EighnaVieso
Sa kaharian ng Pilipinas kung saan puno ng dahas, hindi pagkapantay-pantay, hindi patas na hustisiya, pang-aapi sa mga mababang uri ng tao at pagiging gahaman ng mga taong may kapangyarihan. Mayroong isang binibini na ang tanging hangarin sa buhay ay ang matamo ng lahat ang pagkapantay-pantay at patas na hustisiya. Ang binibining iyon ay si Maria Amor Palomar. Ngunit paano niya makakamit ito kung isang hamak na mahirap lamang siya na walang malaking kahalagahan sa kaharian?
Guguluhin din ang tahimik niyang buhay ng limang prinsipe ng kaharian. Dagdag pa dito ang matalik niyang kaibigan na matagal na palang may lihim na pagmamahal sa kaniya.
Babala: Huwag umasa ng matindi sa kuwentong ito sapagkat maaaring mabigo ko lamang kayo.
Wikang ginamit: Purong Filipino/Tagalog
Petsang sinimulan: May 06, 2021
Petsang natapos: --