bekla. Sa Manila na lang siguro maghahanap ng fafa para lumigaya.
Until one day, limang lalaki ang gustong mag-staycation sa aking mansyon: ang Pogi na si Arvo, ang Diyos ng Kasungitan na si Gunner, ang Hottie Patootie na si Sindre, ang Cutie Pie na si Ingram, at ang Mr. Mysterious na si Rasmus. Kaya naman ang tanong ko sa sarili ko: "Ano, Happy? Limang lalaki na ang sa 'yo ay nagkakandarapa. Aalis ka pa?"
Asa.