HazelJoyRamirez's Reading List
2 stories
Ang Mutya Ng Section E by eatmore2behappy
eatmore2behappy
  • WpView
    Reads 171,040,590
  • WpVote
    Votes 5,660,780
  • WpPart
    Parts 135
Muling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app. Season One of Ang Mutya Ng Section E *** Simple lang ang gusto ni Jay-jay sa buhay: ang malayo na sa gulo at magkaroon ng normal na high school life. Pero kung gulo na mismo ang lumalapit sa kaniya, mapaninindigan pa rin ba ni Jay-jay ang pangako niya? Nang lumipat si Jasper Jean Mariano sa HVIS, nangako siyang lalayo na siya sa gulo at gagawin niya ang lahat para maging normal ang high school life niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, napunta siya sa Section E kung saan siya ang nag-iisang babae sa klase. Simula pa lang ng taon, puro kahihiyan at sakit na ng ulo ang inabot niya. Ngayong napaliligiran siya ng mga kaklaseng habulin ng gulo, naiipit si Jay-jay sa sitwasyon. Kakayanin pa rin ba niyang maging normal at makalayo sa pakikipagbasag-ulo kung unti-unti nang nauubos ang pasensya niya? O pipiliin ba niyang sumama na rin sa gulo kung kapalit naman nito ang kaligtasan ng mga kaibigan niya?
Hes into Her 1 by ovelxoxo
ovelxoxo
  • WpView
    Reads 251,279
  • WpVote
    Votes 6,400
  • WpPart
    Parts 1
"W-what!? Pumayag siyang maging partner ko? Ha! Eh, hindi ko naman siya niyaya. Masaya at madali lamang ang buhay para kay Deib Lohr Enrile na hinahangaan ng napakaraming babae dahil sa kanyang itsura; bukod doon ay wala na. Mahilig siyang mang-bully. Kilala bilang Campus Enemy Number One dahil sa angking talento sa pang-aasar sa mga baguhang estudyante sa paaralang pag-aari ng kanilang pamilya. Sikat si Deib Lohr sa mga babae pero hindi dahil crush siya ng mga ito, kundi dahil takot na mapag-TRIP-an. Sa kagustuhang sagutin ng babaeng dalawang taon na niyang nililigawan ay nangako si Deib Lohr na magbabago at titigilan ang pagiging BULLY. Ganoon siya kadesididong maging nobya si Kimeniah, ang babaeng kanyang pinapangarap. Maganda, mabait, matalino at mayaman. Kung hindi lamang maliit ay mukha nang perpekto. Ngunit pagpasok ng huling taon ni Deib Lohr sa high school ay nagawa niyang sirain ang sariling salita. Nakilala niya ang kauna-unahang babaeng naglakas-loob na patulan ang kanyang mga kalokohan. Ang babaeng kamumuhian niya nang higit pa sa kanyang inaakala. Ang babaeng nagawang baguhin ang mga pananaw niya sa buhay dahil lang sa hindi makatwirang prinsipyo. Siya ba ang gumulo sa buhay ng babae? O ito ang gugulo sa kanyang buhay? Isang babaeng kamumuhian niya ngunit may pagkataong hindi niya mahulaan. Ang babaeng makapagpapatunay kay Deib Lohr na hindi lahat ng babaeng gusto niya ay mahal mo.