EvemichelleCatulay's Reading List
5 stories
Wonderful Journey (Published/Unedited Version/Completed) de laradyngrey
laradyngrey
  • WpView
    Leituras 110,966
  • WpVote
    Votos 1,998
  • WpPart
    Capítulos 11
"You're a witch, and you bewitched me with your kisses." Unang kita pa lang ni Pfiper kay Rebbel ay nahulog na agad ang loob niya rito. Sinikap niyang mapansin siya nito, alisin ang lungkot nito nang malaman niyang iniwan pala ito ng babaeng mahal nito sa araw mismo ng kasal ng mga ito. Pero sa tingin niya, kahit ano ang gawin niya ay hindi siya mapapansin nito. Labis pa siyang nasaktan dahil sa pambabale-wala nito sa kanya. Ilang linggo ang lumipas ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Rebbel. Ito ang bagong may-ari ng advertising company na pinagtatrabahuhan niya. Pero hindi na ito ang dating Rebbel na nakilala niya. Naging sweet na ito at tinatrato siya nang espesyal. Pero kung kailan tuluyan nang nahulog ang puso niya rito ay doon niya nalaman na naghihiganti lang pala ito sa pamilya ng pinagtatrabahuhan niya-at kasama siya sa plano nitong paghihiganti
MIDNIGHT KISS de ZindyRivera
ZindyRivera
  • WpView
    Leituras 65,961
  • WpVote
    Votos 1,331
  • WpPart
    Capítulos 10
"Hindi ko maaaring pilitin ang puso kong magmahal ng iba. I can only love once, at ikaw lang iyon..." Pagkatapos saktan ni Max ay sinabi ni Sabrina sa sarili na kalilimutan na niya ang lalaki. Ngunit nagbalik si Max sa buhay niya. Sa pagbabalik ng lalaki ay muli nitong binuhay ang pagmamahal na akala niya ay wala na. Muli nitong ginulo ang nananahimik niyang buhay. Kaya kahit mahirap na magiging amo pa niya si Max ay umakto siyang bale-wala lang sa kanya ang lahat. Ngunit mahirap nga yata talagang pigilan ang pagmamahal sa isang tao. Napatunayan iyon ni Sabrina dahil sa pangalawang pagkakataon ay tuluyan na siyang nahulog sa karisma ni Max. Isang halik lang ang nagpatunay na hindi niya kayang mawala ang lalaki. Hindi siya nangiming ibigay ang sarili kay Max dahil naramdaman niyang pareho sila ng damdamin. Pero hindi pa man umaamin si Sabrina kay Max sa nararamdaman ay naging malinaw na sa kanya na masasaktan lang siya sa huli. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan uli siya ng lalaki. Nalaman kasi niyang ikakasal na si Max kay Lyra, ang babaeng sumira sa relasyon nila noon ng binata.
❤A Promise of Love (COMPLETED - Published under PHR) de iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Leituras 97,663
  • WpVote
    Votos 1,687
  • WpPart
    Capítulos 10
Bago nagkahiwalay sina Althea at Hubert ay nangako sila na hindi kakalimutan ang isa't-isa. Nakahanda rin si Althea na maghintay sa pagbabalik nito. And she remained true to her promise. Ngunit sa kung anong dahilan ay bigla na lang nawalan sila ng komunikasyon. Nasaktan si Althea pero hindi pa rin niya magawang hindi mahalin ito. At kahit lumipas na ang mga taon, ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Kahit hindi niya aminin, umasa pa rin siya na darating ang araw na magkikita uli sila, na pwedeng madugtungan ang kanilang kahapon. Natugunan naman ang hiling niya. Ngunit ikakasal na ito sa ibang babae... Note: 2006 pa po ito na-published so pasensiya na po sa mga medyo malalalim at makalumang mga words =)
LUISITO CLANDESTINE de ZindyRivera
ZindyRivera
  • WpView
    Leituras 53,452
  • WpVote
    Votos 1,015
  • WpPart
    Capítulos 10
"Lagi kong hinihiling na pansinin mo rin ako para masabi ko sa 'yo na pangarap kita noon pa." Yumi wanted to hate her parents dahil sa kagustuhan nitong ipakasal siya sa anak ng dating kapitbahay nilang si "Choy," short for "tabachoy." Hindi niya ma-imagine ang sarili niya na magiging asawa niya ang isang lumbalumbang binata dahil masasayang lang ang kagandahan niya. But things changed, dahil bigla na lang nagkagulo ang hormones niya nang magkita uli sila ni Choy na mas kilala na ngayong "Louie." He had changed a lot. Hindi lang ito guwapo kundi ubod pa ng macho. Naglaho ang mga dramang pinlano niya para huwag matuloy ang kasunduan ng mga magulang nila. All her heart wanted was to be with him.
Jackpot In Love (Published under PHR) de RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Leituras 94,803
  • WpVote
    Votos 1,463
  • WpPart
    Capítulos 10
Dahil kinailangan ni Barbie na saklolohan si Hero nang unang beses niyang makita ito sa mall, nawala sa kanya ang lotto ticket niya-at nanalo pa naman ang mga numerong tinayaan niya. Gusto niyang mabalik sa kanya ang ticket dahil iyon ang babago sa buhay nila ng kanyang ina. Kaya nang sabihin sa kanya ni Hero na nasa pangangalaga nito ang ticket niya, agad siyang sumang-ayon sa kondisyon nito para maibalik sa kanya ang ticket-kailangan niyang magpanggap na nobya nito. Pine-pressure kasi ito ng tatlong tiyahin nito na maghanap na ng mapapangasawa dahil kung hindi ay ibebenta ng mga iyon ang shares sa kompanya at mapupunta ang pamumuno niyon sa ibang tao-bagay na ayaw mangyari ni Hero. Kailangan nila ang isa't isa kaya nagtulungan sila. Pero nang makilala ni Barbie nang husto ang binata, tila nawaglit na sa isip niya ang pangarap na maalwan na buhay. Napalitan na iyon ng pangarap na makasama ang binata sa habang-buhay. Ngunit may lihim na maaaring sumira sa pangarap niyang iyon...